Part 17

46 1 0
                                    

Sa pag pasok ni Volien sa lagusan patungong mundo ng mga tao, binagtas niya ang mahabang daan ng kadiliman na tila wala ng kaapusan.

samantala, isang nagbabadyang trahedya ang magaganap sa palasyo habang papalapit na ng papalapit ang gabi ng pulang buwan. 

~~~~~~~~~~~~~~~~

nagkakagulo na ang mga tao sa parking lot ng isang kilalang bar sa makati kung saan nagaganap ang hindi makatotohanang tagpo para sa mga ordinaryong tao. Si Zeth, duguan na ngunit hindi parin tumitigil sa pakikipag tagisan ng galing sa mga nilalang na hindi niya kilala . Gamit ang kanyang nalalaman tungkol sa kanyang natatanging kapangyarihan, nagawa niyang makipaglaban upang hindi magwagi ang kanyang mga kaaway na makuha siya at madala sa kung saan mang mundo nabibilang ang mga ito. Ngunit sa ilang minuto niyang pakikipaglaban , tila naghihina na siya at nawawalan na ng lakas upang magpatuloy at lumaban dahil sa mga tinamo niyang pinsala. Samantalang waring hindi nauubusan ng lakas ang kanyang mga kalaban at hindi nagasgasan man lang.

Kung ako saiyo Zeth ay susuko na ako. wala ka rin namang magagawa sa mga tauhan ko. nakangising saad ng animoy pinuno ng mga taong sumalakay sa kanya.

sino ba kayo at anong kailangan niyo sa akin!? humuhingal na tanong ni Zeth sa mga ito habang naglalandas sa kanang pisngi niya ang masaganang dugo na nagmumula sa kanyang nuo na tumama sa bintana ng isang kotse habang nakikipaglaban siya sa mga ito. 

Pagpasensyahan mo ang aking kabastusan, hayaan mo't magapakilala ako ng pormal sayo. sabi nito habang marahang tumatawa. Ako si Oragon. isa sa tatlong pinuno ng mga dragon, ang pinaka malakas sa lahat. narito ako kasama ng aking mga alagad upang sunduin ka, at ibalik sa mansyon kung saan ka nabibilang. pagpapakilala nito ng sarili kay Zeth .

anong ibig mong sabihin? takang tanong ni Zeth sa sinabi nitong kung saan siya nararapat.

huminga ng malalim si Oragon at pikit matang hinimashimas ang kaliwang kilay gamit ang palasingsingan ng kanang kamay nito. tila nakakaramdam na ng inis sa katatanong ni Zeth sa kanya.

kung sasama ka samin ng maayos, malalaman mo ang sagot sa mga tanong mo at hindi ka na masasaktan pa ng ganyan. mariin ngunit marahang saad nito. mayamaya pay sinenyasan ang mga tauhan upang kunin si Zeth at isama sa pag-alis nila.

dahil sa kaguluhan, agad rumespunde ang mga pulis at pinalibutan ang lugar kung saan naroroon sina Zeth at ang mga tauhan ni Oragon. naghanda ang mga kapulisan at pumwesto sa kanya kanyang posisyon, habang nakatutok ang mga baril na hawak sa kani-kanilang target..

Kayong lahat, sumuko kayo ng maayos, napapalibutan na namin kayo! sigaw ng hepe ng mga pulis sa mga ito. napakamot naman sa ulo si Oragon dahil sa mga asungot na dumating at nakikigulo sa kanilang ginagawa , dahil wala siyang interest sa mga mahihinang mortal inutasan niya ang kanyang mga tauhan na bitbitin na si Zeth upang makaalis na sila sa lugar na iyon,kung saan ang lahat para sa kanya ay pawang mga laruan lamang.

sa nakitang pag-kilos ng mga tauhan ni oragan , pilit na tumayo si Zeth sa kanyang kinalulugmukan ngunit hindi na kinaya ng kanyang katawan ang mga tinamo niyang pinsala kaya naman agad din siyang bumagsak sa malamig na simento habang unti-unting nanlalabo ang mga matang nakatitig  sa papalapit na tauahan ni Oragon.

bago pa man siya mawalan ng malay, isang liwanag ang lumitaw sa kanyang harapan kasabay ng paglabas ng itim na usok mula dito.  pilit niyang itinaas ang kanyang ulo upang makita ang liwanag kahit hirap na hirap na siya. isang pares ng mga paa ang una niyang nakita na lumabas mula sa liwanag kasunod ang mahahabang mga binti at braso nito. dahil sa sakit na kanyang nadarama, nawalan siya ng malay habang pilit inaaninag ng kanyang mga mata kung sino ang nasa likod ng mahaba at kulot na buhok na lumitaw mula sa liwanag.

s-sino k..a... nanghihinang sambit niya ng mawalan siya ng malay.

Painful Destiny (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon