part 19

50 1 0
                                    

hindi makapaniwala si Ivar ng magbukas ng tuluyan sa kanyang harapan ang lihim na hardin ng Reyna. tumabad sa kanyang harapan ang hindi mabilang na nilalang na tila uhaw sa dugo at bawat isa sa mga ito ay may dalawang butas na marka sa kanilang mga leeg. maya-maya pa'y lumabas mula sa pinagkukublian ang anak ng reyna na si Felix mula sa kung saan. nagsasayaw sa malamig na hangin ang mahahaba at tuwid nitong buhok at kumikislap sa liwanag ng araw ang pulang mga mata nito.

ang pagkabigla ni Ivar sa nakita ay napalitan ng poot ng masilayan ang mukha ni Felix . hindi niya mapigilan ang sarili na kamuhian ito mula ng makita niyang pinagamalupitan nito si Volien noong mga panahong mga bata pa sila. yukom ang mga kamao at pigil ang sariling nagbigay galang si Ivar sa nagiisang prinsipe ng palasyo na kanyang kinasusuklaman sa lahat. isang pagak na ngiti naman ang sumilay sa mga labi ni Felix ng makita ang reaksyon ni Ivar ng makita siya. hindi lingid kay Felix ang nararamdamang poot ni iIvar sa kanya, nababasa niya ang utak ng sinuman kaya walang maililihi ang kahit na sino mula sa kanya.

siya ba aking ina ang napili mo? tanong ni Felix sa kanyang ina ng makalapit ito dito.

oo. tipid na sagot ng Reyna habang nakatitig sa nakayukong si Ivar sa kanilang harapan.

napakaswerte mo para piliin ng Reyna para dito. nakangising sambiti ni Felix kay Ivar

ikinagagalak ko pong pagsilbihan kayo kamahalan. tanging sagot ni Ivar na ikinatuwa naman ng Reyna.

kung Ganon, nais ko sanang turuan mo ang mga bago kong alagad kung paano gamitin ang kanilang natatanging kakayahan at lakas sa pakikipaglaban para sa darating na digmaan. mahabang paliwanag ng reyna.

hindi agad nakasagot si Ivar sa hinihiling ng reyna sa kanya, dahil narin sa dami ng bilang ng mga ito maaring mawalan siya ng panahon na bantayan ang pagbukas ng lagusan pagsapit ng alas dose ng gabi sa Relo ni Alex

mukhang nabigla ka ata at hindi mo na nagawang sumagot. nakangising sambit ni Felix habang tila naiinip naman ang reyna sa isasagot ni Ivar sa kanya.

paumainhin po aking Reyna, pero may nais po sana akong itanong kung maaari lang sana. saad ni Ivar dito.

sige, pagbibigyan kita sa isang katanungan lamang.

salamat aking kamahalan.nais ko lang pong malaman kung ako lang po ba ang aatasan nyong magturo sa kanila? dahil sa tingin ko po, sa dami nila aabutin ako ng lagpas 2 buwan sa pagtuturo sa kanilang lahat. lakas loob na naisatinig niya sa Reyna.

malakas na tawa naman ang pinakawalan ng reyna sa tanong ni Ivar sa kanya. kahit si Felix ay hindi magawang pigilan ang pagngisi dito.

mukhang may iba ka pang balak gawin bukod dito Ivar, sabi ng reyna matapos ang mahabang pagtawa.

paumanhin kung natanong ko po ang bagay na yon kamahalan. sa tingin ko lang po kasi ay masyado silang marami kung nagiisa lang ako. paliwanag ni Ivar sa Reyna.

huwag kang magalala Ivar, ang bawat isa sakanila ay may nakatalagang grupo ng bawat kakayahan nila. bibigyan mo lang sila ng utos na kanilang dapat gawin. gayun pa man, makakasama mo si eveth sa loob ng hardin ko upang tulungan ka sa lahat ng kailangan mong gawin .mahabang pagpapaliwang ng Reyna kay ivar at sinenyasang lumapit ang isa sa kanyang mga tagapgsilbing babae na nagngangalang Eveth upang ipakilala kay Ivar.

Maraming salamat po sa inyong pagtitiwala sa kakayahan ko kamahalan. pagpapasalamat ni Ivar sa Reyna.

umaasa akong hindi mo ako bibiguin. sabi ng reyna at nagpasya na itong lisanin ang hardin at pumasok na sa loob ng palasyo kasama ang nagiisa niyang anak na si Felix. habang naiwan si Ivar na nakaluhod parin at nag iisip tungkol sa pagbukas ng lagusan sa ika 12 ng hating gabi.

hanggang kelan mo balak lumuhod d'yan? tinig ng babae na nasa kanyang harapan. tumingala si Ivar upang makita ang mukha ng babae at hindi siya nagkamali kung sino ito.

tumayo siya mula sa pagkakaluhod at hinarap si Eveth na naghihintay sa kanya upang pumasok sa loob ng lihim na hardin ng Reyna. Sinulyapan niyang muli ang loob niyon na puno ng mga nilalang na tila wala sa sariling nakatitig din sa kanila.

kauri din ba natin sila? hindi maiwasang naitanong ni Ivar kay Eveth habang ang mga mata niya ay nakapako sa loob ng lihim na hardin.

Hindi. mga eksperimento sila ni prinsipe Felix. sagot ni Eveth sa katanungan niya.

Eksperimento? manghang tanong muli niya. ngunit imbis na sumagot si Eveth sa kanya ay nagsimula itong humakbang papasok sa loob ng lihim na hardin ng Reyna kung saan naghihintay sa kanila ang hindi mabilang na nilalang na sinasabing ekspiremento ni prinsipe felix upang gamitin sa nalalapit na digmaan sa pagitan nila at ng mga itim na lobo.

dahil wala siyang nakuhang sagot mula sa kanyang tanong, sumunod nalang si Ivar papasok sa loob ng hardin kung saan naghihintay na din sa kanya si Eveth upang sarahan ang pintuan na naguugnay sa palasyo at sa hardin na iyon.

sa pag pasok ni Ivar sa loob, pagaalala ang tanging nasa kalooban niya at mga tanong na kahit siya ay hindi niya masasagot kahit kailan man.umaasa na lamang siya na sa paglabas niya ng hardin na iyon, ay hindi pa nagbubukas ang lagusan upang marating niya ang mundo ng mga tao kung saan narororon ang babaeng inaasaam niyang makita at makasama pabalik ng mundo nila.

kasabay ng unti-unting pagsara ng pinto na nababalutan ng makakapal na bagin, isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Ivar .dalangin niyang sanay matapos niya ng mabilis ang misyong ibinigay sa kanya, bago pa mahuli ang lahat at pagsisishan niya sa huli ang hindi pagdadala sa Relo na siyang susi sa mundo ng mga tao.

Painful Destiny (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon