#SIC C-18
Tahimik kami ni Apollo habang nag-aabang kina Sylvia.
Nakatayo na si Apollo sa may pintuan habang may hawak na party popper at bouquet. Ako nama'y pasilip-silip sa may sliding door ng balcony para tingnan kung dumating na ba ang kotse ni Sylvia. Naka-set na talaga ang lahat. Pati ang camera'y nailagay na namin sa aparador na kuhang kuha ang view ng buong sala.
Ilang ulit na akong pasilip-silip at nang lumipas ang limang minuto ay doon ko na nakita ang papasok na kotse ni Sylvia. Nanlaki ang mga mata ko at agad na tumingin kay Apollo. Nabahala rin siya at tiningnan ako.
"Nand'yan na ba ang kotse niya?"
Tumango ako sa kanya. Tumango rin siya at sinenyasan ako na tumabi na sa kanya. Ini-start ko muna ang pagre-record sa camera bago tumakbo palapit kay Apollo. Sandali lang kaming nakatayo roon at narinig na namin ang pagtunog ng elevator. Biglang inilabas ni Apollo ang cellphone niya at mabilis na may itinipa roon.
"Anong ginagawa mo? Parating na sila!" Bulong ko sa kanya. Hindi niya ako pinansin at bagkus ay pinagpatuloy ang pagtitipa. Kalaunan ay narinig ko na ang ingay mula sa mga sandals nila.
"Huy, tigilan mo na nga 'yan," saway ko kay Apollo na mabilis pa ring nagta-type sa cellphone niya. Nagsimulang namuo ang pawis ko dahil sa inaasta niya. Pabalik-balik ang tingin ko kay Apollo at ang pagdikit sa aking tainga sa pinto. Mariin kong pinakiramdaman kung gaano na kalapit sina Sylvia.
"Hermes, susunduin ka ni Canter tomorrow?" Rinig kong tanong ni Sylvia habang naglalakad sa hallway.
"Nope. Hatid mo nalang ako bukas, please?"
"Apollo! Tumigil ka na nga d'yan! Sobrang lapit na nila," puno ng panggigigil kong bulong sa kanya.
Nakita ko ang pagpress niya sa send bago inangat ang tingin niya sa'kin. "Calm down, Arus."
"Anong calm down?! Parating na sila. Hindi mo ba naririnig? Nag-uusap pa nga sila ni Hermes," may diin kong sabi, ngunit mahina lang iyon upang hindi mahimigan nina Sylvia. Ngumisi lang siya sa'kin.
Palapit nang palapit ang mga yapak ni Hermes at Sylvia habang nag-uusap tungkol sa mga netflix series na papanoorin nila sa sleepover. Pero kumunot ang noo ko nang napatigil sila sa pag-uusap at paglalakad nang ilang metro nalang sila. Mas lalo kong idinikit ang aking tainga sa pintuan upang malaman ang nangyayari samantalang si Apollo ay kalmang nakatayo lang sa tabi ko.
"Wait, my phone beeped," sambit ni Sylvia.
"Yep, I heard it. Someone must've texted you."
Naririnig namin ang pagbukas ni Sylvia sa zipper ng bag niya. Sandaling tumahimik ang paligid bago namin narinig ang pagbuntong-hininga ni Sylvia.
"What's wrong? Sino yung nag-text?" Nag-aalalang tanong ni Hermes.
"Apollo. He said Brave and him are busy. Hindi raw kami makakapag-facetime mamaya, or even tomorrow."
Nagsalubong ang kilay ko at agad akong tumingin kay Apollo. Tinaasan niya ako ng kilay habang may malawak na ngiti.
"Gago ka talaga," giit ko nang walang boses. Nagthumbs-up lang siya sabay kindat.
"Oh," rinig kong tugon ni Hermes. "Well, maybe he's really busy. Babawi rin naman siguro 'yon."
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Sylvia. "But it's my birthday... Can't he just spend his time with me like even for an hour?"
"Just understand him, Syl. He's chasing his dreams, reasonable rin naman."
"Right," giit ni Sylvia bago namin muling narinig ang mga yapak nila. Ibinigay ni Apollo sa'kin ang party popper tsaka siya tumayo sa harap ng pinto para siya agad ang makita ni Sylvia. Ako naman ang nakatayo sa may likod ng pinto para ipaputok ang party popper. Agad kaming nagtinginan ni Apollo at nagtanguan nang pinapasok na ni Sylvia ang susi.

BINABASA MO ANG
Sunk in Cerulean (MNL Boys Series # 2)
RomanceMNL Boys Series #2 - Some lovers turn to strangers. Some strangers turn to lovers. Some never get to experience both, while others get to experience the two. Either way, one thing is for sure: we all experience love, may it be platonic or romantic...