Madam

132 9 5
                                    

Chapter24

Rose*
POV

Tahimik lang ako habang nakikinig kila Jon at Katrina.
Kapit na kapit si Kat sa Kaliwang braso ko, nagtatago din sya sa likuran ko.

"Jusko." Bulong ko.

"Maliit pala ah." Sabi ni Jon.

"Wala naman po akong sinasabi SER. Hmp. Bakit nga ba sumunod ka dito." Mataray na sabi ni Kat.

"Wow? Haha! Natural susundan kita. Tinakasan mo ba naman ako e ayaw nga kitang payagan diba." Sabi ni Jon.

"Ay teka lang naman Sir? Hindi naman po yata pepwede yan. Kailangan ko ng Restday tyaka yung Restday na yun diba po tuwing Linggo? Bakit hindi mo ko papayagan e kailangan ko yun." Sabi ni Kat.

"Naks, pasalamat ka si Rose yung kasama mo. Kung yung Migz na yun nahuli ko kayo wala akong pakeelam sa dami ng Tao. Kakaladkarin kita pauwi saten!" Sabi ni Jon.

Ano daw...

"Ah,umuwi ka na. Magsisimba lang naman kame ni Rose. Tyaka, baka gabi na ko maka-uwi." Sabi ni Kat.

"Hoy! Hindi ka pwedeng gabihin may gagawin tayo!" Sabi ni Jon.

"Pwede namang bukas na yun diba." Sabi ni Kat.

"Ayoko, uuwi ka ng 5:30 mamaya lang ng hapon pag hindi lagot ka saken!" Sabi ni Jon sabay atras at talikod samen ni Katrina tapos naglakad na sya palayo dito.

Nagpa-nganga lang ako sa narinig kong pinag-uusapan nila.

"Grabe! Grabe na talaga sya. Nakita mo naman Rose. Kaya gusto ko ng magresign! Kung umasta sya para kameng mag-asawa. Lahat nalang nako, pinapansin nya. Kapag sya gumagawa ng kalokohan hinahayaan ko lang e. Tapos ako First Time kong mararanasan yung Date na Bongga hindi pa nya ko pinayagan! Grabe diba?!" Sabi ni Kat.

Hinarap ko si Katrina.
Malungkot ito na hindi malaman kung sisigaw ba sya.
Nag-aalala din syang baka marinig yun ni Jon.

"Hayaan mo na. May something akong napapansin sa inyo. Hmm. Kahit dati pa. Alam kong may something. Yung para bang ayaw ka nya na nagsusuot ng Maiksi tapos gusto nya lagi kayong magkadikit. Hindi mo ba napapansin yun?" Sabi ko.

"Oh. Napapansin ko pero kaya ayaw nya kong pagsuotin ng Maiksi kase naaakit daw sya. Yung kapag kaya daw gusto nya lagi kameng magkasama para daw makabisado ko pa lahat-lahat sa kanya... Ewan, yun yung sabi nya." Sabi nito.

"Asus... Yun na yun! Natatamaan si Jon sayo. Naaakit pa talaga ah? Kesyo, makabisado e minsan nung kumain tayong Anim nila Aileen, Arwin at Gino nakita ko sinubuan ka nya." Sabi ko.

"Sira Ulo ka Beh. Ayaw lang nya nung Gulay kaya sinubo nya saken?" Sabi nito.

Pinipiga ko si Katrina na umamin saken kung anong nararamdaman nya.
Nung Una nakasimangot sya hanggang sa abutin kame ng ilang Minuto, nakapasok na kameng dalawa sa Simbahan pinipigilan pa nito yung Kilig nya.

*

Umabot na hanggang sa matapos ang Misa saka lang sya nagsalita na...

"Inlove ako sa kanya. Kaso, natatakot akong masaktan. Babaero kase si Sir Jon." Sabi nito.

"Hmm. Pano kapag nagbago naman sya?" Sabi ko.

"Well, depende kung magbabago sya. Kung hindi siguro baka hindi talaga kame para sa isa't-isa." Sabi nito.

Niyakap ko si Katrina ganun din sya saken.
Nagyakapan kame habang nakatingin sa Poon dun sa harapan altar nitong simbahan.

"Tara, kain tayo sa Samgyup." Aya ko.

Touch In The DARK (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon