Part 15

63 1 0
                                    

Ivar! Tawag ko sa nakatalikod na si Ivar sa di kalayuan habang abala sa pag- eensayo sa mga kabataang bampira sa pakikipag laban.

Mamaya nalang ulit. Pagpapaalam ni Ivar sa mga ito at naglakad papalapit sa akin.

Hinahanap kita kanina pa. San ka ba nagsuot? nagaalalang tanong niya, habang nakatitig ang kahel niyang mga mata sa akin.

Nakita mo na ba si Alex? Iwas na tanong ko sa kanyang tanong dahil wala na akong oras na makipagdaldalan sa kanya. Nakita ko namang umingos ang mga labi niya at tumingin sa papalubog ng araw na ngayon ay kayulay na ng mga mata niya.

Hindi ko pa siya nakikita mula ng gabing maghiwalay tayo sa mansyon ng mga tagapayo. Iritadong sagot niya habang lumalakad patungo sa tumpok ng panggatong at sinimulang sibakin ang mga ito.

Ganon ba. Sige salamat. Pagpapaalam ko sa kanya matapos kong bitbitin ang bag ko na iniwan ko sa di kalayuan. binagtas ko ang kagubatan upang hanapin si Alex. Nararamdaman Kong, may hindi magandang nangyari sa kanya matapos kaming maghiwalay nung nagdaang gabi. Kailangan ko siya upang makarating ako sa mundo ng mga tao.

Aalis ka ba? Tanong ni Ivar ng makita ang malaki kong bag na nakasabit sa balikat ko. Habang nakasunod siya sa aking paglalakad sa kagubatan.

Oo. Tipid kong sagot sa tanong niya.

Saan? Bakit? Dahil ba yun sa sinabi ni Greg kanina? Sunodsunod na tanong niya ng humarang siya sa harapan ko dahilan upang tumigil ako sa paglalakad.

Hindi. Tinabig ko siya upang makadaan akong muli upang hanapin si Alex. Ngunit mabilis niyang naagapan ang braso ko at hinarap ako sa kanya.

Kung dahil sa sina- hindi na niya nagawa pang tapusin  ang sasabihin nang marahas kong binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.

Sinabi ko ng Hindi diba? Wala akong dahilan para magpaliwang sayo. Sarkastikang turan ko sa kanya at nagpatuloy na ako sa paglalakad.

Pasensya ka na. Nagaalala lang naman ako sayo. Mahinang sambit niya habang nakatitig sa lumulubog na araw.

Agad ko siyang nilingon at pinagmasdan ko siyang mabuti. Bakas sa kanyang mukha ang pagaalala at sakit dulot ng sinabi ko kanina. Napakamot ako sa ulo sa pagkairita at nilapitan siya.

Kahit kelan nakakainis ka. Nasabi ko nalang sa kanya habang pinipisil ko ang matangos niyang ilong.

Aray ano ba!? Asar na tinanggal niya ang kamay ko sa ilong niya at hinimas ito.

Hahaha! Hindi ko napigilan ang tumawa sa hitsura niya dahil namula ng todo ang ilong niya na parang kamatis.

Nasisiraan ka na ng ulo! Masungit na sabi ni Ivar at nanguna na sa paglalakad upang makubli ang mga ngiting sumilay sa Kanya.

~~~~~~~~~~

Sa pag labas ni Zeth sa bar agad niyang kinapa sa bulsa ang susi ng kotse niya habang papalapit sa kinapaparkingan nito.

Isang grupo ng mga nakaitim na lalaki ang biglang lumitaw at mabilis na napalibutan siya . Agad na nakaramdam ng takot si Zeth

At tangkang tatakbo pabalik sa loob ng bar ngunit mabilis siyang naharang ng isang lalaki na umiilaw sa dilim ang dilaw at asul nitong mga mata.

Huwag mo ng subukang tumakbo pa Zeth. Sumama ka saamin ng maayos upang hindi ka na masaktan pa. Isang lalaki sa likudan niya ang nagsalita at nang lingunin niya ito ay takot ang kanyang nadama.

Sumilay ang mahahabang pangil sa pagngiti nito. Ang mga lila nitong mata ay nagbibigay dagdag kaba sa dibdib niya. Napakapormal ng suot nitong tuxedo habang ang buhok ay waring alaga sa suklay at gel sa sobrang ayos nito. Sa buong pagkatao ng nilalang na ito, dama ni Zeth ang sobrang lakas na kapangyarihang bumabalot dito.

Painful Destiny (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon