#SIC C-07
Para akong hindi makapaniwala sa nakikita ko. Nakadungaw lang ako sa bintana habang abala sina Apollo at Brave sa pagmamaneho ng pribadong chopper ng mga Velarde.
"This is too bad to be true," giit ni Brave habang abala sa mga controls. Nang muli akong dumungaw sa bintana ay nakita ko na naman ang siyudad na parang nagiging isla na.
Iilang bubong ng mga bahay nalang ang nakikita ko, halos masakop na ng brown na tubig ang buong siyudad. Unti-unti, bumababa na ang chopper na sinasakyan namin. Abala sa pakikipag-usap si Apollo at Brave habang mabagal na bumababa ang chopper sa rooftop ng isang mataas na building. Medyo humina ang tunog ng chopper nang ilang metro nalang kami sa landing area. Malakas pa rin ang ulan kaya may mga bitbit na payong ang mga lalaking nag-aabang sa'min sa landing area.
"Brave Rigel Velarde, we're glad to see you. Thank you for your kindness, we are truly delighted with the help that you are willing to offer," giit ng lalaki sabay lahad ng kanyang kamay.
Tinanggap ni Brave ang kanyang kamay. "I was really alarmed with the news. I'm grateful to be of a help, and so are my friends. They are as willing as me when it comes to lending a hand."
"That's good to hear," ngumiti ang lalaki sa'min at nagpakilala bilang head ng rescue team. "Well then, nasa ibaba ang mga makakasama nating rescue team. Let's move." tinalikuran niya kami at pinasunod sa kanya.
Nang nakababa kami ay marami kaming mga nakitang tao. Nalaman kong bawat palapag ng establisyemento ay may kaakibat na layunin. Patuloy na nagkwento yung head tungkol sa nararanasang bagyo habang nakatayo kaming lahat sa elevator. Ayon sa kanya, may palapag dito na naroon ang mga na-rescue. May mga palapag namang naroon ang mga volunteers na nagpa-pack ng mga maipamimigay na food packs. May palapag rin para sa mga kagamitang kinakailangan sa pag-rescue, at doon sa palapag na iyon kami tumigil.
Tumunog ang elevator tsaka unti-unting bumukas. Bumungad sa amin ang mga rescue boats, safety harness, at iba pang mga kinakailangan sa pag-rescue. Maraming volunteers ang mga nasa paligid namin, abala sila sa paghahanda at pagsusuot ng mga safety harness. Ang iba'y nakitingin sa mga monitors upang i-track ang mga kung anu-anong data na maaari nilang makuha. Nage-explain ang head ng team tungkol sa mga gamit, ngunit pamilyar na naman sa'kin ang mga kagamitang ginagamit kapag may rescue by water.
"A flood that high? With a strong current? And high risk of getting electrecuted? Plus zero visibility to some certain places? How the fuck are we gonna rescue those trapped people?" Kunot-noong tanong ng taong nasa likod namin habang nakatingin rin sa malaking screen na nasa harapan namin. Kitang kita ang aerial view ng siyudad at kung ano ang sitwasyon nito. Napabuntong-hininga ako nang nakita sa gilid ng screen ang mga naitalang patay, nawawala, at estimated na dami ng mga residenteng hindi pa nare-rescue.
"The electric supplier is currently shutting off the electric supply para iwas disgrasya sa kuryente. The current is strong, but not that strong to stop the rescuers from saving the victims. Isang particular na lugar lang rin naman ang may sobrang lakas na current, so the only way to get the victims there is by air. 'Yung ibang lugar, medyo mahina lang 'yung current kaya ayos lang na gumamit ng rescue boats," paliwanag sa kanya ng head.
"Alright." marahan siyang tumango at huminga ng malalim, pilit na pinapakalma ang sarili upang makapag-isip pa ng maayos. "How about those places with zero visibility?"
"The rescuers have flashlights with them or anything that can offer brightness. I heard the people in places with zero visibility are told to clap once they see a light. Create a noise. Wave a white cloth. Simply intended to get the rescuers' attention."
"Thanks for the enlightenment, well-appreciated."
"Happy to help. Let us just not panic and instead, keep in mind that everything has a solution," aniya at bumaling sa amin. "Get your gears and get ready. Move! Now!"

BINABASA MO ANG
Sunk in Cerulean (MNL Boys Series # 2)
Roman d'amourMNL Boys Series #2 - Some lovers turn to strangers. Some strangers turn to lovers. Some never get to experience both, while others get to experience the two. Either way, one thing is for sure: we all experience love, may it be platonic or romantic...