Chapter21
Rose*
POVBumalik na kame ni Arwin dito sa Party ng Lola Elizabeth nya kase nagtext na si Katrina saken na kanina pa pala hinahanap si Arwin.
"Arwin. Hindi ba magagalit ang Lola mo?" Sabi ko.
"Relax, mabait si Lola. Hindi magagalit basta-basta yun." Sabi nitong nakahawak sa kaliwang kamay ko habang naglalakad kame papasok dito sa Events Place.
Pagpasok nameng dalawa, sumalubong si Katrina at Jon samen tapos inakay nila kame sa isang pwesto kung nasan naka-upo na sila Aileen at Gino.
"Hays." Bulong ko.
"Maupo na tayo Beh. Nagsisimula na yung Party. Uhm, si Sir Arwin mamaya tatawagin yan e. Hinahanap sya ng Lola nya." Sabi ni Kat.
"Osha, maupo na tayo." Sabi ko.
Naupo na kame ni Kat.
Dito ako pumwesto sa gitna nila ni Aileen, nasa kanan si Kat at nasa Kaliwa ko si Aileen.
Ayan at umalis na sila Jon at Arwin kase may pupuntahan daw sila.Naiwan tuloy kame nila Aileen, Katrina at Gino dito tapos...
"Uhm, Katrina right? Pwede mo ba kong samahan kase may inuutos si Jon saken e." Sabi ni Aileen.
Nagulat pa si Gino ganun din ako kase maiiwan kameng Dalawa.
"Oh, s'sige po Ma'am. May inuutos nga din pala saken si Sir Jon." Sabi ni Katrina, tumayo na ito sa kinauupuan nya ganun din Aileen.
Naglakad na silang dalawa palayo dito kaya...
"Kamusta ka na?"
Nilingon ko kagad si Gino tapos sumagot ako ng "Ayos lang..." para hindi naman nakakabastos.
"Hmm. Nag-usap ba kayo ng maayos ni Arwin? Nagkabalikan ba kayo?" Sabi nya.
"H'Hindi kame nagkabalikan kase humiling pa ko ng konting panahon. Ayun, siguro magpapahinga na muna kameng dalawa... Uhm, kayo ba ni Aileen. Nagkabalikan na?" Sabi ko.
Matagal bago sumagot si Gino.
Kinakabahan tuloy ako na hindi ko maintindihan.
Kapag sinabi kase nyang *Oo* mukhang masasaktan ako, kapag naman *Hindi* hindi ko alam kung matutuwa ako o masasaktan para kay Arwin."Nagsisimula sana kame. Kumbaga, nag-uusap kame ng masinsinan kung Sure na sya saken. Kung hindi e talagang wala nang Chance to." Sabi nya.
"G'Gino. M'May nangyare na ba? K'Kase, narinig kong sinabi ni Aileen na---
"Nope, walang nangyare. Biro lang ni Aileen yun... Pero wala, wala pang nangyayare ulit. Kagabe lang kame nagka-usap ni Aileen. Pinuntahan nya ko tapos gusto daw nyang makipag-ayos pero kung hindi ko na sya matatanggap, baka hayaan nalang nya ko. Siguro mas gugustuhin nalang nyang maging Sya kung ano man Sya. Kesa maghintay pa sa kung Sino." Sabi nya.
"Buti nagka-usap kayo. Uhm, sana matapos na din kung anong problema nateng Apat." Sabi ko.
"Sana nga... Pero, kung wala na talaga kayo ni Arwin. Hahabulin pa kita. Gagawin ko lahat liligawan kita para lang bumalik ka saken... Kaya lang naman ako nakipag-usap kay Aileen kagabe kase nabalitaan kong gusto pa ni Arwin makipagbalikan sayo." Sabi nya.
"Oh, bali Tama. Gusto pa nga ni Arwin kaso, naguguluhan pa ko. Naiintindihan naman na nya. Nag-usap na kame kanina." Sabi ko.
"Hmm. Sana maayos na yung kung anong dapat maayos. Rose, talagang Mahal na mahal kita. Alam ni Aileen yun. Sinabi ko sa kanya kagabe na hindi ka mawala sa isip ko. Nalulungkot ako kase baka nga magkabalikan kayo ni Arwin. Wala naman akong magagawa kung sinong Mahal mo. Rerespetuhin ko nalang yung desisyon mo..." Sabi nya.
BINABASA MO ANG
Touch In The DARK (COMPLETE)
RomanceR🔞 Kapag nangako ka sa isang Tao, Sana Tuparin mo. Kapag Sinabi mo, Dapat Gagawin mo. Hinintay ka nya ng ilang Taon.. Pagbalik mo Masakit sa kanya na Kinalimutan mo na yung Pangako mong makalipas ang ilang Taon na naPako. Madaling maka-move on lalo...