Part 24

83 3 1
                                    

habang naghahanda sa pagwasak ng harang ang mga alagad ni Vanessa, nagpatawag naman ng agarang pagpupulong si Haring Ismail sa kanyang mga Opisiyales at maging sa mga taga payo. Ang lahat ay dumalo sa pagpupulong upang pag usapan at pag planuhan ang nakaambang na pagsalakay ng mga lobo.

Marahil ay alam niyo na kung bakit ko kayo pinatawag . pagsisimula ni Haring Ismail sa pulong. ang lahat ay nakamata sa kanya, naghihintay ng kanyang bawat sasabihin. bagamat may pagaalalang nadarama si haring ismail sa kanyang sarili hindi niya ito pinakita sa sino mang nan doon. Nag aalala siya sa mga mangyayari , alam niyang malakas ang lahi niyang bampira ngunit batid niya sa sariling hindi pa sila ganoon kalakas upang sumabak muli sa isa pang digmaan.

Dahil sa hindi inaasahang pagsalakay ng mga kalaban sa atin, nanganganib na mapasok tayo ano mang sandali. pag-papatuloy niya sa kanyang sasabihin.

ano ang naiisip mong plano dito kamahalan? tanong ng pinakamatandang tagapayo sa kanya. dapat na ba tayong mabahala dahil sa ipinapakitang kaagresibuhan ng mga lobo na masupil tayo?

Hindi, walang dapat ikabahala kung lahat tayo ay mag-kakaisa upang protektahan ang ating lahi. sagot ng hari sa matandang tagapayo.

kung gayoon, ay sabihin mo sa amin ang iyong naiisip. muling wika ng taga payo.

Humugot muna ng malalim na hininga si Haring Ismail bago muling nagsalita. Nais ko sanang hingin ang inyong tulong upang makausap ko ang pinuno ng grupong sa tingin ko ay malaki ang maitutulong sa 'ting problemang kinahaharap ngayon..

nagkatinginan ang bawat nandoon sa isat-isa, nangungusap kung sino ang tinutukoy ng hari na makatutulong sa kanila.

Sino ang tinutikoy mong grupo na satingin mo ay malaki ang maitutulong satin ngayon? muling tanong ng matandang tagapayo kay haring ismail.

matagal bago tuluyang makasagot sa tanong ng matanda si Haring ismail kaya naman hindi na napigilan ng ilan sa mga nandoon ang mag-usap at hulaan ang nasaisip ng hari.

ang grupo ni Fredo sa timog kanluran ng palasyo. Ang mga taong dilim kung tawagin. Sagot ni Haring Ismail sa katanungan. bagamat may mangilan-ngilan ng nakahula sa isasagot niya ay hindi parin mawawala sa iba ang pagkabigla, lalo na't hindi lingid sa kanilang kaalaman kung anong klaseng grupo ang mga taong dilim.

Ang mga taong Dilim ay mga bampirang nag aklas sa hari at kalaunay gumawa ng sariling grupo na pinamumonuan ng kapatid ni Haring Ismail na si Fredo. Si Fredo ay pangalawa sa trono ng pagkahari nuong una, ngunit dahil sa kasakiman at inggit sa kapangyarihan ay nilabanan nito sariling ama at matapos niyon ay ipinatapon ito sa malayong parte ng palasyo.

Matapos ang ilang daang pamumuno ng dating hari na ama ni Haring ismail sa lahi ng mga bampira, ay ipinasa na nito ang korona sa natitira nitong anak na si ismail. Gayun pa man ang isa pa nitong anak na si Fredo ay nananatili sa pangalawang pagkahari at maaaring humalili sa oras na may mangyaring hindi inaasahan sa kasalukuyang hari na si Ismail.

Ang mga taong dilim na pinamumunuan ng kapatid ninyong si prinsipe Fredo? ngunit kamahalan, alam ng lahat ang ugali ng inyong kapatid. isa siyang tuso at puno ng kasakiman ang kanyang buong pagkatao. Maaring linlangin lamang niya tayo kung hihingi tayo ng tulong sa kanya. hindi pagsangayon ng isa sa mga opisyales niya.

tama, baka mas lalo pa tayong mag-kaproblema kung itutuloy natin yan. sang-ayon ng isa pang opisyales sa hindi pag-sangayon ng isa.

gayun din ang naging tampok ng bulong-bulungan ng iba pang mga nan doon. Hindi sila sangayon sa binabalak ng hari na pakikipag sanib puwersa sa grupo ng kanyang kapatid dahil nga sa hindi mgandang paguugali nito.

Ngunit kailangan nating gawin ito , ang aking kapatid na si Fredo ay nananatili sa pagiging pangalawa sa aking Trono, kaya't kung sakaling.... sakali mang may mangyari sa akin, si Fredo ang papalit sa aking posisyon upang kayo ay pamunuang lahat.

sa sinabing iyon ni Haring Ismail, ay natigilan ang lahat. Maaring may punto ang ilan sa mga opisyales ngunit tama ang sinabi ng hari sa kanila. kung sakaling hindi magtagumpay ang puwersa nila mula sa mga lobo, agad na hahalili sa posisyon ang kapatid ng hari na si prinsipe Fredo at mas lalala ang mga mangyayari sa kanila. bagamat may anak na si haring ismail na si Prinsipe Felix ngayon, ay hindi pa ito maaring pumalit sa kanyang ama sa kadahilanang wala pa ito sa tamang edad na pamunuan ang kanilang lahi.

Sa kalagitnaan ng kanilang pagpupulong ay biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang Reyna na kay tamis ng ngiti sa mga labi. Agad na napabaling sa kinaroroonan niya ang lahat ng mga mata ng nandoon sa loob ng silid ng mga sandaling iyon.

nasa kalagitnaan kami ng mahalagang pagpupulong aking Reyna, kung iyong mamarapatin sana'y iwanan mo muna kami. paki usap ng hari dito ngunit sa halip na umalis ang Reyna ay tuluyan itong pumasok sa silid na may mumunting halikhik na maririnig mula sa kanya.

huwag mo naman sana akong ipagtabuyan mahal ko, nais ko lang ay matulungan ka sa iyong kinahaharap na problema ngayon. nakangiting wika nito at bahagyang binuksan ang pagkakatupi ng kanyang abaniko at nagsimulang ipaypay sa kanya.

at sa paanong paraan mo naman sana balak tumulong aking Reyna? tanong ng hari habang nakatitig sa mukha ng Reyna.

gusto ko sanang bigyan mo ako ng kapangyarihan upang pamunuan ang unang pagsalakay sa mga lobo na nagnanais magwasak ng harang ng babaylang si Maria. saad ng Reyna sa napaka amo nitong tono.

nahihibang ka na ba!? may pagkairitang sabi ng hari dito.

kung may hibang man dito ay ikaw yon mahal ko. ang pag iisip na humingi ng tulong sa iyong kapatid ay isang malaking kahibangang iyong gagawin. gayon pa man, nais ko lang malaman mo at ninyong lahat na gumawa ako ng sarili kong hukbo upang sumabak sa digmaan. bigyan mo man ako o hindi ng kapangyarihang lumaban , gagawin ko parin ang gusto ko, huwag lang mawala sa ating anak ang trono na dapat ay kanyang tunay! mariing wika nito bago muling sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi at tuluyang lumabas ng silid na iyon.

dahil sa eksenang nangyari ay katahimikan ang namayani sa buong silid matapos magsara ang pintuang nilabasan ng Reyna. Habang malalim ang iniisip ni Haring Ismail sa sinabi ng kanyang asawa.

sa paglabas ng Reyna sa silid na iyon ay agad siyang dumeretsyo sa lihim na hardin kung saan naghihintay ang pinaka malalakas na bampira ng palasyo. Kaagad nagbigay ng utos ito at mabilis na sinunod ng kanyang tila gutom sa dugong mga hukbo .

sa isang kumpas ng kamay ng Reyna sa Hangin ay isang liwanag ang lumabas kasabay ng paglabas ng itim na usok mula rito. Patayin ang lahat ng haharang sa inyo! matigas na utos ng reyna sa kanyang hukbo. matapos niyon ay tila mga gutom na nag-unahan ang lahat na makapasok sa lagusang gawa ng Reyna na mag dadala sa kanila sa labas ng harang kung saan naroroon ang ilan sa hukbo ng mga lobo.

kulang isang minuto ang lumipas ng pumasok ang mga bagong hukbo ng Reyna sa ginawa niyang lagusan ay naaamoy na sa hangin ang sariwang dugo na humalo dito hudyat na may nagaganap ng labanan sa labas ng palasyo.

itutuloy....

Painful Destiny (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon