Chapter 23

0 0 0
                                    

#SIC C-23

Sa pagsikat ng araw ay gising na kami. Kahit sumasakit pa ang ulo nina Dream ay pursigido pa rin kaming lahat na sumakay sa unang byahe ng bangka pabalik sa Cebu. Kami lang nina Hermes at Mel ang gising sa biyahe, pinainom na rin namin ng gamot sina Dream para mawala na ang sakit ng ulo nila. Hindi namin kasama si Sylvia sa bangka, ni si Dilch ay hindi rin namin kasama. Hindi ko nga alam bakit hindi pinuntahan ni Sylvia si Hermes kagabi at mas lalong hindi ko alam kung bakit hindi hinanap ni Dilch ang asawa niya.

Matapos ang biyahe sa tubig ay tumigil na kami sa daungan at ginising na sina Dream. Isa-isa kaming bumaba at nang wala nang natira sa bangka ay nagsimula kaming naglakad paalis. Habang naglalakad kami palabas ng daungan ay nadaanan namin ang mga pasahero na naglilinya para maagang makabili ng ticket papunta sa isla. Nilampasan lang namin sila at pumunta sa waiting shed ng pier para hintayin ang van nina Hermes.

Nakaupo kaming lahat habang nakatingin sa bawat sasakyang dumadaan sa harap namin. Nakatingin naman si Hermes kay Hera habang abalang nagtitipa si Hera sa kaniyang cellphone, siya kasi ang nagco-contact sa driver nila.

Bumuntonghininga si Hermes. "Malapit na ba?"

Sandali siyang tiningnan ni Hera bago bumalik sa screen ang atensiyon nito. "Maubos ang pasensiya ko? Oo."

"Please answer me nang maayos?"

"Mandaue na daw." nagkibit-balikat si Hera.

"Layo pa."

"Edi breakfast na lang muna tayo," tumigil na si Hera sa pagtitipa at ininguso ang Jollibee sa malapit. "Dyan na lang tayo kumain."

Nagkaintindihan kaming lahat na mag-almusal na lang muna dahil isang oras pa raw bago makakarating ang van nina Hermes. Pumunta kaming lahat sa Jollibee at umupo sa mga bakanteng upuan. Hindi marami ang tao roon kaya agad kaming naka-order at na-serve-an. Puro breakfast meal ang kinain namin, pwera na lang kay Rain at Hermes na nag-burger at fries kasi ayaw mag rice.

"Uuwi na kayo ni Dream pabalik ng Maynila, 'di ba Arus?" Tanong ni Hera sa'kin habang ngumunguya.

"Oo, pero hindi pareho ang flight schedule namin. Mas mauuna ako," sagot ko.

Tumango si Hera at bumaling kay Dream. "Anong oras ka pa ba aalis, Dream?"

"Mamayang hapon pa. Tatambay muna ako sa bahay n'yo sandali, hihintayin ko si Dilch kasi sabay kaming babalik ng Maynila," giit ni Dream.

Kumunot ang noo ni Hera. "Putang--ba't hindi mo siya pinasabay sa'tin kanina?!"

Inikutan siya ni Dream ng mata. "Away mag-asawa."

Mas lalong kumunot ang noo ni Hera. "Iniwan mo ang asawa mo sa isla tapos ngayon hihintayin mo rin pala para sabay kayong umuwi?"

"Parang gan'yan nga." pagkibit-balikat ni Dream.

Bumuntonghininga si Hera at napailing na lang. "Sige, sama tayo sa bahay. Arus, bumili kayo ni Hermes ng ticket para sabay kayong pupunta sa Maynila."

"Why are you making me go to Manila?" tanong ni Hermes sa kapatid niya.

Tinaasan siya ni Hera ng kilay. "Anong gusto mo? Tatambay ka rin sa bahay tapos bibigwasan ka ng mga magulang natin pag-uwi ng mga 'yon?"

Nagkibit-balikat si Hermes. "I can just explain my side, Hera."

"Our parents never listen, Hermes."

"Relatable," tumawa si Rain.

"Sinabi mo pa," ngisi ni Dream.

Nagtawanan silang lahat at nag-apir sa isa't isa.

"Hindi ka ba maka-relate, Arus?" Pabulong na tanong ni Mel sa tabi ko.

Sunk in Cerulean (MNL Boys Series # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon