Okay na Sana

222 9 4
                                    

Chapter8

Rose*
POV

Nagising ako nang mga bandang 11:30am.
Tanghali na at inaya na ko ni Lola Betina na kumain ng tanghalian.

"Inaalala ko po si Katrina. Sana makapasok na sya sa Trabaho nya kaso nakakatakot yung magiging Boss nya. Balita ko malupet daw yun tyaka sobrang Sungit." Sabi ko at nakaupo na dito sa kainan.

"Apo, baka tsismis lang yun? Hehe. Wag kang mag-alala. Nakadepende sa Taong yun kung tatanggapin nya si Katrina." Sabi ni Lola.

"Hays. Sana nga po matanggap sya kase kailangan na nyang magtrabaho kesa ginaganon sya ni Aling Kitkat. Sobra naman yung pagsasalitaan nya ng ganon yung Anak nya." Sabi ko.

"Ayun na nga ang problema. Minsan ko nang sinabihan si Katrina na umalis nalang dian sa Poder ng Nanay nya tapos mag ibang bansa sya okaya lumipat nalang ng Lugar kaso daw e ikaw ang inaalala nya. Ayaw malayo ni Katrina sayo." Sabi nito.

"Ayaw ko rin naman pong malayo sa kanya kaso hindi ko kayang marinig na ginaganon sya ng sarili nyang Ina pati Papa nya tyaka mga Kapatid inaapi sya e. Pwede naman kameng magkita kapag Free Time. Kesa ganyan." Sabi ko.

"Kausapin mo si Katrina Apo. Naaawa na din ako sa batang yun. Hindi na sya naging Masaya e. Kawawa naman." Sabi ni Lola.

Yun na nga ang gagawin ko pagdating ni Katrina.
Kakausapin ko sya't aayain na mag ibang lugar nalang sya tapos pupuntahan ko sya kapag Rest Day ko.

"Hays." Bulong ko.

"Kain na tayo Apo." Sabi ni Lola.

Nagsimula na kameng kumain habang ngumunguya e lumilipad ang isip ko kung kamusta na kaya si Katrina.
Iniisip ko din ngayon kung ano nang nangyare sa Lakad nila Sir Arwin at Gino.

"Hmm." Huni ko.

*

Nang matapos kameng kumain ni Lola.
Ako ang naghugas ng Plato tapos si Lola na ang bahala sa Lamesa.

"Apo. Mamaya nga pala magbubukas ako ng Tindahan ah? Kaya mo bang mag-isa dito?" Sabi ni Lola.

"Opo Lola kaya ko po. Hehe. Kapag medyo sinipag ako pupuntahan kita sa Tindahan." Sabi ko.

"Sige sige. Hehe. Makiki-tsismis din ako kase nabalitaan kong nakabuntis yung Bunsong Anak ni Kitkat. Kaya siguro pinagtatrabaho si Katrina e para mahuthutan nila. Hay nako. Kawawa naman ang Kaibigan mo. Ginagamit nalang nila Kitkat kase ayaw nyang magtrabaho yung mga Anak nya sa bago nyang Asawa sa totoo lang..." Sabi ni Lola.

Nalulungkot ako para kay Katrina kase hindi nga pala nya tunay na Papa si Kuya Badong kundi Step Father lang.
Si Katrina kase ang Panganay sa kanilang magkakapatid tapos halos Sampu yata silang magkakapatid e pinaampon nalang yung iba.

Salamat talaga kay Lola Betina kase pinag-aral din nya si Katrina kagaya ko kundi e baka wala kameng Alam ni Katrina ngayon sa pag i English at pagbabasa.

Yun kase ang kailangan sa Trabaho namen ngayon na Englishero ang nakakasalamuha.

"Kakausapin ko talaga si Katrina. Hindi pwedeng ganyan na gagamitin lang sya ng Nanay nya para mahuthutan. Sobra naman sila kapag ganyan." Sabi ko.

"Kaya nga, basta kausapin mo sya?" Sabi ni Lola.

*

3:27pm dumating na si Katrina na dito saken agad dumiretso kesa sa kanila.

"Halika..." Aya ko at inakay na sya papasok dito sa Bahay.

Sinara at ni-lock ko tong Pintuan tapos nagpunta kameng Dalawa sa Kwarto ko.
Talagang nagkulong kame para maka-usap ko ito ng masinsinan.

Touch In The DARK (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon