Chapter 12

4 0 0
                                        

#SIC C-12

Nagising ako nang madaling araw dahil sa gutom. Bobo talaga ng pag-iinarte ko, ako pa rin tuloy ang nagdusa.

Lumabas ako ng kwarto para pumunta sa kusina. Hindi ko na binuksan ang mga ilaw dahil may kaunting ilaw pa rin namang pumapasok mula sa labas ng bintana. Malinis na ang sink at mesa kaya binuksan ko ang ref para maghanap ng makakain. Dumungaw ako sa loob ng ref at nakitang tanging isang piraso nalang ng karneng adobo ang nasa tupperware. Pero dahil wala naman akong ibang choice, bumuntong-hininga nalang ako at kinuha iyon.

Tumigil ako sa pagkakadungaw at sinara na ang ref. Nanlaki ang mga mata ko at napasigaw nang biglang nakita ang imahe ni Apollo sa tabi ng ref.

"Tumahimik ka nga," sinamaan niya ako ng tingin.

Tumigil ako sa pagsigaw at sinamaan rin siya ng tingin. Biglang kumulo ang dugo ko habang nakatingin sa walang kwenta niyang mukha. "Puta madre. Bobo ka ba? Madaling araw na, madilim pa, tapos bigla kang magpapakita?!"

Nagkibit-balikat siya. "Hindi ka nagpakita sa'min kanina , e. Edi ako nagpakita sa'yo ngayon."

Matalim ko siyang tiningnan bago tinalikuran para pumunta sa lalagyan ng mga pagkain. Kumuha ako ng stainless na lalagyan ng ulam tsaka inilipat roon ang adobo. Ini-on ko ang microwave at nilagay roon ang stainless.

"I already bought a fucking chopper," giit niya, narinig ko ang pag-upo niya sa counter. Narinig ko rin ang paglatag niya ng mga papel. "Here's the papers. It's already named to you."

Binuksan ko ang microwave at kinuha ang adobo roon. Kumuha rin ako ng plato at utensils, tsaka sinalinan ng kanin ang plato. Inilatag ko ang mga iyon sa hapag at umupo sa dulo ng hapag, nakaharap kay Apollo na naroon pa rin sa counter. "Ba't ambilis ng transaction? Sa'n mo ba nabili 'yan?"

"The Velarde's. Sabi ni Brave may isang chopper daw silang ipinagbibili, so of course I immediately bought it. Binigyan pa ako ni Tito ng discount," pagmamalaki niya.

"Second hand na nga lang ang binili, nagpa-discount pa," pangungutya ko.

"Ikaw nga hindi naman piloto, pero nagpabili ng private chopper," he fired back.

"Malamang, may dalawa yata akong kaibigang mga piloto?"

"Mukha ba silang magpapautos sa'yo?"

"Oo, dahil mga mukha silang alipin."

"Wow," biglang singit ni Brave. "coming from someone who's currently occupying a space in my condo."

Nanlaki ang mga mata ko at napalunok nang marinig ang boses niya. "Nagbibiruan lang naman kami ni Apollo, Brave."

Tinaasan ako ni Apollo ng kilay. "Luh, baka ikaw lang."

Hayop talaga ang isang 'to.

"Oo na," giit ko nalang tsaka pinagpatuloy ang pag-kain. Narinig ko ang marahas na paghila ni Brave sa upuan na nasa kanan ko. Hindi ko alam kung galit ba talaga siya sa'kin pero minabuting yumuko nalang ako at tahimik na binilisan ang pag-kain.

"Why are you quiet?" Biglang tanong ni Brave. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa at may inilatag sa hapag, "This is my gift."

Nag-angat ako ng tingin at nakita ang sobrang liit na christmas paper bag. Kinuha ko iyon at nang binuksan ay nakita ko ang mga strings ng gitara at mga guitar picks, may capo pa.

Umaliwalas ang mukha ko. "Salamat, Brave!"

Nginitian ako ni Brave. "You should let us see and hear you play a guitar again. Go back to your hobby."

Sunk in Cerulean (MNL Boys Series # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon