Part 20

40 0 0
                                    

Sa hinaba haba ng nilakbay ni Volien sa loob ng lagusang naguugnay sa mundo ng mga tao, sawakas ay narating din niya ang dulo nito. Ngunit ano nga ba ang sasalubong sa kanya pag labas niya ng lagusang iyon.

~~~~~~~~~~~~~~~~

Sa tagal ng binagtas ko sa lagusang gawa ni Alex, dama ko sa aking sarili ang pananabik at pangamba ng makita ko mula sa aking harapan ang liwanag na tila naghihintay sa aking pagdating.

Huminga ako ng malalim bago ko tuluyang itapak palabas ng lagusan ang aking mga paa. Ngunit sa di inaasahang pangyayari, may dala ang hangin na nagpabuhay ng aking pananabik sa dugo ng aking maayoy. Kasabay noon ang aroma na  pamilyar sa akin, ngunit nagbigay  babala para sa'kin.

Mahigpit kong hinawakan ang kuwintas na bigay  ng aking amang hari. Sinusubukan kong kumuha ng tatag ng loob upang kayanin ang mga pag-subok na aking susoungin. Muli akong humugot ng malalim na hininga bago ko, dahan-dahang nilabas ang aking mga paa.

Sa aking pag labas ng lagusan, hindi nagkamali ang aking pang-amoy. Nakita ko sa aking pag-labas ang duguang lalaki na nakahandusay sa sahig, halos wala ng malay. Naningkit ang aking mga mata ng makumpirma ko kung kanino ang aroma na aking nasasamyo kanina pa. nagtataka man ako kung bakit naririto ang isa sa mga pinuno ng mga dragon , minabuti kong huwag ng magtanong, dahilang wala akong kinalaman  sa kung ano mang ginagawa nila dito sa mundo ng mga tao.

Habang minamasdan ko ang paligid na puno ng mga nagkakagulong mga tao, mga nakapalibot na armadong lalaki at ilang mga nilalang na natatabunan ang mga mukha, narinig kong nag salita ang kanina pang nakaupo sa di kalayuan, ang isa sa pinuno ng mga dragon na kung hindi ako nagkakamali ay oragon ang pangalan. Nakilala ko ito ng makasagupa namin nina alex at Ivar ang isa sa mga pinagkakatiwalaang alagad nito ilang taon na din ang nakararaan. Nang mga panahong iyon, malapit na naming matalo ang kanyang alagad ng biglang sumulpot sa kung saan si Oragon at siya mismo ang pumugot ng ulo ng kanyang walang kalaban laban na alagad. Isang walang pusong nilalang na ang tanging nais lang niya ang mahalaga. Pumapatay ng kauri kung sa tingin nito ay wala ng pakinabang sa kanya.

Nag-kita muli tayo prinsesa ng mga bampira. Nakangising bati ni Oragon sa akin. Hindi ako sumagot, bagkus ay pinakatitigan ko lamang siyang mabuti. Hinanda ko rin ang aking sarili sa anumang magyayari dahil wala akong alam sa kakayanan nito.

Nakakatuwa kung akoy iyong titigan, tila may pagnanasa sa iyong mga mata.  Saad nitong tumatawa ng marahan, habang hinahagod ng kanang kamay ang buhok niyang ubod ng kintab at alaga sa suklay.

Kasuka-suka man ang lumabas sa kanyang mga labi, tanging ngiting aso lang ang aking sagot sa kanya.  Maaring may pagnanasa ako sa kanya, ngunit pagnanasa yon na pugutin ang ulo niya.

Habang nagtititigan ang aming mga mata, isang ubod lakas na tinig ang pumukaw sa pagitan namin.

Kayong lahat! Lumuhod kayo at yumuko, tanda ng maayos na pag suko! Sigaw ng hepe ng mga pulis sa hawak na megaphone upang madinig ng mabuti ang kanyang sinasabi.

Hindi pa ako nasisiraan upang lumuhod para sa mga hunghang na mortal, gaya mo. Tumatawang sabi ni Oragon sa sinabi ng pulis sa kanila.

Isang putok ng baril ang umalingaw-ngaw at mabilisna tumama sa sintido ni Oragon. Saglit na katahimikan ang namayani matapos niyon, ngunit  nagtakbuhan ang mga tao ng makitang kinuha ni Oragon ang bala na dumikit sa balat ng sintido niya at dinurog iyon na parang pulbos.

Pinagiinit niyo ang ulo ko.. Nagngingitngit na sabi ni Oragon habang pinipis-pis ang natirang pulbos ng bala sa kanyang mga daliri.

Nakaramdam ng kakaiba si Volien sa aura ni Oragon kaya inalarma niya ang mga tao sa magyayari.

Tumakbo na kayo! Sigaw ni Volien, ngunit huli na ang lahat ng ikumpas ni Oragon ang kanyang kamay kasabay non ang malakas na hangin na tila may mga talim na tumama sa mga tao at lahat ng bagay na nandoon.

Sa isang iglap, napuno ng kadiliman ang lugar at katahimikan. Ang malamig na simoy ng hangin ay napuno ng amoy ng dugo kaya nawala ng ilang saglit  sa kanyang sarili si Volien dahil parang natuyo ang kanyang lalamunan sa amoy na kanyang nasasamyo.

Magkikita muli tayo aking prinsesa. Malambing na sabi ni Oragon habang halos nakadikit na sa mukha ni Volien ang kanyang mukha. Bago pa man makahuma si Volien, mabilis ng naglaho sa paningin niya si Oragon na may ngiting napaka laki.

Habang nananatiling nakatayo si Volien sa gitna ng kadilimang puno ng dugo at bangkay sa paligid, isa lang ang tumatakbo sa kanyang isipan. Ano ang pakay ng mga dragon sa mundo ng mga tao. Habang nasa ganoon siyang kalagayan, hindi niya maalis sa sariling maiinis dahil hindi niya namalayang nakalapit na sa kanya si Oragon ng ganoong kalapit. Kaylangan niyang kontrolin ang sarili kapag nakakaamoy ng sariwang dugo ng tao, kundi ito ang ikapapahamak niya.

Handa na sana niyang lisanin ang lugar ng may dalawang lalaking lumabas mula sa loob ng malaking gusali at  nagmamadaling tumakbo palapit sa kinaroroonan niya.  Mabilis niyang pinahaba ang kanyang mga kuko kung sakaling sugudin man siya ng mga ito sa kung ano mang dahilan.

Zeth! Sigaw ng isang nagmamadumaling lalaki na mas matangkad sa isang kasama nito.  Halos madapa ito sa pagtakbo upang lagpasan ako at damayan ang lalaking una ko ng nakitang duguan.

Pare gising! Si Dan to! Sigaw nito sa tila wala ng buhay na lalaki habang ang isa naman ay kalmadong pinupulsuhan ito .

Dalhin natin siya sa hospital, buhay pa siya! Nagmamadali nilang binuhat ang lalaking sa pagkakarinig ko ay Zeth ang panaglan kahit nahihirapan sila.

Sa bagal ng kanilang pagtakbo buhat ang duguang lalaki, satingin ko ay hindi na ito aabot ng buhay sa kanilang patutunguhan. Wala ako sa sariling nilapitan sila at inagaw ang buhat nilang lalaki't sinampay sa  balikat ko. Mata sa mata kong tinitigan ang dalawa na halata  ang pagkagulat at takot sa kanilang mga mata.

ITUTULOY.

Painful Destiny (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon