#SIC C-05
Tunog ng nabasag na bagay ang nagpagising sa'kin. Napabalikwas ako ng bangon at agad na pinasadahan ng tingin ang paligid.
"Ay, sorry," napakamot si Dave sa likod ng ulo niya tsaka kinuha ang mga bubog ng nabasag na beer.
Nakahinga ako ng maluwag nang nakita iyon. "Ayos lang," mahina kong tugon tsaka kinusot-kusot ang aking mga mata.
"Niligpit ko na iyong ibang bote, nabasag ko lang 'tong isang 'to," dagdag niya. "Thank you pala sa pagpapa-tambay sa'kin dito."
Tinanguan ko lang siya at tumayo na. Malinis na ang mesa na puno ng bote kagabi at maliwanag na rin ang sikat ng araw kaya dumeretso nalang ako sa kwarto ko para kinuhanin ang nakahanda kong maleta. Initaas ko ang scroller nito at hinatak ito palabas ng kwarto.
"Oh, aalis ka?" tanong niya paglabas ko.
"Oo. Babalik lang ako sandali sa Maynila," wika ko habang nakahawak pa rin sa scroller. Last month ko pa naman na-book ang flight ko pabalik. Hindi rin naman yata ako magtatagal do'n.
"It's already 10. Ngayon na ba byahe mo?" tanong niya ulit. "Why are you going back to Manila though?"
"Miss ko na kasi yung traffic."
"Sarap mo talaga kausap."
Ngumiti ako. "Pupunta lang ako sa bahay at condo ni Brave kasi may pinapagawa sa'kin. Tapos personal errands na rin."
"Ah okay. Are you heading to the airport now? I can give you a ride para di ka na rin mahirapan sa sasakyan mo."
Tumango ako. "Salamat pre."
Nagkibit-balikat siya at naunang lumabas ng condo. "Small things."
Tahimik lang ako buong byahe habang kumakain ng cup noodles. Pagdating namin sa airport ay agad akong bumaba at kinuha ang maleta ko sa likod ng sasakyan ni Dave.
Sandali lang akong naghintay sa departure area hanggang sa ini-announce na ang boarding. Agad akong tumayo mula sa kinauupuan ko at diretso nang naglakad papunta sa eroplano habang hinahatak ang maleta. Nang nakapasok ako ay agad kong nahanap ang seat ko kaya naupo rin agad ako roon.
Babalik na naman ako sa Manila.
Bumuntong hininga ako at napakamot sa batok. Inilabas ko ang cellphone ko at sandaling nag-scroll. Napatigil ako nang nakita ko sa suggested yung picture ni Hermes na naga-advertise ng make up. Agad kong sinearch ang pangalan niya at pinindot ang account niyang may blue na check.
iamhermess
Hermione Meshley Ortega
2,578 posts | 2.3M followers | 63 following
Andami niyang posts.
Puro endorsement ng mga make-up products o di kaya'y mga pictures niya sa mga runway.
Nanlaki ang mga mata ko nang aksidente kong na heart ang post niyang last year pa.
Para akong nabunutan nang tinik nang nakitang hindi nga pala account ko ang naka log-in.
Account naman pala ni Brave.
Muling nanlaki ang mga mata ko.
ACCOUNT NI BRAVE ANG NAKA LOG IN!
PAPATAYIN AKO NO'N!
Paulit-ulit akong nagmura habang sinasabunutan ang sarili. Ba't ko ba kasi paulit-ulit na pinindot 'yon?! Wala lang naman talagang audio ang post niya! Huminga ako ng malalim at tumingin nalang sa bintana.
BINABASA MO ANG
Sunk in Cerulean (MNL Boys Series # 2)
RomanceMNL Boys Series #2 - Some lovers turn to strangers. Some strangers turn to lovers. Some never get to experience both, while others get to experience the two. Either way, one thing is for sure: we all experience love, may it be platonic or romantic...