Magulong Damdamin

164 7 4
                                    

Chapter17

Rose*
POV

Buti isang sakayan lang ng Jeep at Trycicle nakarating na kagad ako dito sa Baranggay namen.
Ayun at nakikita ko na si Gino na naka-upo sa isang baytang nung nasa tapat ng pintuan nang Bahay namen ni Lola Betina.

"Dito nalang po sa gilid Manong." Sabi ko sa Trycicle Driver.

Huminto naman tong Trycicle na saktong paglingon ni Gino, kita kong Umiiyak sya.
Basang-basa yung magkabilang pisngi nya ng Luha.
Dali-dali akong bumaba dito sa Trycicle na tumayo na agad si Gino ng deretso saka patakbong lumapit saken sabay yakap ng napakahigpit.

"G'Gino." Pabulong kong sabi.

"Rose. Please, umalis na tayong dalawa. Mag Tanan tayong dalawa. Please. Sumama kana saken. Nasan si Lola. Isama naten sya." Iyak nito.

Hindi ko tuloy alam ang isasagot ko dito.
Hindi ko alam kung may Alam ba si Gino na may Relasyon na kame ni Arwin tapos ngayon nagkasama pa sa iisang bubong dahil sa Balitang may Relasyon kame.

"Rose. Mahal kita. Kahit anong gawin ko hindi ko na kayang mahalin ulit si Aileen pagkatapos nung mga pinaggagagawa nya. Grabe, hindi ko alam ang gagawin ko... Please, sumama ka na saken." Iyak nito.

"Gino, mahihirapan tayong parehas diba Kasal na kayo ni Aileen. T'Tyaka, kame na ni Arwin." Sabi ko.

Bumitaw ito sa pagkakayakap nya saken tapos tinitigan nya ko, gulat na gulat ang Reaksyon nitong nakatingin sa mga Mata ko.

"A'Ano? Sinagot mo na sya." Iyak nya.

"I'm sorry. Masaya na kame ni Arwin e." Sabi ko.

Ang lakas ng kabog ng dibdib kong makita yung namumuong Luha ni Gino sa magkabilang gilid ng mga Mata nya.

Nanghihina akong makita na nagkakaganito sya.
Nanginginig habang lumuluha, nakatingin sya saken.

"G'Gino. Please, wag kang umiyak." Sabi ko.

Maiiyak na din yata ako sa nakikita kong para itong mababaliw sa nalaman nyang patungkol samen ni Arwin.
Napa sabunot sya sa Buhok nya tapos tumalikod saken at palingon lingon sa paligid habang umiiyak.

"Gino please. Wag kang ganyan. Tamana. Wag ka nang umiyak." Iyak ko.

Huminto sya sa pagkilos at pag-iyak.
Kinakalma nya mag-isa tong sarili nya tapos tinignan na nya ko.

"I'm sorry Rose kung nakagulo ako sa inyo ni Arwin... I'm really sorry. Hayaan mo. Siguro, mag mu Move-on na ko ngayon. Kaso, hindi ko matatanggap na si Aileen ang Asawa ko. Ayoko na sa gaya nyang Tiborsyo." Iyak nya.

Nakakagulat.
Napatakip bibig ako gamit ang mga kamay ko habang nakatingala kay Gino.

"Yes, Tomboy si Aileen. Hindi lang yun... Nung kakatapos lang nung Kasal namen nahuli ko syang nakikipag anuhan sa Apat na Babae. Ang bababoy nila Rose. Sobra, inamin nya saken yun. Hinayaan ko nalang hanggang sa naulit pa yun ng naulit. Hindi kame nagsesex sa simula nung ikasal kame hanggang ngayon walang nangyayare kase ayaw ko kay Aileen... Kinausap ko sya. Sabi ko babalikan kita Rose. Babalikan kita." Iyak nya.

Patakbo akong lumapit kay Gino saka ko sya niyakap.
Hindi na kinaya ng sarili ko yung Bigat kaya naiyak na ko.
Niyakap ako ni Gino saka hinalikan sa Ulo habang humahagulgol ito.

"I'm sorry Gino. Naguguluhan na ko." Iyak ko.

"I'm sorry Rose kung naguguluhan ka. I'm sorry. Bayaan mo, aalis nalang ako para matahimik kayo ni Arwin. I'm sorry." Iyak nito.

"Hindi! Wag kang aalis. Hindi mo kailangan umalis! Magkaibigan tayo diba. Hindi ka aalis. Please." Iyak ko.

"I'm sorry. Ayokong malungkot ka ulit. Gusto ko masaya ka lang. Aalis nalang ako Rose..." Iyak nito.

Touch In The DARK (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon