Chapter23
Rose*
POVNaluluha ako habang pinapakinggan si Aileen sa kwento nya na matagal na syang may nararamdaman kay Arwin.
Tinatago lang daw nya at hindi pinapahalata hanggang sa makilala nya si Gino.Si Arwin pa daw yung naging tulay kaya naging magkaibigan sila ni Gino hanggang sa maging sila na din.
Si Arwin ang takbuhan nya kapag may pagtatalo sila ni Gino.Aminado si Aileen na kasalanan nya lalo't maarte daw sya noon kaya maraming galit sa kanya.
Marami na syang nagawang kasalanan kay Gino, gusto daw kase nyang maghiwalay sila para magkaroon sya ng Chance kay Arwin kaso bigla daw akong dumating sa Buhay nila."Gusto ko sana maging kame ni Arwin. Kumukuha lang ako ng tyempo na mahiwalayan si Gino kaso walang nangyayare e. Mahal ako ni Gino noon kaya nauwi sa 6 Years mahigit yung relasyon namen tapos nagpropose sya. Hindi ko naman tinanggihan kase Mahal ko din si Gino." Sabi ni Aileen.
"Nakakabigla tong nalaman ko... Paano kapag nalaman ni Gino na may gusto ka pala kay Arwin? Diba, malaking gulo yun pag ganon. Baka mag-away silang dalawa." Sabi ko.
"Mukhang hindi na nila pag-aawayan yun lalo't nandian ka na Rose." Sabi nito.
Hindi ako nakasagot sa sinabi nyang yon basta tumahimik lang ako saka yumuko.
"Mahal ka nilang parehas, nagka-usap-usap na din kame. Rerespetuhin namen yung desisyon mo kung Sino yung pipiliin mo." Sabi nito.
"Pag-iisipan ko pang mabuti yan Aileen. Basta, hayaan nyo muna kong mapag-isa." Sabi ko.
"Yes, aantayin ko yung sagot mo... Kung si Gino man. Ako na gagawa ng way para magka-ayos kayo. Kung si Arwin. Wala namang problema naiintindihan ko. Tutulungan din kita. Gusto ko lang parepareho tayong masaya." Sabi nito.
"Salamat Aileen. Salamat... Basta, pag-iisipan kong mabuti. Sana lang, walang maging problema sa mga Magulang nila. Sobra akong nasaktan sa mga narinig ko e." Sabi ko.
"I'm sorry kung nakarinig ka sa kanila. Hindi ko rin maintindihan kung bakit pinagtutulakan nila saken yung mga Anak nila. Hindi ko na din maintindihan kung anong meron kila Tita Alwina at Tita Issai. Hays." Sabi nito.
"Mayaman ka kase kaya ganon. Gusto nila na kalevel ng mga Anak nila yung magiging Daughter in law nila... Ako kase, anak mahirap e." Sabi ko.
Inakbayan nya ko saka niyakap.
"Wag mo nalang silang pansinin... Kakausapin ko bukas sila Gino at Arwin. Uhm, text mo ko kung kelan mo kame gustong maka-usap ah? Namimiss ko na yung bonding nateng Apat." Sabi nito.
"Namimiss ko na din yun. Basta, kapag medyo kalmado na ko ng kaunti pa itetext ko kayo." Sabi ko.
Ngumiti si Aileen saka tumango-tango.
Niyakap ko sya ng mahigpit ganun din ito saken.Mayamaya pa umalis na si Aileen.
Bumalik na ko sa Kwarto ko at nakaramdam nang para bang naginhawaan ako sa pag-uusap naming yon.*
Kaya kinabukasan,
Maganda ang gising ko na agad namang napansin ni Lola Betina."Mukhang maganda ang gising mo Apo." Sabi nya habang nagluluto ng sinangag.
"Opo, hehe. Nagka-usap kame ni Aileen kagabe." Sabi ko.
"Narinig ko ngang bumukas yung pinto naten. Si Aileen pala yun hindi na ko nakabangon. Antok na antok na kase ko e." Sabi nya.
Natawa lang ako.
Nagtanong tuloy si Lola tungkol sa pinag-uusapan namen ni Aileen kagabe kaya pinaliwanag ko naman lahat-lahat.Makalipas ang ilang Minuto
BINABASA MO ANG
Touch In The DARK (COMPLETE)
RomanceR🔞 Kapag nangako ka sa isang Tao, Sana Tuparin mo. Kapag Sinabi mo, Dapat Gagawin mo. Hinintay ka nya ng ilang Taon.. Pagbalik mo Masakit sa kanya na Kinalimutan mo na yung Pangako mong makalipas ang ilang Taon na naPako. Madaling maka-move on lalo...