Not just Two but Three

210 7 4
                                    

Chapter19

Rose*
POV

Huminto kame ni Arwin sa ginagawa naming pagsasalo tapos nahiga na sya ng maayos, nagyakapan kameng dalawa saka ngumiti sa isa't-isa.

"I'm sorry Rose. Please. Bumalik ka na saken?" Sabi nito.

"A'Arwin... Ano kase." Sabi ko.

"Baby please. Pangako magbabago na ko. Hindi ko na uulitin yung ganon na pagsasalitaan kita. Please." Sabi nito.

"B'Bigyan mo muna siguro ako ng konti pang panahon. Naguguluhan kase ko e." Sabi ko.

"Hmm. Okay, nirerespeto ko yung desisyon mo. Pero, lagi kitang pupuntahan dito. Manliligaw ulit ako sayo kahit na anong mangyare." Sabi nito.

Hindi ko na alam ang isasagot ko kaya tumango-tango lang ako sa kanya.

"Ipaparamdam ko sayo na hinding-hindi ko na uulitin yun. Again, i'm really really sorry Rose. Hindi ko na uulitin. Hindi na ulit kita sasaktan. I promise." Sabi nito saka nya ko niyakap at hinalikan sa Noo.

Pumikit lang ako at ninamnam tong init ng Katawan ni Arwin, hindi ko alam kung bakit iniisip ko si Gino ngayon.
Ayan at nalulungkot nanaman ako.

*

Mga bandang 1:50pm umalis na kame ni Arwin at namasyal dito sa Mall.
Pinamili nya ko ng mga bagong Damit tyaka ng Sandals o High Heels na gagamitin ko daw sa pupuntahan naming Party.

"S'Saan tayo pupunta?" Sabi ko.

"Birthday kase ng Grandma ko. Bali, ipapakilala kita." Sabi nito.

"Oh, Birthday nya ngayon?" Sabi ko.

"Yup, tapos dun tayo pupunta." Sabi nito.

Pumayag nalang Ako tutal mas maganda kung makikilala ko yung kamag-anak ni Arwin.

*

Dito ako nagbihis sa Kotse nya kase kailangan na naming magpunta dun ngayon mismo.

*

Bumyahe kame ni Arwin ng Tatlong Oras makarating lang dito sa Paranaque sa isang Malaki ding Bahay.

"Wow, ang laki ng Bahay. Mas malaki sa Mansion mo to..." Sabi ko.

"Mmhmm. Ganyan kalaki yang Bahay at Lupain ng Lola ko. Alam mo, masipag yung Lola ko kaya marami syang Kayamanan na paghahati-hatian pa nga daw nameng magpipinsan kapag nawala na sya. Hindi ko kayang mawala yung Lola ko kase sya lang tong kakampi ko kapag inaaway ako nila Mommy at Daddy." Sabi ni Arwin.

Tiningala ko agad sya.
Bakas sa Mukha nito yung Lungkot habang tinitignan nito yung Malaking Pinto ng Mansion nung Lola nya.

"A'Arwin. Please, wag kang malungkot." Sabi ko.

Tinignan nya ko saka pilit na nginitian pero alam kong malungkot ito base sa mga Mata nya.

"Arwin." Sabi ko.

"Okay lang ako. Sanay naman na kong sinasaktan." Sabi nito.

Tinamaan ako sa sinabi nya kaya napayuko nalang ako't tumingin sa semento.

"Hey, don't be Sad. Hindi naman kita pinapatamaan e. Kalimutan na naten yung nangyare. Magsisimula ulit tayo Rose." Mahinahon nyang sabi.

Tumango-tango lang ako saka tumingala na ulit sa kanya, nakangiti itong humawak sa Kaliwang kamay ko tapos naglakad na kame papasok dito sa Malaking Bahay.

Nakakamangha yung pagbukas palang ng Pinto may mga Tao na agad tapos napaka Lawak ng Sala dito.

"Ayan na si Arwin!--- Hi Kuya Arwin! Hihi!--- Oh Arwin! Kala ko sasabihin mo nanaman Busy ka. Hehe." Bati agad yun ng Tatlong Babae.

Touch In The DARK (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon