Part 21

43 1 0
                                    

wala ka talagang silbi kahit kailan Oragon. sampu sa iyong mga alagad ang kasama mo upang dalhin ang nakatakda, ngunit nabigo ka parin!  nagngingitngit sa galit ang kapatid na babae ni Oragon pangalawa sa mga pinuno ng lahing Dragon ng malamang bigong dalhin ng kapatid si Zeth sa kanya.

Pwede ba, masyado kang mainit. hayaan mo naman akong magpaliwanag.  iritableng sagot nito habang nililinis ng kanyang hinliliit na may mahabang kuko ang kaliwa niyang tenga. tila naririndi na sa kasesermon ng kapatid sa kanya.

tigilan mo ang pakikipag laro Oragon, kailangan natin ang nakatakda upang buhayin ang ating ama. tiimbagang na sabi nito kay Oragon na ngayon ay tila hindi na nakikinig sa kanya at nasa malayo  ang iniisip. 

Nakita ko na siya.. nakangiting naisatinig ni Oragon sa kapatid  na hindi parin nawawala ang panggigigil na saktan  ito anumang sandali.

matagal mo ng nakita ang nakatakda, tanga ka lang kaya't hindi mo parin siya na ihaharap sa akin hanggang ngayon! 

hindi siya ang tinutukoy ko.. nakangising sagot ni oragon sa kapaitd na nanggigil sa galit .

sino kung gayon?! hindi mapigilang sumigaw nito dahil sa galit na sumisiklab sa loob niya.

ang aking prinsesa.. nagkita muli kami sa mundo ng mga tao. tila nangangarap na saad nito sa kapatid habang nakatitig sa labas ng bukas na bintana.

tumahimik ka na Oragon! gawin mo ang pinagagawa ko sayo bago ako maubusan ng pasensya sa mga pinag-gagawa mo! kapag sumapit ang pulang buwan na hindi mo nadadala dito sa mansyon ang nakatakda, ako mismo ang pupugot sa ulo mo. banta nito kay oragon ngunit tila bingi ito at sinenyasan pa ang kapatid na lumabas na ng kanyang silid.

hayaan mo't sa aking pagbabalik mula sa mundo ng mga tao, ay bitbit ko na ang ulo ng lalaking yon. nang iinis na turan nito sa kapatid.

subukan mo lang na pogutan ng ulo ang nakatakda. ulo mo rin ay pupogutin ko. nanlilisik ang mga rosas na mata nito bago tuluyang isinara  ang pinto ng silid ni Oragon.

kung mapopugot mo. nakangising naisatinig ni Oragon habang pinagmamasdan ang langit sa labas kung saan tila ang natatanaw niya ay ang mukha ni Volien habang nagniningning ang mga pulang mata nito na tila nangaakit sa kanya. 

malapit ka ng mapasa akin.. muling na sabi nito habang nasaisip ang pulang mga mata ni Volien. may kung anong ningning ang mga mata niya sa isiping iyon at isang tila nagbabadyang mga halakhak ang pinakawalan nito na pumuno sa buo niyang kuwarto.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

(mundo ng mga tao)

nangingig ang buong katawan nina Dan at Mack sa takot ng biglang agawin mula sa kanila si Zeth ng babaeng kani-kanina lang ay nakita nilang lumabas mula sa lumitaw na liwanag sa gitna ng kaguluhang kinasasangkutan ng kanilang kaibigang si Zeth na ngayon ay walng malay sa dami ng tinamo nitong pinsala.

tila paralisado ang kanilang katawan at  hindi magawang kumilos ng dalawa habang nakatitig sa kanila ang itim na mga mata ng babaeng nasa harapan nila. gustohin man ni Dan na tumakbo ngunit hindi kumikilos ang kanyang mga paa sa takot. maging si Mack ay hindi makapagsalita,pakiramdam niya tumigil ang pagtibok ng puso niya maging ang kanyang paghinga. 

saan niyo siya balak dalhin? narinig ng dalawa na tanong nito sa kanila kaya't napatalon sila sa gulat dala ng takot.

sa isip ng dalawa, ito na ang kanilang katapusan. parang eksena sa pelikula na sila ang bida at ang nakakatakot na babaeng ito ang kontrabida. 

wala ba kayong mga dila? muling tanong ni volien sa dalawa ng hindi ito sumagot sa una niyang tanong. batid ni Volien ang takot ng mga ito sa kanya dahil nababakas niya ito sa kanilang mga mukha. nagpakawala ng isang malalim na hininga si Volien bago tuluyang binaybay ang daan na hindi niya alam kung saan patungo. wala siyang balak iligtas ang lalaking ngayon ay nakasampay sa kanyang balikat nuong una, ngunit naisip niyang may kung ano sa lalaking ito upang pagtounan ng pansin ng isa sa mga pinuno ng mga mandirigmang dragon mula sa mundong kinabibilangan niya.

s-sa-aann.. mo siya balak dalahin?! nanginginig ang boses na sigaw ni Mack ng makitang papalayo na sa kanila ang babae bitbit si Zeth na walang malay.

mack.. baka patayin niya tayo! ano ka ba!? mahina at nangangatal na sambit ni Dan sa likudan nito.

ibalik mo samin si Zeth! lakas loob na muling sigaw ni Mack kay Volien na ngayon ay nakatitig sa kanya.

ahhh!,,, O! M! G! napaluhod sa takot si Dan sa ginawa ng kaibigan.

kung hindi ko siya ibabalik sa inyo, anong gagawin mo? tila nanghahamong sagot ni Volien dito.

wala akong magagawa kundi bawiin siya mula sayo! tapang tapangang sigaw ni Mack at dinampot ang piraso ng bakal na naputol mula sa malakas na hanging nangwasak sa buong paligid. umusal siya ng maiksing dasal bago niya sinugod ng buong tapang si Volien na nakangising naghihintay sa kanya.

Mack!! tanging na sigaw ni Dan sa kaibigan ng makitang tumakbo ito bitbit ang bakal na natatanging sanda laban kay Volien na kanilang kinatatakutan. Mariin niyang pinikit ang kanyang mga mata upang hindi niya masaksihan ang mangyayari sa kanyang kaibigan.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

ngayong gabi, sasalakay tayo sa kanlurang bahagi ng palasyo ng mga bampira. patayin niyo ang lahat ng haharang sa inyong daraanan. Walang ititirang buhay!  sigaw na utos ni Vanessa sa kanyang pulutong ng mga itim na lobo. sababay sabay namang umalulong ang mga ito at isa-isang nawalang parang bula upang salakayin ang kanluran.

malalakas na tawa ang pinakawalan ni Vanessa ng tuluyang maglaho sa kanyang harapan ang kanyang mga tauhan. 

hindi naman mapakali ang hari sa kanyang trono dahil sa kung anong pakiramdam na kanyang nadarama ng mga sandaling yon. madali niyang tinawag ang kanang kamay ng si Jin upang ipagutos sa lahat na paghandaan ang anumang pagsalakay ngayon gabi. 

matapos niyon ay pinatawag din niya ang nagiisang babaylan sa kaniyang palasyo na si Maria. pinagutos niyang lagyan ng makapangyarihang harang ang buo niyang nasasakupan bilang proteksiyon sa mga kalaban. agad naman itong sumunod at nagsaboy ng pulbos sa pinakatuktok ng palasyo  . Habang marahang  dinadala ng hangin ang  butil na pulbos, unti-unting nagliwanag ang buong paligid na sumakop sa buong palasyo at kagubatan. 

matapos ang liwanag ,mga sanga-sangang waring kidlat ang pumalit dito at nawala sa paningin ng sinuman. sa tuwing may mga ibon o hayop na nagtatangkang pumasok dito, lumalabas ang mga nakakakuryenteng kidlat at sinusunog ang sinumang nagtatangkang pumasok dito.

**magsisimula na ang digmaan, sino ang magwawagi?  Ano ang   mamamayani?  Pag-ibig   o  Galit? O ang sumpang  bumabalot sa katauhan ni Volien na siyang ikapapahamak ng lahat maging ng lalaking kanyang iniibig.****

Itutuloy...

Painful Destiny (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon