Part 16

62 1 0
                                    

Ano bang kailangan nyo sa akin? Sino ba kayo? Kumakabog ang dibdib ko habang tinatanong ang lalaking tila pinaka pinuno nila.

Malalaman mo ang sagot kung sasama ka sa amin ng maayos. Pagkasabi niyon ay agad na kumilos ang dalawa sa likudan niya upang hawakan ako ,ngunit mabilis ang naging pagkilos ko na parang isang ninja na tumalon sa ibabaw ng kotse matapos kong bigyan ng tig isang sipa ang mga ito.

Hindi na masama. Waring nangiinsultong tumatawa ito habang nakangiting nakatitig sa akin.

Nayukom ko ang mga kamao ko at hindi malaman ang gagawin upang matakasan ang mga nilalang na nakapaligid sa akin. Damn it! I need to get out of here.

~~~~~~~~~~~~~~~~

Lubog na ang araw at madilim na ang buong paligid ng marating namin ang pinakadulo ng kagubatan. Nagsisimula ng humuni ang mga kukiglig at kuwago na bumasag sa katahimikan. Malakas na lagaslas ng tubig ang aking narinig sa di kalayuan, may kung anong pakiramdam akong nadama upang puntahan ang lugar na yon.

Habang papalapit na kami ng papalapit sa lumalagaslas na talon , isang kumikinang na bagay ang aking namataan.

Anong nakita mo? Tanong ni Ivar sa likuran ko ng makitang may pinulot akong bagay. Ipinakita ko ito sa kanya at nabigla siya sa kanyang nakita.

Kay Alex ang relong ito diba? Tanong ko sa kanya at tumango tango naman ito at kinuha mula sa kamay ko ang relong may bahid na dugo ni Alex.

Siguradong may nangyaring hindi maganda sa kanya. Naisatinig ko habang naghahanap sa paligid ang mga mata ko. Gayon din ang ginawa ni Ivar na mahigpit ang hawak sa relo ni Alex, bakas sa mukha ang pag-alala para sa kaibigan at galit para sa gumawa nito.

May ilang sigundo din kaming nasa ganong kalagayan ng may lumapit sa'ming munting  alitaptap. Nagpapatay sindi ang dala nitong pulang liwanag na tila nagaanyaya sa akin na sundan siya.

Olie! Pigil ni Ivar sa akin ngunit sinenyasan ko siyang walang dapat ipagalala at sumunod nalang sa akin.

Sa likod ng rumaragasang talon nag laho ang munting alitaptap. Nang tangkang lulusungin ko ang ilog upang alamin kung anong kababalaghan meron ang talon muli naman akong pinigilan ni Ivar.

Hinawakan ko ang kamay niyang pumipigil sa braso ko at tinitigan siya na nagsasabing walang dapat ipangamba. Tumango lang ito at binitiwan ako saka sumunod sa paglusong sa ilog.

Nang marating namin ang talon isang kuweba ang aming natagpuan sa likod nito. Nagkatinginan kami sa isa't isa at nagkasundong pasukin ito.

Madilim ang buong paligid ngunit hindi hadlang ito upang mahirapan kami na pasukin ito,dahil sa mga mata naming mga bampira.

Nakasisilaw na liwanag ang sumalubong sa'min ng marating naming ang pinakdulo ng kuweba. Kanina ko pa kayo hinihintay.. tinig na nagmumula sa liwanag na agad naman naming nakilala.

Alex! Mabilis kong tinakbo ang liwanag na may sayang nararamdaman sa pagaakalang ligtas ito.

Tila naparalisado ang buong katawan ko ng makita ko ang nasa harapan ko. Maging si Ivar na nasa tabi ko ay nabigla din sa nakita.

Alex.... namutawi sa mga labi ko habang pinagmamasdan ko ito. Tinangka ko siyang hawakan ngunit tumagos lang ang aking mga palad.

Nakangiting umiling siya sa akin at sinulyapan si Ivar. Wala na akong oras na ikuwento ang nangyari sa akin, ngunit masaya na ako dahil kapiling ko na ang aking kapatid. Lumitaw sa tabi niya ang tila isang batang manika na mahinang tumawa.

Painful Destiny (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon