Chapter 24

2 0 0
                                    

#SIC C-24

"Hermes, may kumakatok." Sandali ko siyang tinapunan ng tingin.

"Sige wait," aniya habang abala pa rin sa pagsusuot ng damit kay Golden.

Inabot ko ang remote at ini-pause ang money heist bago tumayo. Pagpunta ko sa pintuan ay binuksan ko ito at nakita ang dalawang taong nakatayo. Tumaas ang kilay ng mga magulang ni Hermes habang nakatingin sa'kin, agad akong napalunok.

"Uh. . . Pasok po kayo, Ma'am at Sir," kinakabahan kong bigkas habang nakangiti pero hindi man lang gumalaw ang dalawa.

"Who's there, Arus?" Rinig kong tanong ni Hermes habang naglalakad patungo sa'min. Tumigil siya sa tabi ko at umaliwalas ang mukha nang nakita ang mga magulang niya.

"Kumusta ka?" tanong ng nanay niya habang seryoso ang mukha.

"I'm fine, Mom. Thank you for asking," ngumiti si Hermes at niyakap ang mga magulang niya. Hindi yumakap pabalik ang kaniyang mga magulang pero hindi ito pinansin ni Hermes.

"Oh, I thought you've lost your mind after rejecting Canter," tugon ng ina niya, damang dama ko ang pagiging sarkastiko ng tono nito pero hindi yata iyon napansin ni Hermes dahil mas lalo siyang napangiti sa sinabi ng nanay niya.

"No, Mom. I'm actually doing good! He was actually abusing me that's why I rejected his proposal. But don't worry, Mom and Dad! I'll file a ca--"

Agad na kumunot ang noo ng ina ni Hermes. Tumaas ang boses nito na siyang nagpatigil sa pagsasalita ni Hermes. "For what, Hermione Meshley? To ruin our connections with them?! Please! If you fell out of love for Canter or whatever your damn reason is for rejecting his proposal, don't make the situation worse!"

Napaigtad kaming lahat sa galit na boses ng ina ni Hermes. Ramdam kong natigilan si Hermes sa sinabi ng ina niya ngunit agad rin niyang pinakalma ang sarili. Pumikit siya at huminga nang malalim bago muling tiningnan ang ina niya, pero kahit anong pilit niya sa sarili na magpakatatag ay hindi niya napigilan ang pagkabasag ng kaniyang boses.

"Mom, why are you so angry?" nasasaktan niyang tanong habang nakakunot ang noo at may naluluhang mga mata.

Napaawang ang labi ng ina niya at napailing. Mas lalong nagsalubong ang mga kilay nito at tinuro-turo si Hermes habang nagsasalita. "Because you are so pathetic! So dumb! A big dissapointment! How could you do that to Canter?! Hindi kita pinalaking gan'yan, Hermes! Where's your class?!"

"Mom, he was abusing me!" malakas na tugon ni Hermes habang nagsimulang bumuhos ang mga luha sa kaniyang mga mata. "He's been abusing me and I couldn't take it anymore! I am not a punching bag! I don't deserve the abuse!"

"Tumahimik ka! Kung maraming beses ka talaga niyan sinaktan, bakit ni isang beses ay wala kaming nakitang pasa?!"

"Because I always hide it beneath my sweate--"

"Then keep on hiding it! Bakit ngayon ka lang magsasalita?! Ha?! Ngayon na wala ka nang mga pasa, o ni anong ebidensiya ng sinasabi mong pang-aabuso!"

Umiling si Hermes at biglang lumuhod sa harap ng mga magulang niya. Nagmamakaawa niya itong tiningnan habang nag-uunahan sa pagbuhos ang kaniyang mga luha. "Please. . . believe me. Mom, Dad, I'm telling the truth." Marahan niyang hinawakan ang kamay ng mga magulang niya habang nagmamakaawa.

Agad na inagaw ng ina niya ang kamay nito. "No! You are just giving us headache!"

"I was just. . . protecting my peace and sanity," mahinang tugon ni Hermes habang humahagulgol. Binitiwan niya ang kamay ng kaniyang mga magulang at napayuko, pinapahiran ang sarili niyang mga luha. "Please, just listen to me. . . Just this once?"

Sunk in Cerulean (MNL Boys Series # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon