Move On

182 7 7
                                    

Chapter15

Rose*
POV

Iyak lang ako ng iyak habang nakadapa dito sa higaan.
Si Lola Betina nasa kaliwang banda ko para yakapin ako't pakalmahin pero hindi ko magawa.

"Hindi ko kayang kumalma Lola!" Iyak ko.

Sobrang nasasaktan ako sa pagpaparaya na ginawa namen ni Gino para sa isa't-isa, ayokong maghirap sya nang dahil saken kaya mas gugustuhin ko nang matuloy yung Kasal nila ni Aileen, tutal hindi din naman ako tanggap ng magulang nya.

"Tamana Apo. Diyos ko tulungan nyo pong sumaya ulit ang Apo ko." Iyak ni Lola.

"Ang sakit sakit. Bakit hindi pwede. Bakit." Iyak ko.

Mula nung isang araw pa ko umiiyak simula nung tapusin na namen ni Gino yung namamagitan sameng dalawa.
Napakasakit at nagtext pa saken ang Mommy Issai nya kahapon na tuloy na tuloy na daw ang Kasal ngayong araw na to.

"Lola. Bakit po ganito kasakit magmahal. Natatakot na tuloy akong magmahal ng paulit-ulit kase baka masaktan nanaman ako. Pang ilang beses na to." Iyak ko.

"Apo, sa una lang masakit. Kailangan mong maging matatag at matibay para sa kinabukasan mo yan. Wag kang magpapadala sa sakit na nararamdaman mo ngayon. Sa ngayon lang yan Rose." Iyak ni Lola.

Bumangon ako sa pagkaka-dapa saka dali-daling niyakap si Lola Betina.
Nag-iiyakan kameng dalawa.
Nangingiti akong lumuluha at nagpapasalamat sa Diyos na nandito si Lola para saken, para gabayan ako.

*

Mga bandang Hapon. 5:48pm may malaking Kotse ang pumarke sa tapat ng Bahay ni Lola.
Wala si Lola Betina at nasa tindahan sya ngayon, kailangan nyang magtinda tapos ako naiwan na muna para magpahinga at para makapag isip isip.

"Hmm." Huni ko.

Hindi ko mapigilan at naluluha pa din ako.
Hinihiling ko pang sana si Gino ito na tumakbo nalang sa Kasal nya kaso mukhang mas delikado kameng tatlo nila Lola kapag ginawa nya yun.

"A'Arwin." Sabi ko.

Bumaba si Arwin sa Driver Seat tapos tumingin sya saken habang malungkot ang reaksyon.
Sinara nya yung pinto ng sasakyan tapos nilapitan na nya ko.

"Rose, k'kamusta ka." Sabi nito.

"A'Arwin." Sabi ko.

Nilapitan pa nya ko nang mas malapit, tiningala ko naman sya saka nya ko niyakap ng mahigpit.
Dito sa yakap nito tumulo ulit ang Luha ko alam kong ganun din sya.

Naramdaman ko yung mainit na Luha nya dito sa Kaliwang tenga ko, nakayuko si Arwin at binubulungan ako na wag na kong umiyak.

"Arwin. S'Sila Gino kase." Iyak ko.

"I'm sorry. Alam kong Mahal mo si Gino kaso kailangan nateng tanggapin yun Rose. Darating yung araw na makakamove on ka. Tutulungan kita..." Iyak nito.

Bumitaw na sya sa pagkakayakap nya saken.
Pinunasan nito yung magkabilang pisngi ko gamit yung magkabila nyang hinlalaki sa kamay.

"G'Galing ka dun?" Iyak ko habang tinitignan yung maganda nyang Suit na Suot.

"Oo, umattend ako sa Kasal nila. Best Man nya ko. Gusto sana ni Aileen na sunduin kita para Partner tayo kaso ayaw pumayag nila Tita Issai at Tito Dan. Ayaw nila sayo Rose. Mas mabuti nga na umiwas ka sa mga Taong yun kase baka mapano ka." Sabi nito.

Napakasakit.
Alam kong ayaw saken ng mga Magulang ni Gino kahit nung mga Bata pa kame.
Tanging si Tito Mauro lang na kapatid nung Daddy ni Gino ang kasa-kasama ni Gino para makapaglaro kame.

Touch In The DARK (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon