Part 2 (Zeth)

162 2 0
                                    

Galit na isinara ng Reyna ang pintuan ng kanilang silid at lumapit sa Hari na nakaupo sa malaki nilang kama katabi ang sanggol. Ngayon, sabihin mo kung bakit may dala kang isang mortal? Galit na turan ng Reyna habang nakatitig ang nagliliyab na mga mata nito sa Hari. 

Huminahon ka aking Reyna at ikukuwento ko sayo ang lahat. Sabi ng hari at sinenyasan niya ang reyna na maupo sa kanyang tabi. 

****************

Zeth! Sigaw ni don Fernan sa kanyang anak ng makitang nabasag nito ang pinaka-iingatan niyang antique na banga. 

Patawad po.. Umiiyak na paghingi ng paumanhin ni Zeth sa ama.

Wala ka na talagang ginawang mabuti sa bahay na ito, alam mo ba kung magkano ang halaga niyan ha?! Galit na turan ni don Fernan kay Zeth habang hawak nito sa kanang braso ang bata ng napakahigpit habang umiiyak at at takot na takot.

Magtatanda ka sa gagawin ko sayong bata ka! Pagkasabi'y dali-daling kinaladkad ang anak sa Basement ng bahay at ikinulong dito.

Hindi ka lalabas diyan hanggat hindi ko sinasabi, naiintindihan mo?! Sigaw ng don sa likod ng pintuan ng basement at mabilis na nilisan ito.

Papa! Umiiyak na sigaw ni Zeth sa loob ng basement habang malakas na kinakalampag ang pintuan. Nang mapagod sa kakasigaw naupo siya at sumandal sa pintuan. Madilim ang loob ng basement at tanging ang nagiisang maliit na bintana ang nagbibigay kay Zeth ng liwanag mula sa labas. Iginala niya ang kanyang mga mata at nakita niya ang larawan ng kanyang ina na nasisinagan ng araw. Nilapitan ito ni Zeth at pinunasan ang alikabok.

M-mama.. Umiiiyak na sambit ni Zeth sa litrato ng ina habang yakap yakap niya ito. Sa murang isip ni Zeth nagtatanong siya kung bakit ganoon nalang ang galit ng kanyang ama sa kanya gayong sila nalang dalawa ang natitirang mag-kasama sa buhay.

Lumipas ang mag-hapon at mag-gagabi na, wala paring nagbubukas ng pinto para kay Zeth upang makalabas na siya sa basement na iyon. Kumakalam ang sikmura ni Zeth sa gutom ngunit walang naglakas ng loob upang siya ay dalhan ng makakain. Muli niyang kinatok ang pintuan at tinawag ang kanyang ama. Nag-makaawa siya at nangakong hindi na mauulit , ngunit wala siyang nakuhang sagot mula dito. Sa gutom ni Zeth ay nahiga na lamang siya sa marumi at puno ng alikabok na sahig habang yakap ang litrato ng kanyang ina na may luha sa kanyang mga mata. ..

Mama! Masayang tawag ni Zeth sa ina habang ito ay tumatakbo papalapit dito. 

nakahuli po ako ng paru-paro mama. Iniabot niya ang kanyang mga nakasarang palad at unti unti niya itong binukasan sa harap ng kanyang ina at tumambad dito ang isang puting paru-paru na waring wala ng buhay.

Ay, bakit namatay siya? Malungkot na tanong ni Zeth sa ina.

Kinuha ng Ina ni Zeth ang wala ng buhay na Paru-paru sa anak at muli niya itong tinakpan ng kanyang mga palad habang nakamasid naman ang batang si Zeth sa kanya. Sa pagbukas muli ng mga palad ng kanyang ina, isang nagniningning na puting paru-paru ang lumipad sa hangin papalayo sa kanila.

Nanlaki ang mga bilugang itim na mata ni Zeth sa pag-kamangha at tuwa ng makita niyang muling nabuhay ang paru-paru sa mga palad ng kanyang ina. 

Mama, papaano mo po nagawa iyon? Namamanghang tananong ni Zeth sa ina,na may napakalaking ngiti sa kanyang mga labi

Magagawa mo rin iyon Zeth sa pag-dating ng tamang panahon. Nakangiting wika ng kanyag ina habang hinahaplos nito ang buhok niya. Naguguluhan man sa sinabi,hindi na nagtanong si Zeth sa ina at niyakap niya na lang ito. Sa di kalayuan isang nakaitim na lalaki ang nakatayo sa may puno at hawak nito ang kanyang bola. Binitiwan ito nito at gumulong sa gitna ng kalsada. Agad na kumalas sa pagkakayakap sa ina si Zeth at tumakbo patungo sa bola na nasa gitna ng kalsada.

Zeth! Isang malakas na sigaw ng kayang ina ng makita ang isang rumaragasang trak papalapit sa anak. Sa bilis ng pangyayari hindi na nagawang makaiwas ni Zeth at nasagasaan siya ng trak. Tumilapon si Zeth sa lakas ng bangga sa kanya, hindi niya maikilos ang kanyang katawan sa sakit na kanyang nararamdaman. Mabigat na ang kanyang mga mata at naiis na niyang ipikit ang mga ito, nanlalabo na ang kanyang paningin ngunit nakita parin niya ang kanyang ina na tumatakbo patungo sa kanya. Naririnig pa niyang tinatawag nito ang kanyang pangalan hanggang sa nawalan siya ng ulirat.

Zeth! Zeth! Zeth! Malakas na sigaw ni Don Fernan sa anak na mahimbing na natutulog sa sahig. Agad siyang bumangon na may takot na nadama ng makita ang ama.

Siguro naman e nagtanda ka na.. Panimula ng don sa anak. Tanging tango lang ang itinugon ni Zeth sa ama habang nakayuko ito.

Maligo ka na! Utos ng don at itinulak pa niya ang anak sa may pinto palabas.

Habang naliligo si Zeth, muli niyang naisip ang kanyang panaginip. 

Bakit buhay pa ako kung ako naman ang nasagasaan at hindi si mama? Ito ang malaking tanong niya sa sarili na hindi niya masagot, dahil alam niyang ang panaginip niya ay hindi kathang isip lamang at tanging ang ama lamang niya ang makasasagot sa kanyang mga katanungan.

Painful Destiny (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon