Part 22

35 0 0
                                    

wala ng nasa isip pa si Mack ng mga sandaling iyon kundi ang mabawi ang kanyang kaibigan sa kamay ng babaeng kasalukuyan niyang sinusugod. hindi na niya alintana ang panganib na kanyang susuungin sa kanyang ginawang desisyon ng mga sandaling iyon. Dinig niya ang sigaw ni Dan sa kanyang pangalan ngunit hindi na siya mapipigilan nito, buong tapang siyang tumakbo habang hawak ng mahigpit ang piraso ng bakal na kanyang napulot upang gawing sandata sa kinikilala niyang kaaway.

Ahhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!............. malakas at buong tapang na sigaw ni Mack ng badyang ihahampas na niya ang tubong hawak ng makalapit siya sa babaeng umagaw sa kanila kay Zeth

tipid na ngiti naman ang pinakawalan ni Volien at pikit matang sinangga ang tubo gamit lamang ang kanyang daliri. waring tumigil  ang mundo ni Mack ng makita ang ginawa ni Volien sa hawak niyang bakal. nanginginig ang mga kamay na nabitiwan ito at lumagpak sa matigas na semento ng kalsada ang yuping bakal na animoy ihinampas sa matigas na bato. takot ang kanyang nadama ng marahang magbukas muli ang mga mata ni Volien na nakatitig sa kanya. unti-unting naglandas sa kanyang nuo mula pisngi patungo sa kanyang baba ang malalamig niyang pawis. Nagsimulang manginig ang kanyang mga tuhod at hindi niya napigilan ang sarili na matumba at bumagsak dahil sa nadarama. 

Pinilit niya ang sariling makalayo sa mga matang nakatitig sa kanya kahit gumapang pa siyang pabalik ay tila walang nagagawang hakbang upang maiaalis siya sa kanyang kinalulugmukan ng mga sandaling iyon. Natigilan muli si Mack ng makitang humahakbang papalapit sa kanya si Volien sa bawat pagurong at gapang niya. magsisi man siya sa nauna niyang desisyon ay wala na rin itong magagawa kaya naman pikit mata niyang hinintay ang kanyang katapusan.

lumayo ka sa kanya! narinig ni Mack na sigaw na utos ng pamilyar na boses sa kanya kaya agad niyang iminulat ang kanyang mga mata. Hindi naman siya nagkamali dahil tinig nga iyon ni Dan na kasalukuyang may hawak na malalaking tipak ng semento mula sa gumuhong gusali at walang sawang pinauulanan ng bato si Volien. Dahil sa nakitang kapatangan ng kaibigang si Dan, nagkaroon muli ng lakas ng loob si Mack na lumaban at bawiin ang kaibigan. 

Pumulot din siya ng di kalakihang bato at ubod lakas na binato sa kanyang target. napangiwi nga lamang siya ng sahalip na si Volien ang matamaan ay ang kaibigang si Zeth na walang malay ang nasapol sa ulo.

peace bro! naisatinig nalamang ni Mack ng makitang napangiwi sa sakit ang walang malay na kaibigan. muli siyang pulumot ng tipak na bato at sinulyapan ang isa pang kaibigang si Dan na nakatingin din sa kanya ng mga sandaling yon. tipid na tango ang kanilang naging hudyat upang muling paulanan ng bato si Volien na tila naiinis na sa ginagawa ng dalawa.

Dahil na rin sa mukhang wala ng pagpipilian pa si Volien, isang desisyon ang kanyang ginawa upang matigil na ang kabaliwan ng dalawang lalaking nasa kanyang harapan. walang pag-iigat na ibinaba niya ang wala paring malay na si Zeth sa gitna ng kalsada at nagsimulang humakbang palapit sa dalawang wala paring tigil sa kababato ng bato sa kanya.

nakaramdam muli ng takot ang dalawa ng makitang lumalakad palapit si Volien sa kanila, ngunit sa kabila nito ay hindi sila tumigil sa kanilang ginagawa kahit na nakikita ng kanilang mga mata ang pagkapulbos ng bawat bato na tumatama dito. Sa muling pagpulot nina Mack at Dan ng tipak ng semento sa kanilang paanan ay nawalang parang bula sa kanilang mga mata si Volien at hindi na nila matagpuan kahit saan.

makalipas ang ilang sandali, narinig nalamang ni Mack ang pagbasak ng katawan ni dan sa matigas na semento na tila wala ng buhay. 

Dan! sigaw niya at tangkang lalapitan ito, ngunit matinding kirot at sakit sa kanyang leeg ang kanyang naramdaman. kasabay nito ang unti-unting pag sakop ng kadiliman sa buo niyang paligid....

Itutuloy..........

Painful Destiny (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon