#SIC C-22
Nang nakita ni Hermes ang pag-iling ng mga magulang niya ay namuo ang kaniyang mga luha at bigla siyang tumakbo palayo. Agad ko siyang sinundan patungo sa madilim na parte ng isla habang hawak-hawak pa rin ang gitara. Mabilis ang pagtakbo niya kaya binilisan ko rin ang pagtakbo ko upang hindi siya mawala sa aking paningin. Kalaunan ay tumigil siya sa ilalim ng puno ng buko at umupo, yakap-yakap ang kaniyang tuhod habang nakayuko.
Binagalan ko na ang pagtakbo hanggang sa naging lakad na lang ito. Nanng nakalapit na ako'y umupo ako sa kaniyang tabi. Marahan kong hinimas ang kaniyang likod habang patuloy na naririnig ang kaniyang hagulgol.
"Tahan na..."
Umiling siya habang nakayuko pa rin.
"Pinagsisihan mo ba ang ginawa mo?"
Nag-angat siya ng tingin sa'kin na may mga luha sa mata. "I don't know... I was so determined to do it... pero no'ng nakita ko ang mga tingin nila, I felt so unsure."
"At least, nagawa mo pa rin ang ginusto mong gawin. Tama lang naman ang ginawa mo."
Dahan-dahan siyang tumango. "But you know what was the first thing that came into my mind when I saw Canter proposing?"
"Ano?"
"It's the realization that I will never want to tie a knot with my abuser."
Tumango ako.
"... but their dissapointed stares made me feel like I'm the villain here, Arus." Napayuko siya ulit at umiyak.
"Shhh, tahan na," malumanay kong sabi. "Huwag mo na silang isipin. Hindi nila alam ang buong istorya kaya huwag kang magpapa-apekto sa mga sinasabi nila. Alam mo ang katotohanan. Pinili mo lang namang protektahan ang sarili mo, Hermes. Wala kang dapat ikalungkot sa pagpili ng sarili mong kapakanan."
Umiling siya habang nakayuko. "Can't you see their stares? It was even evident in my parents' gazes that they weren't happy."
"Alam mo bakit gano'n ang naging reaksiyon nila? Kasi akala nila sinasayang mo ang pagkakataong matali sa isang mabuti, mayaman, at matalinong lalaki. Pero kung alam nila ang katotohanan, sa tingin mo ba'y gano'n pa rin ang magiging reaksiyon nila? Sa tingin mo ba'y hindi sila mismo ang unang pipigil sa'yo na pakasalan ang lalaking 'yon?"
Nag-angat siya ng tingin habang umiiling. "But I'll be the talk of the town, Arus. Kahit saan, lalaganap ang balita tungkol sa pagreject ko sa proposal ni Canter. For sure, sasabihan nila ako ng masasama kahit hindi naman nila alam ang sitwasyon ko. Sasabihin nila na pinaglalaruan ko lang si Canter at isa lang akong public figure na nag-aaktong anghel."
Huminga ako nang malalim. "Alam mo, wala naman talagang pake ang mga tao kung ireject mo si Canter. Alam mo bakit? Kasi wala naman siya sa showbiz. At iyong mga tao sa business sector na kilala ang Canter na 'yon? Masasayangan lang sila na hindi kayo magkakatuluyan pero hindi tatagal ay mawawalan na rin sila ng pake."
Pinalis niya ang kaniyang mga luha at pilit na ngumiti. "I just hope they think that way, and I just hope my family would think that way, too."
Tumango ako. "Gusto mo kantahan kita?"
"Sure."
Umayos ako sa pagkakaupo at inayos ang pagkakahawak sa gitara. Ini-strum ko ang gitara at sinimulan ang kanta.
"You deserve someone who listens to you
Hears every word and knows what to do
When you're feeling hopeless, lost, and confused

BINABASA MO ANG
Sunk in Cerulean (MNL Boys Series # 2)
Storie d'amoreMNL Boys Series #2 - Some lovers turn to strangers. Some strangers turn to lovers. Some never get to experience both, while others get to experience the two. Either way, one thing is for sure: we all experience love, may it be platonic or romantic...