Chapter 25

0 0 0
                                    

#SIC C-25

Tumingin ako sa rear view mirror at ngumiti sa kaniya nang nakarating na kami sa airport. Ngumiti naman siya pabalik tsaka binuksan ang pinto ng backseat at bumaba. Hinatak niya rin pababa ang maleta niya at isinara ang pinto. Nakatingin ako sa kaniya nang kumatok siya sa bintana ko kaya binaba ko iyon.

"See you soon? Thanks for this, Arus," nakangiti niyang sambit.

Tumango ako at ngumiti, "Hihintayin ko ang pagbalik mo."

Tipid siyang ngumiti, "Babalik akong mas masaya, mas matapang at mas matatag... hopefully."

"Ingat ka palagi."

"You too."

Kumaway kami sa isa't isa at dahan-dahan ko nang itinaas ang bintana. Nang tuluyan na  siyang tumalikod sa akin upang pumasok sa entrance ay nakatingin lang ako sa kaniya. Nang hindi na siya mahagip sa aking paningin ay doon pa ako gumalaw at inabot ang cellphone kong tumutunog.

Agad kong sinagot ang tawag ni Brave.

[Happy holidays, Arus.] malumanay niyang bati.

[Belated Merry Christmas at Advance Happy New Year sa'yo at kay Apollo!]

Narinig ko ang mahina niyang tawa. [How have you been? Sorry if we somehow ghosted you, Apollo and I just got really busy.]

[Ayos lang, buti nga nag-aaral kayo nang mabuti. Pumunta nga pala 'yong mga  magulang n'yo sa bahay namin noong Pasko. Umattend rin ako ng mga Christmas party.]

[How's Hermes? I heard she broke up with Canter on her birthday?]

Tumango ako kahit hindi niya 'yon nakikita. [Nasa moving on stage na siya. Siguro kailangan pa lang niya nang mas malaking oras para tuluyang makalimutan ang nangyari.]

[What was the reason of the break up though? Well, it's okay for you not to say it if the reason is confidential.]

Tumaas ang kilay ko sa narinig. [Mukhang na-intriga ka yata, Brave? Chismoso ka na ngayon ah?]

He chuckled. [I was just amused with the fact that she rejected a marriage proposal on her birthday and even broke up with him. What an unfortunate man.]

[I guess hindi lang talaga sila para sa isa't isa.]

[Yeah, maybe isang seaman na half colonisador talaga ang para kay Hermes.]

Bumuntonghininga ako. [Siraulo ka talaga kahit kailan.]

[I can see you turning red from here, Arus.]

[Pa'no mo pala nalaman ang nangyari kina Hermes?] Pagbabalik ko sa usapan. Napunta na sa'kin ang topic, e.

[From Apollo, since Sylvia told him about it. And speaking of Apollo, he wants to talk to you.]

[Okay, bigay mo sa kaniya ang cellphone.]

Narinig ko ang pagtahimik ng kabilang linya. Nang muling may nagsalita ay boses na iyon ni Apollo. [Kumusta, munting pirata?]

Napabuntonghininga ako. [Wala ka na ba talagang ibang masabi?]

[Meron. Dude, may pag-asa ka na kay Hermes!]

[Tigilan n'yo na nga ako. Magkaibigan nga lang kami, okay?]

He clicked his tongue. [C'mon, Arus, isn't it hard? To only be a friend to someone you have feelings for?]

[Hindi. Wala rin naman talaga akong pake kung kaibigan lang ang turing ni Hermes sa'kin, mas iniisip ko ang kapakanan, kaligtasan at kasiyahan niya.]

Sunk in Cerulean (MNL Boys Series # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon