Part 5 ( Black Blood)

104 1 0
                                    

Nang makuha ng Reyna ang kanyang kailangan agad siyang bumalik sa loob ng kanilang silid at tamang nasa banyo ang kanyang asawa. Dali-dali niyang binuksan ang hawak na bote at agad na ipinainom ito sa sanggol na mahibing na natutulog sa kama.

King's POV

Muli kong tiningnan si Volien sa kama na mahimbing na natutulog bago ako pumasok sa banyo upang maligo, wala pang sampung minutong nakababad ako sa malaki kong bathtub ng marinig ko ang malakas nitong iyak kaya mabilis kong tinapos ang aking paliligo at binalot ko ang aking sarili ng roba na nakasabit sa likod ng pintuan.

Sa pag-labas ko ng banyo nikita ko kaagad si Volien na puno ng dugo ang kanyang bibig. Mabilis akong nakalapit sa kanya at naaamoy ko pa ang masangsang na amoy ng lason sa kanyang dugo na patuloy sa pagbukal mula sa kanyang bibig. Dahil sa tindi ng lason na aking naamoy mula sa kanya, alam kong hindi makakayanan ng mura niyang katawan ang labanan ito, kaya agad ko siyang binuhat mula sa kama at walang pag-aalinlangan kong sinagpang ang kanyang leeg at ubusin ang kanyang dugo. Ang kaninang malakas niyang pag-iyak ay unti-unting nanghina at tuluyang nawala. 

Inipon ko sa aking bibig ang may lason niyang dugo at iniluwa ko ito sa sink ng banyo matapos kong ilatag ang wala ng buhay na si Volien sa kama.

Sinisigurado kong mananagot ang may sala! Nang gigigil kong pangako sa sarili ko bago ko binalikan ang katawan ni Volien sa kama.

Queen's POV

Hindi ako nag-aksaya ng oras ng makuha ko ang bote ng pinaka-malakas kong lason sa mga koleksyon ko. Agad ko itong ibinuhos sa bibig ng batang si Volien at mabilis akong nag-laho na parang bula sa silid ng masaid ang laman nito.

sinigurado ko ding wala akong naiwan na na anuman na makapagtuturo sakin na ako ang gumawa ng panlalason sa nakakasukang bata na iyon.

*****************

Kumusta? Bati ko sa kabilang pinto ng selda.

Naligaw ka ata aking kamahalan. Maayos naman ako, pero baka pwedeng lakihan mo naman iton silid ko, masyadong masikip para sa matandang gaya ko. Mahabang saad ng matandang babae sa loob ng selda. Habang tumawa ito ng pagak sa Reyna.

Sige, basta sasagutin mo ang lahat ng itatanong ko. Pag-sangayon ko sa kanyang kahilingan.

Natawa muli ng pagak ang matanda at nag-abang ng katanungan mula sa Reyna.

Alam kong alam mo kung ano ang nangyayayri ngayon sa palasyo. Pag-sisismula ko sa aking itatanong.

Eh ano ngayon kung alam ko? Tatawa-tawa pa nitong tanong sakin

Tumahimik ka! Wala kang karapatang mag-tanong! Nag-ngingitngit kong utos sa matanda. Kung hindi nga lang ba, makapangyarihan ang matanda na ito, matagal ko na itong pinapugutan ng ulo sa mga tauhan ko sa palasyo. Ang matandang ito na kung tawagin ay tandang Elda ay nakakakita ng mangyayari sa hinaharap. Kaya din nitong ibalik ang oras ng nakaraan upang baguhin ito kung kinakailangan. Kaya naman laking pasasalamat niya ng mahuli nila ito ng maputulan ng mga paa ng kanyang asawa sa isang digman 200 taon na ang nakararaan. Kaya naman ni tandang elda na ibalik ang panahon upang baguhin ang mga nangyari, ngunit mas mautak kami kesa sa kanya. Ang espada na ginamit ng aking asawa upang putulin ang kanyang mga paa ay may lason na nakapag-paparalisa ng katawan dahilan upang hindi niya magawa ang kanyang ritwal para bumalik sa panahon at oras kung saan niya dapat baguhin ang mga pangyayari. Nang mga panahon ding yon, mahina ang kanilang lahing mangkukulam dahil sa biglaang pagkamatay ng kanilang pinuno at pagkawala ng anak nitong babae na dapat ay poprotekta sa kanila sa oras ng digmaan. 

Ang kulungan ni tandang Elda ay espesyal na ipinagawa upang limitado lang ang magamit niyang kapangyarihan para na rin hindi siya makatakas at manatiling nagsisilbi saamin. Ang bawat di pag-sangayon sa aming kagustuhan ay may kapalit na kaparusan. Dahil sa ang tulad ni tandang elda ay hindi namamatay, pinili niyang sumunod saamin upang hindi na rin siya masaktan at mahirapan.

Gusto kong malaman ang tungkol sa batang inuwi ng aking asawa sa palasyo kani-kanina lang. Sabi ko kay tandang Elda.

Bakit gusto mo pang malaman e patay na ang batang iyon dahil sa lason na pinainom mo? Sarkastikong tanong nito sa Reyna at marahang tumawa.

Kung ganoon ay nalagutan na ng hininga ang batang iyon, mabuti naman.

 Sabay tawa ko ng malakas.

Oo ,wala na siyang buhay sangayon. 

Tatawa-tawa naman nitong sabi na nagpatigil sa akin sa pagtawa ng malakas.

Anong ibig mong sabihing sangayon?!

Takang tanong ko sa kanya ngunit tila bingi at pipi itong nahiga sa kanyang higaan at tinalikuran ako.

Akala ko ba ay namatay na ang batang iyon dahil sa lason ko, sumagot ka!? Galit na tanong ko muli sa kanya ng di niya ako sagutin

Tama ka, namatay siya sa lason mo, kani-kanila lang. Ngunit muli siyang mabubuhay sa tulong ng sariling dugo ng hari na ipinaiinom na niya ngayon sa sanggol. 

A-ano! Hindi! 

hindi makapaniwala sigaw ko habang napasandal ako sa dingding. 

Ang batang iyon na ang magiging pinakamalakas sa lahat kung mag-kataon dahil sa pagsasalin ng dugo sa kanya ng hari.. Mas malakas pa kesa sa akin at sa anak kong si Felix! 

Sabi ko sa sarili ko na hindi parin makapaniwala sa ginawa ng hari.

Nagkamali ka ng lasunin mo ang batang iyon kamahalan, dahil isa na siya sa makasaysayang sanggol ng panahon na ito na may itim na dugo na dumadaloy sa kanya. ngunit... Pagpuputol nito sa kanyang sinasabi.

Ngunit ano!? Wag mo akong pag-intayin! Mariing utos ko sa kanya dahil hindi ako makapag-intay sa kanyang sasabihin.

Ang batang iyon ay mag-dadala saiyo ng lahat ng gustuhin mo, ngunit ang lahat ng iyon ay buhay ang kapalit . Dalawampong taon mula ngayon, sa kalagitnaan ng gabi, kabilugan ng pulang buwan, sisingil ng buhay para sa lahat nang ginusto mo . Mahabang pahayag nito na may di maipaliwanag na ngiti sa kanyang mga labi.

Naglalakad ako sa pasilyo ng palasyo habang paulit-ulit sa isip ko ang mga sinabi ni tandang Elda sa akin

Ang batang iyon ay mag-dadala saiyo ng lahat ng gustuhin mo.

lahat ng gustuhin ko? May ngiti sa aking labi ng maalala ko iyon

Ngunit ang lahat ng iyon ay buhay ang kapalit .

Wala akong paki-alam kahit ilang buhay pa ang magbuwis para sa gusto ko. Nanlilisik ang mga mata kong sabi sa sarili ko, habang hindi parin naalis ang matamis na ngiti sa aking mga labi sa isiping makukuha ko ang lahat ng aking naisin gamit ang batang iyon.

Dalawampong taon mula ngayon, sa kalagitnaan ng gabi, kabilugan ng pulang buwan, sisingil ng buhay para sa lahat ng ginusto mo.

Kung ganoon, bago pa dumating ang kabilugan ng pulang buwan ng paniningil. kikitlin ko na ang buhay ni Volien upang iligtas ang sarili ko. 

Painful Destiny (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon