Part 18

55 1 0
                                    

ano bang klaseng relo ito, hindi naman ata gumagana!? inis na kinalikot ni Ivar ang relong hawak habang nakaupo sa kanyang kama. maguumaga na ngunit tila 5 minuto palang ang tinatakbo ng orasan niyang hawak. ahhhh!! ayoko na! pabagsak siyang nahiga sa kanyang kama at tinitigan ang madilim na kisame. tanging nasa isip niya si Volien na pumasok sa lagusan patungong mundo ng mga tao. nag-aalala siya para dito, muli niyang tinitigan ang relong hawak . minasdan ng matagal, hinintay na gumalaw ang mga kamay na nagtuturo sa mga numerong nakaikot dito. Ngunit sa tagal ng kanyang paghihintay, hindi nagbago ang oras sa relo ni Alex. Dahil narin sa pagod at sobrang pagiisip nakatulog si Ivar na tanging nasa isip ay ang mukha ni Volien.

Anak ng! napakamot siya sa batok at napahilamos ng sariling palad sa kanyang mukha ng makitang halos walang pinagbago ang oras nito sa oras na nakatulugan niya ito. nilingon niya ang orasan sa kanyang kuwarto na nakasabit sa dingding., alas diyes na ng umaga. sa loob ng pitong oras niyang pagkakatulog, limang minuto lang ang tinakbo ng orasan niyang hawak. 

maaari kayang nakabase ang oras nito sa mundo ng mga tao? naisatinig niya sa kanyang sarili habang minamasdan ang relo sa kanyang palad.

mga katok sa pintuan ang bumasag sa kanyang pagiisip, agad niyang tinago sa kanyang kaha ang relo at inayos ang sarili bago tuluyang buksan ang pinto.

pinatatawag ka ng Reyna Amelia. naghihintay na siya sa may hardin. bungad  ng isang babaeng tagapagsilbi ng reyna kay Ivar. pagkasabi'y mabilis na naglaho sa madilim na parte ng pasilyo at tanging ang mga yabag nalamang nito ang maririnig.

~~~~~~~~~~~~~~~

agad na nagtungo si Ivar sa hardin ng palasyo kung saan naghihintay ang kanilang Reyna. mabilis naman niyang namataan ito na nakaupo sa di kalayuan habang hawak ang isang kopita ng dugo.

Kamahalan. yumuko siya at naglumikluhod sa kanyang reyna tanda ng pag-galang ng makalapit siya dito.

natutuwa ako't nakarating ka Ivar. tipid na ngumiti ito at marahang ibinababa ang kopitang hawak sa babasaging mesang naroon.

Ipag-utos niyo po at aking susundin. marahan at may paggalang na sabi ni Ivar habang nananatiling nakayuko at luhod ito sa harapan ng Reyna.

natutuwa talaga ako sa iyong katapatan. tumatawang sabi naman ng reyna habang nakatitig sa nakayukong si Ivar. ipinatawag kita dahil sa isang bagay na alam kong hindi mo ako bibiguin. muling saad nito.

sabihin niyo lang po aking Reyna.

dahil kumbinsido ang reyna na magagawa ni Ivar ang kanyang ipaguutos hindi siya nagdalawang isip. maya-maya pa'y kinumpas-kumpas nito ang kamay na waring may inuutos sa isang  tagapagsilbi. mabilis na tumalima ang babaeng nasa tabi ng Reyna at hinila ang pader na napapalibutan ng makakapal na bagin.

nanlaki ang mga mata ni Ivar ng makita ang nasa loob ng pader na may makakapal na bagin . hindi niya mapaniwalaan na makikita niya ang lihim na hardin ng palsyo. ngunit hindi lang ang lihim na hardin ang hindi niya mapaniwalaan, kundi ang nakita niyang mga naghihitay sa kanya sa loob niyon. 

Painful Destiny (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon