Sunog

138 6 5
                                    

Chapter27

Aileen*
POV

2 am na.
Sinusubukan kong matulog pero ang hirap hirap.
Tuwing pipikit kase ko pumapasok sa isip ko yung sinabi ni Mommy na namatay sa Aksidente yung Kapatid kong si Aineel nung mga 4 magpa 5 years old palang kame.

"Hmm." Huni ko.

Bumaling ako pakanan.
Nandito si Arwin at mahimbing nang natutulog, nakayakap ito saken ganun din ako sa kanya.
Nangingiti ako kase nagsasama na kame ng tuluyan dito sa Bahay nya at nagbabalak nang magpakasal sa susunod na Buwan.
Hindi na kame magpapa-tumpik tumpik  pa.
Ikakasal na kame at magiging isa.

"Excited na excited na kong maging Asawa ka Arwin." Bulong ko.

Ngumiti sya.

"Excited din ako Aileen..." Pabulong nitong sagot.

Hinalikan ko sya sa Labi.
Dito ko napagtanto na tulog na tulog ito at nakaka-usap talaga kapag ganito.

Lagi ko itong ginagawa kay Arwin para malaman ko kung Ako na ba talaga yung Mahal nya at hindi na si Rose.
Kumpirmadong ako nga.

Dahan-dahan kong inalis tong pagkakayakap nya saken saka ako bumangon at lumabas dito sa Kwarto.
Bumaba ako, pumunta ako sa Kusina para maka-inom ng malamig na tubig.

(Namatay ang Kapatid mo sa Aksidente... Nakita nalang namen syang sunog. Wala nang buhay. Wala kameng nagawa ng Daddy mo... Malungkot na malungkot ang Daddy mo dahil dun kaya naging malamig na kame sa isa't-isa... Para kaseng, sinisisi nya ko sa nangyare kay Aineel...)

Ayan at naririnig ko nanaman si Mommy.
Pagkatapos kong uminom hinugasan ko na tong Baso na ginamit ko. Pagkabanlaw tinaob ko tong Baso sa Tauban tapos bumalik na ko sa Kwarto namen ni Arwin.

*

Naupo lang ako sa Tabi ni Arwin.
Hindi talaga ko makatulog kahit na anong gawin ko.
Sa inip ko, kinuha ko nalang yung Cellphone ko tyaka sinubukan tawagan si Rose.

Baka kase gising pa sya.

"Hmm." Huni ko.

Saglit lang itong nag-ring tapos narinig ko agad yung Boses ni Gino na nag..."Hello?"

"H'Hi Gino. Uhm, sorry sa istorbo. Si Rose ba tulog na? Gusto ko sana syang maka-usap." Sabi ko.

'Nagising lang. Teka, kukuha sya ng inumin...' Sabi nya.

"O'Okay sige. Antayin ko sya. Thank you. Uhm, sinabi mo na ba kay Rose yung tungkol saken?" Sabi ko.

'Mmhmm. Sinabi ko na kanina. Nung nasa tindahan kame. Parang imposible daw e. Naiintindihan ko naman na naguguluhan sya.' Sabi nya.

"Naguguluhan din ako... Ewan, hindi ko na alam kung anong iisipin ko e namatay yung Kapatid ko tyaka may Bangkay na nilibing sabi ni Mommy pero iba yung nararamdaman ko. Hindi kase kumpleto yung Kwento kung paano nangyare lahat-lahat." Sabi ko.

'Hays, malalaman mo din yung katotohanan basta wag kang susuko na kulitin yung Mom mo na magsabi sayo. Kailangan kumpleto lahat ng detalye para malaman mo diba? Susubukan ko ding gawan ng paraan para maalala ni Rose kung paano sya napunta sa Tita Rowena nya...' Sabi ni Gino.

Magsasalita pa sana ko nang biglang bumangon si Arwin, gulat na gulat ang reaksyon nito kaya nagpaliwanag kagad ako.

"Hey hey Love. It's okay. Alam ko namang wala na kayong something ni Gino. Nagulat lang ako sa narinig ko na... P'Pinaghihinalaan nyo si Rose? Na baka sya yung Kapatid mo?" Sabi ni Arwin.

"Uhm, yes Love. Ewan ko ba. Basta hindi ko na maintindihan yung tumatakbo sa Utak ko ngayon." Sabi ko.

Umusog si Arwin para matabihan ako tapos umakbay sya saken at niyakap na ko.
Hinalikan nya ko sa Noo saka ako nakipag-usap ulit kay Gino.

Touch In The DARK (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon