Part 10 (Untold story *Volien*)

90 1 0
                                    

Part 10

Hapon na ng magising si Volien ng araw na iyon. Agad siyang nag-ayos ng sarili upang simulan ang kanyang mga trabaho sa palasyo. Pag-labas niya ng kanyang kuwarto agad niyang nakita si Ivar na naglalakad sa may pasilyo.

Ivar. Tawag niya habang papalapit siya dito. Mabilis namang nilingon ito ni Ivar at hinintay na makalapit sa kanya.

Si Alex? Tanong muli niya habang naghahanap ang mga mata sa paligid.

Hindi ko pa siya nakikita simula pa kanina. Kibit balik na sagot ni Ivar dito

Ganoon ba. Maiksing sagot niya at nagpatuloy na sila sa paglandas ng pasilyo.

-----------

Malakas na sigawan ang narinig nila sa paglabas palamang ng pasilyo, tila may mga nagkakasiyahan sa kung ano mang nagaganap doon. Agad nilang nakita ang ilan sa kanilang mga tauhan na naguumpukan sa di kalayuan. Mabilis na nakalapit ang dalawa sa umpukan na di man lang napapansin ng mga nandoon na nagsisisgawan sa tuwa.

Sige pa! Patayin mo! Sigaw ng isa na nasa tabi ni Volien

Sipain mo! Ganito! Sabay sipa pa sa hangin ng isa sa tabi ni Ivar na tila nagtuturo ng dapat gawin.

Hindi!, ganito suntukin mo dito! Sigaw pa ng isa sa harapan nila, sabay suntok sa mukha ng katabi na nagpadugo ng bibig nito at dahilan ng pagkabungi ng isang ngipin nito sa lakas ng ipinataw na suntok. Akmang gaganti ang isa ng pumagitna si Volien na walang kangitingiti sa mga labi.

Isa-isang tumahimik ang lahat ng makita siya, habang patuloy sa madugong bakbakan ang dalawang nasa gitna ng kaguluhan. Tahimik siyang naglakad palapit sa dalawang walang tigil sa pakikipag-buno sa isat-isa. Ang kaninang tila cheer leaders ng bakbakan ay mabilis na nag-laho at nagtago dahil sa takot sa kanya. 

Mula sa ere .kung saan tila tatapusin ng dalawa ang laban gamit ang matatalas nilang mga kuko sa magkabilang mga kamay at mga pangil na tila uhaw sa dugo, ay pumagitna si Volien at hinawakan ang dalawa sa mga kamay at malakas na ibinato sa naghihintay na lupa.

Nakangiwing bumangon ang dalawa sa sakit ng katawang nadama. Hindi malaman ng isa ang gagawin ng makita niyang papalapit sa kaniyang kinaroroonan si Volien. Walang mababakas na emosyon sa mukha nito habang papalapit ito ng dahan-dahan. Ang mahaba nitong buhok ay nagsasayaw sa hangin sa bawat hakbang nito. Ang mga mata nitong itim na hindi makikitaan ng ningning ay matamang nakatitig sa kanya. 

Sa takot, agad na yumuko ang ulo ng isa at naglumikluhod sa paghingi ng tawad ng makalapit sa kanya si Volien. Nakayukong pinagmamasdan ni Voilen ang kanyang tauhang humihingi ng tawad habang nakaluhod sa lupa. Huminga siya ng malalim , kinalma ang sarili at pinaalis na ito sa kanyang harapan

Habang inihahatid niya ng tanaw ang kanyang tauhan na makapasok ng palasyo , mabilis niyang naiwasan ang matatalim na kuko na sumugod sa kanyang likudan. hinawakan niya ito at pinilipit ng mahigpit.

Sumpain ka! Sigaw ng isa pa niyang tauhan ng pilipitin pa niyang lalo ang kanang braso nito sa likudan nito.

Hindi ko alam kung anong problema mo sa akin Carlos at nagkakaganyan ka. Mahinahong sabi ni Volien dito ng marahas nitong bawiin ang braso niya sa pagkakapilipit niya sa likudan nito.

Painful Destiny (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon