Part 23

45 0 0
                                    

Halos 2 araw din ang ginugol ni Ivar sa loob ng lihim na hardin upang hasain sa pakikipaglaban ang  mga bagong hukbo ng kanilang Reyna. walang minuto ang lumilipas na hindi siya nag aalala para sa pagbukas ng lagusan patungong mundo ng mga tao. Kulang nalang ay itigil niya ang ginagawa at pansamantalang lumabas ng hardin upang kunin ang relo na susi sa pagbubukas ng lagusan na iniwan niya sa kanyang silid. Ngunit pinigil niya ang sarili at pinagbuti nalamang ang pag-tuturo sa mga baguhan upang mapabilis ang kaniyang paglabas sa lugar na iyon.

eksakto pag sapit ng gabi sa ikalawang araw ni Ivar  doon ay muling nagbukas ang pintuan ng lihim na hardin.Naguumapaw ang kasiyahang nadarama ni Ivar ng mga sandaling iyon, batid niya sa sariling ito na ang huling gabi ng kaniyang pagtuturo sa mga baguhan. Agad siyang nagbigay galang ng pumasok sa loob ng hardin ang kanilang Reyna kasunod ang anak nitong si Felix.

Nilibot ng mga mata ng Reyna ang buong paligid at matamang pinagmasdan ang bawat isa sa kanyang mga bagong likhang mandirigma. bakas sa mukha at katawan ng mga ito ang hirap na kanilang pinagdaan. nababakas din ang kalakasan ng kanilang kapangyarihan sa bawat ora na lumalabas sa kanilang katawan.

Maasahan ka talaga Ivar, hindi ako nagkamali sa pagpili sayo. pagbibigay papuri ng Reyna kay Ivar dahil sa nakitang tagumpay nito.

salamat kamahalan. tipid na sagot ni Ivar dito.

nag-pahanda ako ng inyong hapunan ngayong gabi,  maari na kayong magpahinga pagkatapos. Ngunit bukas ay maghanda ang lahat, may mga taga labas na nagnanais pasukin ang harang sa aking palasyo. mahabang litanya ng Reyna bago tinalikuran ang lahat matapos senyasan ang kanyang alalay na ihatid ang lahat sa masaganang hapunan.

Nang maka-alis ang Reyna mabilis na tumalilis si Ivar at halos lumipad sa pagtakbo patungong kanyang silid. napansin ito ng alalay ng Reyna ngunit hindi na siya nagawa pang  pigilan nito sa bilis niya. Nang makarating ng kanyang silid, ginala niya ang paningin sa kabuoan nito at hinanap ang lagusan kung sakaling nagbukas na ito, ngunit bigo siyang makita ito, Madali niyang nilapitan ang kanyang kaha at binukasan ito. nakahinga siya ng maluwag ng makitang 6 na oras pa bago sumapit ang hating gabi sa orasan ni Alex.

buti nalang....... naisatinig ni Ivar sa sarili at pabagsak na nahiga sa kanyang kama. pinakatitigan niya ang madilim na kisame ng kanyang silid habang nasa isip ang mukha ni Volien. Dahil narin sa walang tulog at pahinga isama na ang matinding pag aalala, mabilis na dinalaw ng antok si Ivar at mahimbing na nakatulog. habang ang lahat ay nagbabantay at naghahanda sa anumang sandali ng pagsalakay ng hukbo ng mga lobo.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Matalino talaga si Haring Ismail para maisipang lagyan ng harang ang kanyang palasiyo.. ngiting asong saad ni Vanessa habang nakatanaw sa labas ng kanyang silid tanggapan. 

huwag po kayong magalala, napag-aralan na namin ang kahinaan ng harang. pinaghahandaan na namin ang pag pasok sa loob nito . pagbibigay ulat ng isa sa mga alagad ni Vanessa.

malakas na tawa naman ang pinakawalan ni Vanessa bago nagsalitang muli. kahit kelan ay hindi ako nagaalala, dahil alam kong wala silang laban satin.

ipagpaumanhin nyo po ang aking nasabi. mabilis na paghingi ng tawad ng alagad ni Vanessa sa kanyang sinabi.

sige na, balitaan mo na lamang ko sa mga mangyayari. pagtataboy ni Vanessa dito , agad naman itong tumalima at mabilis na nawala sa harapan niya.

sigurado ka ba sa mga ginagawa mo Vanessa? tanong ni Minerva habang humihithit ng kanyang tabako.

mukhang nawawalan ka ng tiwala kaibigan.. nakangiting sabi ni Vanessa dito.

una sa lahat, hindi kita pinagkakatiwalaan, pangalawa hindi tayo magkaibigan. Baka nakakalimutan mong maykasunduan lamang tayo kayat pumayag akong makipagtulungan sa iyo Vanessa. sarkastikang turan naman ni Minerva sa sinabi ni vanessa.

ang sakit mo namang magsalita, baka nakakalimutan mong kusa kang lumapit sa akin. pare-pareho lang tayong may kailangan sa isat-isa kaya kung ako sayo, tumahimik ka nalang at gawin ang parte mo, dahil ako, ginagawa ko ang parte ko ng maayos.nakangising saad ni Vanessa at iniwan ng nagngingitngit sa galit si Minerva. 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

langitngit ng pinto at sinag ng lampara  ang nagpagising sa diwa ni Amanda. pinilit niyang iminulat ang kanyang mga mata at inaninag kung sino ang mga taong nakatayo sa kanyang harapan.

kumusta ka Amanda? mukhang hindi maganda ang lagay mo. kunwaring nagaalala ang tono ng tanong ni Vanessa habang pinagmamamasdan ang kalagayan ng kaawaawang si Amanda sa kanyang harapan. nakakadena ang kamay at paa nito, tadtad ng latay ang mukha at katawan  tanda ng pagpapahirap dito.

sabihin mo na kasi kung saan mo tinago ang aklat ng veroun upang hindi ka na mahirapan. mungkahi ng Vanessa kay Amanda ngunit hindi niya inaasahan ang magiging pagtugon ni Amanda sa kanya. sumilay ang  ngiti sa mga labi nito at marahang tumawa hanggang sa maging halakhak na pumuno sa buong paligid ng kanyang selda.

at ano sa tingin mo ang nakakatawa?! inis na tanong ni Vanessa dito ngunit tila walang naririnig na anuman si Amanda at patuloy lang sa pagtawa na waring nawawala na sa sarili.

Tumigil ka! sigaw na utos ni Vanessa dito sabay hampas ng latigo sa mukha nito. Saglit na tumigil sa pag halakhak si Amanda sa ginawa ni Vanessa ng mabaling ang ulo niya sa lakas ng hampas nito sa mukha niya, dumaloy ang masaganang dugo mula sa sugat na gawa ng latigo sa mukha ni Amanda ngunit tila balewala na ito para sa kanya. humarap mulit siya kay Vanessa at pinakatitigan ito bago muling humalakhak. 

tumahimik ka!!! nanggigigil na sinakal nito ang leeg ni Amanda hanggang sa sumuka na ito ng dugo, ngunit hindi mababakasn ng kahit anong sakit ang mukha ni Amanda, nakatitig lang ang mga mata nito kay Vanessa ng buong tapang kasabay ng pagngisi nito. 

Tamana Vanessa, baka mapatay mo siya ng hindi mo nalalaman kung nasaan ang aklat! pigil ng isa sa mga nagbabantay kay Amanda na si Samuel. agad namang natauhan si Vanessa at marahas na binitiwan ang leeg ni amanda. 

gawin nyo ang lahat para mapaamin ang babaeng yan! kailangan ko ang aklat sa lalong madaling panahon! naghuhumiyaw na utos ni Vanessa sa tagabantay ni Amanda bago lisanin ang kulungan nito.

Nang makarating si Vanessa sa  sariling silid, humahangos siyang nagsalin ng alak sa kanyang kopita at nilagok ang lahat ng laman niyon na parang uhaw na uhaw. paulit ulit niyang ginawa iyon hanggang sa nagsawa siya at binato ang kopitang hawak sa dingding ng kanyang silid. Nanginging siya sa galit dahil kay amanda,

kailangang makaisip ng paraan upang mapaamin si Amanda kung saan nito tinago ang aklat sa lalong madaling panahon. 

Itutuloy.........

Painful Destiny (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon