Chapter10
Rose*
POVTalagang iniwan nila ko.
Hindi na nila ko kinulit matapos marinig ang Utot ko.
Pakiramdam ko nandidiri sila saken ngayon."Mas okay na siguro yun para magtigil silang pareho." Sabi ko.
Nagpatuloy na ko sa Trabaho na umabot ng 11:30am.
Huminto na ko kase kailangan ko nang mag Lunch Break at mayamaya pa siguro ng Hapon babalik ang Boss ko.*
Nakisama ako sa mga Katrabaho ko ngayon na sila Inna at Baklang Joaquin.
Nandito kame at nakapila sa Mang Inasal.
Nag-aantay kameng Tatlo na makarating sa unahan para makaorder."Hmm." Huni ko.
"Rose? Nga pala. Kanina pinuntahan ka nila Sir Arwin at Sir Gino ah. Sabi wala ka daw sa Office ni Sir Renzo? Nasan ka nun?" Sabi ni Inna.
"Uhm. Nasa CR ako. Diba nga sinisikmura ako kaya nagtago ako pero nung bumalik sila okay naman na. Kaso, nautot ako kaya umalis agad sila." Sabi ko.
Biglang tumawa ng malakas si Joaquin na agad namang pinalo ni Inna sa kaliwang braso para patahimikin ito.
"Aww! Bakit? Nakakatawa kaya yun. Hahahahaha!" Sabi ni Joaquin sabay tawa.
Nagtinginan tuloy ang mga Tao sa paligid namen.
Nahiya tuloy ako buti nandito si Inna para pagsabihan si Joaquin o Aquinna sa Gabe."Kapag hindi ka tumigil kakatawa hindi na kita ipapakilala sa Pinsan ko. Sige ka." Sabi ni Inna kay Joaquin.
Nangingiti lang akong makita na parang Zipper ang Bibig ni Bakla dahil sa sinabi ni Inna.
"Oh tara. Tayo na oorder." Sabi ni Inna.
Nauna si Inna, kasunod ako at huli si Joaquin.
Nang masabi namen yung order naming Tatlo inabutan kame nitong Lalake ng Number saka kame naglakad at pumwesto sa Malapit."Rose, kamusta Ulo mo? Diba napuruhan ka nung dalawang impakta." Sabi ni Joaquin.
"Ayos naman. Tyaka, hindi na masakit. Kanina kumikirot pa pero ngayon Okay na ko." Sabi ko.
Nagkwentuhan kameng Tatlo na natutuwa raw sila kase hindi ko pinatawad sila Mica at Rachel.
Matagal na daw gumagawa ng Tsismis yung dalawang yun at ako lagi ang tina Topic nila.Masyado daw akong mabait noon buti iba na ngayon.
Nagpasalamat sila na ako ang nagpasipa sa Dalawang yun kase matagal nang nagsisiga-sigaan sila Mica at Rachel dun sa Building."Kaya, buti nalang si Sir Renzo na mismo ang nakahuli sa kanila. Kapag kase nambubully sila e hindi yun nakikita ni Sir tyaka hindi pinapansin kapag may nagrereklamo sa kanya kaya ikaw ang naging Sagot samen na naging Biktima nung Dalawang yun." Sabi ni Inna.
"Nako, wala yun. Buti nalang talaga dumating si Sir nun. E kung natagalan hindi ako titigilan nung Dalawa." Sabi ko.
"Ang saya-saya kase wala nang Epal sa Floor naten?! Wala na sila M and R." Sabi ni Joaquin.
Natatawa tawa kameng Tatlo hanggang sa dumating na yung Order namen.
*
Pagkatapos Kumain, bumalik na kame nila Inna at Joaquin dito sa Building. Sa 18th Floor kung saan ang Office namen at Office ni Sir Renzo.
Kanya-kanya na sila ng balik sa mga Cubicle nila habang ako pabalik naman sa Opisina ni Sir Renzo na nagulat pa ko sa pagbukas nito nang makita ko ang Boss kong nakikipaghalikan kay Ma'am Lady Chin.
Nagulat din silang Dalawa saken kaya umatras ako dahan-dahan at isinara na tong Pintuan.
"Grabe..." Bulong ko sabay lingon kila Inna at Joaquin na sinesenyasan akong lumapit sa kanila.
BINABASA MO ANG
Touch In The DARK (COMPLETE)
RomanceR🔞 Kapag nangako ka sa isang Tao, Sana Tuparin mo. Kapag Sinabi mo, Dapat Gagawin mo. Hinintay ka nya ng ilang Taon.. Pagbalik mo Masakit sa kanya na Kinalimutan mo na yung Pangako mong makalipas ang ilang Taon na naPako. Madaling maka-move on lalo...