CHAPTER 51: DATE

7 2 0
                                    

Hex's POV

"ready na ba lahat para bukas?" tanong ko kena blade, kuya, at gavin

"Oo ok na" sabi ni kuya

"nanghihinala na ba sila?" tanong ko kay gavin at umiling naman ito

"hindi" sagot ni blade at nilapag ang laptop nito sa lamesa at pinakita sa'min ang cctv footage kung saan makikita sina blood, pure, earth at luna sa sofa ng dorm namin tahimik na nanonood ng movie at sa itusra na makikita sa mukha ni blood ay mukhang romance ang pinapanood nila

Isang linggo ang nakalipas matapos ang shinhwa gala ay hinayaan na kami gawin ang gusto namin habang hinihintay ang graduation

"walang istorbohan ha" sabi ni kuya at ngiting aso naman siyang tinignan ni gavin

"halika ka dito" sabi ni kuya at nagsimula na naman silang maghabulan dito sa loob ng library

Matapos din ang shinhwa Gala ay nagsimula na rin pagtatalo ni kuya at Gavin, ni walang araw ang lumilipas ng hindi sila nag-aaway o nagsasapakan

Plinano kasi namin na i-date sina blood bukas na-realize kasi namin na hindi pa nila na-eexperience ang isang normal na date dito sa loob ng shinhwa kaya naman napag-isipan namin gawin ito

Nang matapos na yung dalawa sa paghahabulan ay lumabas na kami sa library at umuwi na sa mga dorm namin

Pagpasok namin sa dorm ay nanonood pa din sina blood ng movie pero mukhang nagbago na dahil nakangiti na si blood habang yung tatlo ay mga nakatalokbong gamit ang kumot nila

"Hi..." bati ko kay blood at nilingon naman niya ako bago tiningala

"Hi..." bati niya pabalik at yumuko naman ako para mahalikan ang noo niya

"anong oras mo balak matulog?" tanong ko pero parang hindi na niya ako marinig dahil nakatuon na nang buo ang atensyon niya sa tv

"good night" sabi ni kuya sa'kin at nakita ko naman siya buhat-buhat ang tulog na bulto ni pure

"night..." sabay na sabi namin blood sa kaniya at nang maka-alis na sila ay agad akong puwesto sa tabi ni blood

"you like this movie a lot" sabi ko habang tutok na rin sa panonood ng jigsaw

"I like the...cruelty" sagot nito at napansin ko naman ang pagtingin sa kaniya ni earth na halatang gulat sa sinabi nito

"tao pa siya, don't worry she's just built different" pag assure ko kay earth at tumango-tango naman siya bago muling binalik ang tingin sa pinapanood

Nang makalahati na ang movie ay nagsiakyatan na sina blade, earth, luna, at gavin sa mga kuwarto nila pero kami ni blood ay enjoy pa din sa panood

tahimik kong pinagmamasdan ang palabas habang marahang hinahagod ang buhok ni blood

"blood..." ani ko at tinignan ko naman siya

"Cute..." sabi ko ng makita ang tulog niyang mukha. inabot ko naman ang remote para patayin na ang tv bago maingat na binuhat si blood paakyat sa kuwarto niya

Nang marating namin ang kuwarto niya ay agad ko siyang binaba sa kama at sinara na muna ang bintana at pintuan sa balkonahe bago siya tabihan sa pagtulog

"Āmi tōmāẏa bhālōbāsi..." sabi ko sa kaniya sa lengwahe na bengali

(Āmi tōmāẏa bhālōbāsi means I love you in bengali)

"Āmi'ō tōmākē bhālabāsi..." bulong niya at nakita ko naman ang unti-unting pagbukas ng mata niya

(Āmi'ō tōmākē bhālabāsi means I love you too in bengali)

"marunong ka din?" tanong ko

"Of course, di puwedeng ikaw lang ang may bagong alam na language" sagot niya at pinaglapat ko naman ang mga labi namin

"Śubha rātri āmāra bhālōbāsā" sabi ko bago halikan ang noo niya at yakapin siya

(Śubha rātri āmāra bhālōbāsā means good night my love)

Kinabukasan ay maaga naman kaming mga lalaki nagising para magluto ng breakfast sa mga babae at ang plano na yun ay muntikan pang masira dahil sa maagang nagising si blood at pure

"matulog ka pa" utos ko kay blood na kanina ko pa sinusubukang at pinipigilan na lumabas ng kuwarto niya

"at sino ka para utusan ako?" tanong niya at muling bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig pagkairita niya sa boses niya

"palabasin mo na ako" sabi niya at tumayo agad ko naman siyang nilapitan at hinawakan ang magkabila niyang pulsuhan at inihiga siya sa kama

"hoy! anong ginagawa mo!?" sigaw niya pero hinayaan ko lang siyang pagsipa-sipain ako

Makalipas ang ilang minuto sa ganoong posisyon ay may kumatok na sa kuwarto niya kaya naman binitawan ko na siya at tumayo na bago siya tinulungang tumayo

"kain na tayo" sabi ko at sinikmurahan naman niya ako

Nang makababa naman kami ay magulo ang buhok ni blade na animo'y sinabutan siya at gustong tanggalin ang buhok mula sa anit niya, si gavin naman ay may pasa sa may balikat, at si kuya naman ay may bite mark sa likod na palad

"ba't mukhang ayos ka lang?" tanong nung tatlo sa'kin

"dinaganan ko lang siya, kayo ba?" sagot at tanong ko

"ayoko nang pag-usapan" sabi ni blade at pinagtulak na lang nung dalawa si pure at luna ng upuan. ganun na rin ang ginawa ko

"ano bang meron?" tanong ni pure habang nakatingin sa'ming apat

"secret" sagot ni kuya at sinamaan naman siya ng tingin ni pure

"later, malalaman niyo" sabi nito

Nang maghapon na ay nilagay na namin ang damit na susuotin nilang apat para dun sa date na hinanda namin

"anong meron?" tanong ni blood ng makapasok sa loob ng bahay suot ang damit na sinabi kong suotin at nakatali din ang buhok nito

"ito ba yung dahilan kung bakit kayo almost kayo nawawala?" tanong ni luna

"at kung bakit ayaw niyo kaming papuntahin kami dito nung nakaraang araw?" sunod na tanong ni earth at tumango na lang kaming apat na under

Agad naman namin silang sinundo sa puwesto nila at hinatid sila sa mga puwesto namin kung saan nakahanda na ang dinner na kakainin namin

Napangiti naman ako ng makitang nakangiti si blood at nang magkuwentuhan kami ay panay ang tawa at ngiti nito

"hindi ko ineexpect na gagawin niyo to" sabi niya habang iniinuman ang wine niya

"Hmmm kami rin, naisip lang talaga namin na you haven't experience this kind of things" sabi ko at napangiti naman ako

"masaya pala yung mag date" sabi niya at napangiti naman ako

I'm glad na na-enjoy niya

"expect more pag nakalabas na tayo" sabi ko at lumapit naman kami sa isa't-isa para maglapat ang mga labi namin


SHINHWA ELITE SCHOOL: BLOODY BEGINNINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon