First Love Never Dies

143 8 6
                                    

Chapter25

Rose*
POV

Kumpirmadong kumpirmado na si Katrina nga ang nawawalang Anak ni Tita Akari.
Nagtawag ng Pulis ang Madam saka pinahuli si Kitkat.
Nagkakagulo tuloy ngayon dito sa Baryo.
Pati pala yung Step Father ni Katrina na asawa ni Kitkat kasama sa Kidnapang naganap dati tapos mukhang may Kasabwat pa raw sila para madaling maitago yung Bata.
Gulong gulo din ang isip ko na matagal na palang alam ni Lola Betina yung tungkol kay Katrina bakit hindi manlang nya sinabi saken.

"Apo, hindi ko sinabi sayo kase magulo pa ang lahat. Isa pa, wala naman akong komunikasyon kay Madam. Paano ko sasabihin sayo agad e kinumpirma ko pang maigi yun." Sabi ni Lola.

"Naiintindihan ko po Lola. Ang saken lang bakit ang tagal bago malaman ni Katrina at ni Tita Akari na mag nanay sila?" Sabi ko.

"Hays. Mahirap magpaliwanag... Hirap na hirap din ang loob ko kase matagal ko tong tinago. Gusto ko lang din na masigurado na si Katrina nga yung Anak ni Madam." Sabi nito.

"Lola, pano po nakilala ni Tita Akari si Kitkat?" Sabi ko.

"Nurse si Kitkat dun sa Ospital kung saan nanganak si Madam. Sya yung Nurse na bigla-bigla nalang nawala kasabay nung Bata. Bago yun, pinaghihinalaan na ni Madam na may kinalaman sila Alwina at Issai sa nangyare. Kaso, mahirap magbintang..." Sabi nito.

Masakit sa Utak.

*

Umuwi na muna kame ni Lola Betina kasama si Tita Akari tapos ako naman tong tumawag kay Katrina gamit tong Cellphone ko.

"Hmm." Huni ko.

Nagri-ring na yung tawag ko kay Katrina kaso, napakatagal yata nyang sumagot.
Nag-aalala tuloy ako na baka hindi pa sya nakaka-uwi kay Jon kaya...

"Teka, tatawagan ko po yung Boss nya." Sabi ko kila Lola at Tita Akari.

Nag Dial ako ng panibago.
Yung Number naman ni Jon yung tinatawagan ko kaso hindi rin sya sumasagot.

"Jusko, napano na kaya si Kat. Uhm, pupuntahan ko na po muna si Jon, Lola. Dito po muna kayo. Kayo na po muna bahala kay Tita Akari." Sabi ko.

Lumapit agad si Tita Akari saken sabay hawak sa Kanan kamay ko at...

"Sasama na ko Hija." Sabi nito.

"P'Pwede naman po kaso, uhm. T'Teka. Tatawagan ko pa ng isang beses pa sila Kat at Jon." Sabi ko.

"Sige sige. Tawagan mo pa. Pag hindi na sinagot sasama ako ah? Gusto kong maka-usap ang Anak ko." Sabi nito.

Tumango-tango nalang ako at nag dial ulit ng Number ni Jon.

"Hmm." Huni ko.

Ayan at sinagot na nya...

'Ha!-Hello? R'Rose? Wooh. Bakit?...' Boses ni Jon na parang hinihingal pa tapos may sumisingit na Boses.

'Darling? Si Rose ba yan?' Boses naman yun ni Katrina.

(Darling Daw?)

Bakit parang hinihingal silang pareho.
Binaba ko muna tong tawag saka nilingon si Tita Akari.

"Ano Hija? Nandun ba si Katrina? Pwede na ba naten syang makita?" Sabi nito.

"Uhm, mayamaya po pwede po ba? Parang Busy po kase silang Dalawa e?" Sabi ko.

Nagtataka ang reaksyon nila ni Lola.

"M'May relasyon ba sila ng Boss nya?" Sabi ni Tita Akari.

"H'Hindi ko po alam pero parang may something sa kanila. For sure, meron po?" Sabi ko.

Touch In The DARK (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon