#SIC C-19
Mabilis ang bawat yapak ko at halos lakad-takbo na ito. Hindi pa naman boarding pero isang oras pa lang bago ang oras ng flight namin ay nag-text na agad si Sylvia na nasa departure area na siya. Binilisan ko tuloy ang pagtupi ng mga boxers ko. Yung iba'y iniwan ko na lang dahil hindi na kasiya sa maleta ko, puwede rin naman lang siguro akong manghiram kina Apollo.
Matapos ma-scan ang maleta ko ay agad ko itong hinatak habang patingin-tingin sa paligid. Nakahinga lang ako nang maluwag nang nakita ko na ang kumakaway na si Sylvia. Nakatayo siya habang may katabing itim na maleta. Ang isa niyang kamay ay nakahawak sa stroller nito habang ang isa'y hawak-hawak ang kanyang cellphone.
Tumigil ako sa harap niya at nagpalabas ng malalim na hininga. Medyo hiningal talaga ako sa pagmamadali, nakakahiya naman kasi kung pag-aantayin ko siya. Hindi ko naman alam na sa sobrang excited niya'y willing siyang magtambay ng isang oras dito.
"Sorry, medyo natagalan."
Umiling siya at ngumiti, "It's fine, Arus. Alam ko namang you just arrived from Cebu. No worries."
Sinuklian ko ang ngiti niya, "Thank you. So ano, punta na tayo sa eroplano?"
"Sure." Tumango siya at hinatak ang kanyang maleta sabay sabing, "Let's go!"
Pinantayan ko ang lakad niya hanggang sa nakapasok kami sa eroplano. May flight attendant na nag-assist sa'min patungo sa first class. Sabay kaming umupo ni Sylvia nang natagpuan ang aming seats. Mabuti't magkatabi lang ang mga upuan namin.
Hindi nagtagal ay nag-announce na ng take off. Nakangiting tumingin si Sylvia sa'kin, "I'm so excited for the boys' reaction once they see us!"
"Ako rin. Paniguradong sasaya ang mga 'yon."
"So, apparently, we'll have to ride some train or bus to get to their place, right?"
Umawang ang labi ko nang napagtanto. "Hala, hindi ko nga pala na-search kung paano makarating do'n sa tinutuluyan nila. Complete address lang ang alam ko, e."
"Well, luck for you, I searched! Kanina lang habang naghihintay sa airport."
Tumango ako. "So, ano ang sasakyan natin?"
"Well, we'll ride a bus daw then I have a friend residing there na alam ang exact location ng tinutuluyan nila Brave. Bababa lang daw tayo sa unang bus stop then he'll fetch us up."
"Sige, sige. Dadaan siguro muna tayo ng mga nagbebenta ng pastries o basta yung mga gano'n para naman may maialay tayong pagkain kapag sinurprise na natin sila."
"Right! Bumili na lang rin tayo ng mga pasalubong so we wouldn't have to mind it na 'pag pauwi na tayo."
Tumango ako sa kanya at ngumiti, gano'n rin ang kanyang ginawa. Kalaunan ay nakaidlip kaming dalawa at pagmulat ko sa aking mga mata ay litong lito na ako sa magkaibang timezone ng Pilipinas at Canada.
Ini-press ko ang call bell upang matawag ang pansin ng flight attendant. Agad naman siyang lumapit sa'kin.
"What can I do for you, Sir?"
"Uh, I would like a cup noodles, please."
"Sure, Sir!" ngumiti siya tsaka tinalikuran ako. Nang nakabalik siya ay binigyan niya na ako ng cup noodles.
Sa unang higop ko pa lang ng sabaw ay naramdaman ko ang paggalaw ni Sylvia. Napatingin ako sa kanya at nakitang unti-unti niyang inimulat ang kaniyang mga mata. Biglang kumunot ang kanyang noo habang nakatingin sa'kin. "Ambango naman niyan."
Inosente ko siyang tiningnan tsaka wala sa sariling nilahad ang hawak kong noodles. "Uh, gusto mo?"
Umiling siya habang may munting ngiti. "I'm laway concious."
BINABASA MO ANG
Sunk in Cerulean (MNL Boys Series # 2)
RomansaMNL Boys Series #2 - Some lovers turn to strangers. Some strangers turn to lovers. Some never get to experience both, while others get to experience the two. Either way, one thing is for sure: we all experience love, may it be platonic or romantic...