Part 25

45 0 0
                                    

Aray... wika ni Mack habang himas-himas ang  kanyang batok. Bumangon siya sa pagkakahiga at naupo sa kanyang kama. Masakit ang buo niyang katawan, at kumakalam na ang kanyang sikmura.

Mabuti naman at gising ka na.

Agad siyang napalingon sa pinagmulan ng tinig.

3 araw na po kayong walang malay sir. Wika muli ng nurse na kapapasok lamang ng silid.

Nagtatakang nilinga ni mack ang buong silid at napagtantong nasa ospital pala siya.

3 araw? Ano bang nangyari? Takang tanong niya sa nurse na nagpapalit ng dextrose niya.

Natagpuan po kayong walang malay ng mga kaibigan niyo sa tapat ng isang bar kung saan nagkaroon ng matinding riot ang mga kabataan doon.

Riot? Muling tanong ni Mack habang inaalala kung ano nga ba ang mga nangyari ng muling bumukas ang pintuan ng kanyang silid.

Mack anak, mabuti at gising ka na
!! Tiling wika ng kanyang ina ng mabungaran nitong may malay na ang anak. Mabilis nitong niyakap si mack at pinupog ng halik.

Ma' tama na. Aray!! Pag mamaktol nito sa ina.

Nag-alala ako sayo ng sobra! Gusto mo na bang mamatay ako? Nangingilid ang luha nitong wika Kay mack.

Ma' sorry na. Magda drama ka na naman e. Hindi ko nga matandaan ang nangyari sa'kin e.

Muntik ka ng mamatay bata ka! Buti nalang may nakakita sa inyo at dinala kayo rito sa ospital.

Ha,sino? Takang tanong ni Mack sa ina.

Naku anak napaka gandang bata ang nagligtas sa inyo ng mga kaibigan mo. Teka tatawagin ko , nasa silid pa ata siya ni zeth. Mabilis na lumabas ng silid ang ginang at iniwang tulala sa kaiisip si mack kung sino ang tinutukoy ng ina.

Habang abala siya sa pag alala ng mga nangyari, muling bumukas ang pintuan, kasabay nito ang pagtibok ng malakas ng kanyang dibdib. Una niyang nasilayan ang nakangiting mukha ng kanyang ina habang may inaanyayahan itong pumasok sa kanyang silid .

Halika ka iha pasok ka. Anyaya ng ina ni mack dito.

Tila tatalon naman palabas ang puso ni mack sa lakas ng pag tibok nito sa di niya malamang dahilan. Ano bang nangyayari sakin? Naitanong niya sa sarili habang naghahari na sa buo niyang  katawan ang pangamba.

Mack, siya yong sinasabi ko sayo, ano nga muli ang pangalan mo iha?

Nanlaki ang mga mata ni Mack ng makita kung sino ang tinutukoy ng ina na nagdala sa kanila sa ospital. Hindi to totoo! Sigaw ng kanyang isipan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Painful Destiny (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon