Part 12

79 1 0
                                    

Pa' can i ask you something? Tanong ni Zeth sa ama habang kumakain sila ng umagahan 

Ano nanaman yan? Kumakain tayo, ayokong mawalan ng gana. Masungit na turan ng ama habang hinihiwa nito ang hotdog sa kanyang plato.

Nothing, I just want to ask about what really happened to Mama. Malungkot ang tinig niya habang nilalaro ang tinidor sa plato.

Come again Zeth?! Itigil mo na nga yang katatanong mo about your mother, nanahimik na siya kung san man siya naroroon ngayon! Matigas na sabi nito at pinunasan ang kanyang bibig bago tumayo at tuluyang tinungo ang pintuan palabas ng kanilang bahay.

Napabuntong hininga nalamang si Zeth ng makaalis ang kanyang ama. Nais lang naman niyang malaman ang totoong nangyari sa kanyang ina upang maintindihan na niya ang lahat-lahat sa sarili niya.

Simula ng maaksidente siya at mawala ang kanyang ina may mga pangyayaring hindi maipaliwanag ni Zeth sa kanyang sarili, isa na dito ang magpagalaw ng mga gamit at ang marka na lumtaw sa kanyang likudan.

Kung hindi ko makukuha ang sagot mula kay Papa, ako ang gagawa ng paraan para malaman ko ang lahat. Naisatinig niya sa kayang sarili bago tumayo sa kanyang kinauupuan upang pumasok sa kanyang silid ng maalala niya ang basement na pinagkukulungan sa kanya ng kanyang ama sa tuwing nakakagawa siya ng pagkakamali.

Nang marating ang basement ng kanilang bahay, nakaramdam ng kakaiba si Zeth ng hawakan niya ang pinutan nito. Mabilis ang tibok ng kanyang puso at tila waring may humuhila sa kanyang mga paa na pumasok sa loob nito. Huminga muna siya ng malalim bago hinawakan ang doornob at marahang pinihit ito upang bumukas.

Malakas na langitngit ng pintuan ang pumuno sa loob ng basement habang patuloy sa mabilis na pagtambol ang kanyang dibdib. Tila tumigil siya sa paghinga ng humakbang ang isa niyang paa sa loob ng kwarto. di mapigilan ang mga naguunahang mga luha sa kanyang mga mata na agad naman niyang pinahid ng muling masilayan ang litrato ng kanyang ina na nakasabit sa dingding.

Nilapitan niya ito at pinagmasdan ang nakangiting mukha ng kanyang ina sa larawan. Di niya mapigilang haplusin ang mukha nito na tila nasa harapan niya lamang ito. 

Zeth....

Tinig na kay lamig ang pumukaw sa katahimikan ng basement kay Zeth. Agad niyang hinanap sa paligid ang taong tumawag sa kanyang pangalan ngunit ni anino ay wala siyang nakita.

Sino yan? Kinakabahang tanong ko sa kung sino mang nagkukubli sa kadiliman ng basement na ito, ngunit wala akong nakuhang tugon mula sa aking tanong. Huminga ako ng malalim at napangiti sa kabaklaan ko. 

Ano ka ba Zeth. . Inis na napakamot siya sa sariling batok habang natatawa sa sarili.

Gumagawa ka ng sarili mong multo.. Sermon niya sa sarili at nagsimula ng maghanap ng mga bagay na satingin niya ay makakatulong upang malaman ang katotohanan sa lahat ng misteryo sa buhay niya.

Gamit ang kanyang cellphone, nagkaroon siya ng liwanag upang makita ang mga laman ng mga nakatambak na baul doon. Maging ang mga libro na nakahanay sa bookshelf na nandoon ay tiningnan din niya ngunit wala siyang nahanap na bagay na makapagbibigay sakanya ng kasagutan.

Dahil sa init sa loob ng basement naupo siya sa isang lumang rocking chair na nandoon. Pinunasan niya ito ng alikabok ng nakita niyang puting damit saka tuluyang naupo at inugauga ito. Knuha niya ang isang malapad ngunit manipis na libro sa kanyang tabi at ipinaypay ito upang maibsan ang init na nararamdaman ng may isang papel ang nahulog mula dito. Agad niyang pinulot ito at pinagmasdan ang nasa larawan. Nanginginig ang mga kamay niya habang walang kisap ang mga matang nakatitig sa hawak na larawan.

Mabilis niyang kinuha muli ang libro niyang hawak kanina at binuklat ang bawat pahina nito. Narating niya ang pinakadulo ng libro ngunit ang bawat pahina ng libro ay blangko. Muli niyang pinagmasdan ang larawan na kanyang hawak. Hindi siya maaring magkamali, kahit na tila sinaunang larawan ito dahil sa pagiging black and white ng kulay nito ay alam ni Zeth sa sarili na siya ang batang nasa larawan. Karga siya ng kanyang ina na tila walang pinagbago ang mukha at di kilalang lalaki na nakahawak ang mga kamay sa kanya at sa kanyang ina na may malapad at matamis na ngiti sa mga labi.

Naguguluhan man, ibinalik niya ang larawan sa pagkakaipit sa libro at binitbit ito palabas ng basement. Agad niyang hinanap ang ama sa buong kabahayan. Sa pagkakataong ito masidhi na ang kagustuhan niyang malaman ang lahat sa ayaw man o gusto ng kanyang ama. 

Di naman alintana ni Zeth ang pagningning ng libro niyang hawak sa kanyang kamay. Nagniningning ito sa liwanag na kulay pula kasabay ng pagbago ng kulay ng kanyang marka sa likod ng di niya namamalayan.

-----------------

Magkikita muli tayo Zeth, konting panahon nalang...anak... Lumuluhang naisatinig ng ina ni Zeth sa madilim na sulok ng basement habang tahimik na pinagmamasdan ang kanyang anak na papalabas ng silid ng basement bitbit ang iniwan niyang libro sa tabi nito ng sandaling abala ito sa pagpupunas ng alikabok sa kanyang uupuan.

Nang magsara ang pintuan ng basement lumuhang nilisan nito ang madilim na lugar at tumagos siya na parang hangin sa batong pader ng dahan-dahan.

Painful Destiny (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon