Part 4 (A man in Black)

119 3 0
                                    

Zeth's POV

Mama! Masayang sigaw niya habang ikinakaway ang munti niyang kamay sa kanyang ina na nakamasid sa di kalayuan habang siya ay nag-tatampisaw sa tabi ng dagat. itinaas ng kanyang ina ang kanang kamay nito at bahagyang kumaway din sa kanya na may napakatamis na ngiti sa mga labi.

Tumakbo ako patungo sa kinauupuan ng aking ina sa ilalim ng puno ng niyog, kitang-kita ko ang mahaba niyang buhok na nagsasayaw sa hangin, ang kulay rosas niyang mga labi na kay tamis ng ngiti sa akin, ang mukha niya na tila ba isang anghel sa langit at ang mga mata niyang mapupungay na tila ba may kalungkutang nagkukubli.

Hinawakan ko ang kanyang mga palad at hinila ko siya sa may tabing dagat. Narinig ko pa ng siya ay bahagyang tumawa at nagtanong sa akin kung saan kami pupunta.

Mag-sayaw po tayo mama. Anyaya ko sa kanya

Mag sasayaw tayo ngunit wala namang musika. Natatawa niyang saad sa akin habang kami ay nakatayo sa tabing dagat.

Umawit ka mama at isasayaw kita. Sabi ko sa kanya at sinimulan ko na siyang isayaw habang hawak ko ang kanyang mga kamay. Narinig kong nagsimulang umawit ang aking ina na nakatitig sa aking mga mata, napakalambing ng kanyang boses at kay lamig pakinggan. Sumayaw kami ng dahan-dahan hanggang sa may pumatak na tubig sa aking mukha. 

Bakit ka umiiyak mama? Tanong ko ngunit walang sagot akong nakuha mula sa kanya. Tanging mahihigpit na yakap lang ang aking natanggap mula sa aking tanong.

Sa kanyang pagkakayap ay unti unti itong kumalas at tumitig sa akin ang kanyang malulungkot na mga mata.

Patawad anak, sa tamang panahon babalik ako at sasabihin ko sayo ang lahat. Pag-kasabiy dahan-dahan siyang tumayo at lumakad palayo.

Saan ka pupunta mama? Tanong ko ngunit hindi niya ako nilingon man lang. Humakbang ako unti-unti hanggang sa naging pagtakbo. kahit anong bilis ng pagtakbo ang gawin ko, hindi ko maabutan si mama, 

Mama! Mama! Sigaw ko habang tumatakbo ako't umiiyak. Pakiramdam ko pagod na pagod ang katawan ko ngunit patuloy ako sa pagtakbo kahit na kasingliit na ng bituin sa langit ang tanaw ko kay mama ,hanggang sa madapa ako sa isang bato. 

Naupo ako at nagpalinga linga sa paligid, tanging ang malawak na dagat ang aking nakikita. Nang ako ay humarap sa aking likuran, isang lalaking nakasuot ng hood na itim ang aking nakita. Tanging ang mga nakangising labi nito ang nasisilayan ng liwanag. 

Sumama ka sa akin. Anyaya nito at iniabot ang kamay sa akin.

Mama!!!!!! Sigaw ko sa takot habang ako ay nakapikit.

*********

Hoy Zeth! Gising! Sabay sampal ni Dan sa akin.

Aray!!!!!! Grabe ka namang sumampal, daig mo pa ang may galit sa mukha ko. Pagmamaktol ko dito ng magising ako ,habang hawak ang kanang pisnge kong sinampal ni Dan.

Binabangungot ka na naman pare? Tanong ni Mack na aking kaibigan at kaklase.

Hindi, wala yun. Pagtangi ko bago ako tumayo at batukan si Dan sa pagsampal sakin. binagtas ko ang banyo upang maligo para pumasok.

Ikaw na nga tong ginising, galit ka pa. Kunway nagtatampong sabi ni Dan habang himas-himas ang batok na aking binatukan.

Sabi sayo buhusan nalang natin ng kumukulong tubig e, tigas kasi ng ulo mo. Sabay tawa ni Mack ng malakas. 

Sige next time gawin mo. Narinig kong pagsangayon ni Dan kay mack at sabay silang nag-tawanan muli. Narinig ko pang nagtatalo sila kung sino ang bubuhos sa akin ng kumukulong tubig.

Mga baliw! Sigaw ko sa loob ng banyo sa dalawa at nag-tawanan silang muli ng malakas.

Habang naglalandas ang tubig mula sa shower sa aking katawan, muli kong binalikan ang mga nagdaan kong panaginip. 

Tuwi-tuwi nalang, ang lalaking nakaitim ay nanduon sa aking panaginip. Hindi niya maiwasang mag-isip kung sino ito at kung ano ang kaugnayan nito sakanya. 

Sampung taon na ang nakalilipas ng bigla nalang mawala ang kanyang ina matapos siyang maaksidente ng trak, buhat noon ay nag-bago na rin ang kanyang ama sa pikikitungo sa kanya. Isang malalim na buntong hininga nalang ang kanyang pinakawalan at nag patuloy na siyang maligo. 

Matapos maligo, nag-tapis siya ng tuwalya sa ibabang parte ng kayang katawan at humarap sa salamin. Mula sa salamin, pumihit siya pakanan upang makita ang kanyang likuran. Isang itim na marka ang naroroon na kahugis ng kalahating buwan. Isang taon na ang nakalilipas ng bigla na lamang itong lumitaw sa kanyang likuran sa may kanang bahagi ng kanyang balikat. Noong una ay napakasakit nito habang unti-unting lumilinaw ang kulay, kalaunay nawala ang sakit at pumalit ang di niya maipaliwanag na pangyayari sa kanyang buhay. Ang magpagalaw ng mga bagay sa paligid niya. hindi siya naniniwala sa magic,pero hindi niya maipaliwanag kung paano niya nagagawa ito. Nasa ganoon siyang ayos ng biglang bumukas ang pintuan at sumilip si Dan sa ginawang siwang nito sa pinto.

Oh pare, nagpopose ka pa diyan, malelate na tayo. Bilisan mo! Tatawa-tawa nitong sabi at isinara ang pinto.

Hindi ka ba marunong kumatok? Inis kong tanong kay Dan habang pinupunasan ko ang aking buhok ng tuwalya.

Hindi uso sakin e. Sabay tawa ng nakakaloko ulit ni Dan.

Naku, sa susunod maglock ka ng pinto Zeth, type ka ata nitong si Dan e. pabirong sabi ni Mack sa akin.

Hahaha! Type ko kayong dalawa. Ganting biro ni Dan na binato naman ni mack ng sapatos habang tumatawa.

Tayo na, late na naman tayo nito. Anyaya ko sa dalawa kong kaibigan matapos akong magbihis. 

Habang papalabas kami ng apartment namin naramdaman ko ang isang pares ng mga mata na nakatitig sa akin ,agad akong huminto at nilingon ang dereksyon kung saan sa tingin ko ay nakatayo ang nagmamatyag sa akin, ngunit wala akong nakita.

Zeth bakit? Tanong ni Dan ng mapansing huminto ako sa paglalakad,

Wala, may nakita lang akong dagang malaki. Pagsisinungaling ko habang nakikiramdam ako sa paligid.

Painful Destiny (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon