part 13 ( 1 )

55 1 0
                                    

Part 13

Pa'  tinig ni Zeth sa likuran ni don Fernan na nakaupo sa may garden set malapit sa pool ng kanilang mansyon. Bumuntong hininga muna ang don bago nagsalita na di lumilingon sa kanyang anak na nasa kanyang likuran. 'kung gayon ay nahanap mo ang librong yan Zeth' may sama ng loob ang tinig ng don ng magsalita ito, habang nanginginig ang mga kamay na nakahawak sa kanyang tungkod. Nabigla si Zeth sa tinuran ng ama, napayuko siya upang tingnan ang kanyang hawak na libro sa kanyang kamay at mas ikinagulat niya ang kanyang nakita.

Marahil ito na ang tamang oras upang ipag-tapat ko sa iyo ang lahat-lahat Zeth.. Sabi ni don fernan habang dahan-dahang humarap sa kanyang anak ng makatayo ito mula sa pagkakaupo. Muli namang hinarap ni Zeth ang ama matapos makabawi sa pagkabigla ng makita niyang nagliliwanag ang libro sa kanyang kamay. Inilahad ng Don ang kanyang kanang kamay kay Zeth upang iabot ang librong hawak hawak niya. Naglaho ang liwanag mula sa libro ng bitiwan ni Zeth ang libro sa kamay ng kanyang ama. Maupo ka". Anyaya ng kanyang ama at wala sa sariling sinunod niya at naupo ng dahan-dahan.

Muling nagpakawala ng hangin mula sa kanyang dibdib ang Don bago muling nagsalita habang marahang binuksan ang pahina ng libro. 20 taon na ang nakalilipas habang ako naglalakad pauwi mula sa pagsasaka sa bukid, isang matinding liwanag ang sumalubong sa akin. Pagsisimula ng Don at marahang tiningala ang asul na langit na tila binabalikan ang nakaraan.

**flash back**

Fernan uuwi ka na ba? Tanong ni edgar sa akin habang hila-hila ang kanyang kalabaw na katulong niya sa maghapong pagbubungkal ng lupa sa bukid. Oo, mag-gagabi na rin mahirap abutin ng dilim sa daan." tugon ko habang inaayos ko ang mga gamit ko sa sakong bitbit ko. Sige, mauuna na 'ko. Paalam ni edgar sa akin at sumakay na siya sa kanyang kalabaw papauwi, ako naman ay binagtas ang daan patungo sa aking munting barung-barong.

Mahigit 10minuto na akong naglalakad ng biglang dumilim ang paligid at isang matinding liwanag ang lumitaw sa aking harapan, pilit kong inaaninag sa liwanag ang isang babae na may hawak na sanggol, habang sa loob ng liwanag may isang nilalang ang nananatiling nakatayo lamang. Takot ang aking nadama ng sandaling bumalik ang lahat sa dati ng mawala ang nakasisilaw na liwanag sa aking harapan. Tanging ang babaeng may buhat na sanggol ang nanatiling nakatayo at nakatitig ang maamo niyang mga mata sa akin.

Tulungan mo kami" narinig kong namutawi mula sa kanyang bibig ang malamig niyag tinig.

Sino ang babaeng yan? Nanlalaki ang mga matang tanong ng aking ina ng makita ang babaeng kasama ko na may hawak na sanggol. Puno siya ng dugo at punit-punit ang kanyang mahabang damit. Agad dinaluhan ng aking ina ang estrangherang kasama ko at inalalayan na makapasok sa loob ng aming kubo at pinaupo sa papag na naghihintay.

Ano bang pangalan mo at anong nagyari sa inyo ng iyong anak? Saan ka ba nanggaling? Sunodsunod na tanong ng aking ina habang iniaabot nito ang baso ng tubig sa babae. Ako naman ay nakaupo sa tapat ng kawayang mesa at nakatitig sa babaeng napakahiwaga. Sa dami ng mga tanong ng aking ina, wala kaming nakuhang sagot mula sa kanya, kaya napagpasiyahan nalang namin na pagpahingahin na lamang ito matapos gamutin ng aking ina ang mga tinamong sugat nito. 

Painful Destiny (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon