HEX'S POV
Takbo lang kami ng takbo ni Raphael sa mga hallway at para bang mas lalong humaba ang bawat hallway na tinatahak namin "ano ba to!? Kanina pa tayo tumatakbo alam mo ba kung saan sila hahanapin?!" pabulyaw na tanong ni Raphael sa'kin
Pero imbis na sagutin ko siya ay hindi na lang ako umimik at tumakbo na lang
"Hex!" bulyaw niya "Oo!" bulyaw ko at huminto sa pagtakbo at tumigil din naman siya
Hinabol na muna namin ang hininga namin bago muling tumakbo at hanapin si Pure at Blood
Nang makarating kami sa may 4th floor ng school ay agad kong binuksan yung maliit na pinto at agad na pumasok dun
Pagpasok namin ay agad kaming sinalubong ng malansang amoy...Amoy dugo
"Blood!" sigaw ko at nakita si Blood na nakahiga sa isang lamesa dun sa kuwarto na yun
"Pure" sigaw ni Raphael ng makita si Pure na agad naman niyang pinuntahan. Agad ko namang tinanggal lahat ng strap na pumupigil kay Blood na makatayo
"Kumuha sila ng ibang dugo ni Hell" Sabi ni Pure "bakit?" tanong ko
"Hindi ko alam" sagot niya at agad ko namang binuhat si Blood at Oo may nakita pa akong naiwan na syringe sa likod ng braso niya kaya agad kong binunot yun at tinakbo na siya sa clinic
"Ako nang bahala dito" Sabi ng nurse ng maihiga ko na si Blood sa kama
"Hex-"
"Dearest Victims and Killers Leaders, hindi na kayo puwedeng mag-usap, the challenge is over" Sabi nung babae sa speaker
"What challenge?" tanong ni Raphael
"It's...a secret" Sabi niya at agad naman akong tumayo at sinapak yung speaker dito sa may clinic na naging dahilan ng pagkasira nito
Napatingin naman ako sa kanilang dalawa pero agad din naman silang umalis
Mga walang utang na loob
Hindi puwede to, Hindi puwede to. Nawala na si Yesuh, hindi ko kakayanin na mawala din sa'kin si Blood
"Hex" tawag sa'kin nung nurse at napatayo naman ako ng tuwid
"Kailangan ni Hell ng dugo" Sabi niya at tumango naman ako at sinundan na siya para salinan si Blood ng dugo gamit syempre ang dugo ko
"I'll be right back" Sabi ko at hinalikan ang leeg ni Blood
Maya-maya pa ay pinanood ko na pumasok ang dugo ko sa katawan ni Blood
"She looks more fragile now" Sabi ni Luna na agad na pumunta dito ng I-text ko kanina
Oo nga mas fragile na siyang tignan ngayon yung dati niyang maputi na balat, naging maputla
Gaano ba kadami ang kinuha nilang dugo kay Blood?
"Nag-aalala ka nuh?" tanong ni Luna at tumango naman ako
"Everybody is, nung sinabi ni Blade sa buong grupo na naaksidente si Hell...Marami ng nag-alala na miyembro ng Killers" Sabi niya
"Hell...May look strong, but she is fragile...very fragile" Sabi niya at naintindihan ko naman siya
Nung makilala ko si Blood, I feel like I have to protect this human being
"She may be a devil, but for me she is an angel" Sabi ko
"Visiting hour is over" Sabi ng nurse at lumabas na kami ni Luna
"How's Hell?" bungad na tanong sa'kin ni Marc at Natchie, Isa din sa mga miyembro namin ni Blood
"She's fine, pero hindi pa rin siya nagigising" Sabi ko "ako na bahala mag paalam kung anong kalagayan ni Hell" Sabi ni Marc bago sila umalis ni Natchie
"Magpahinga na tayo Hex" Sabi ni Luna kaya dumiretso na kami sa dorm namin
Kinabukasan ay agad naman na akong bumangon, naligo, at kumain pagkatapos ay dumiretso na sa clinic para tignan ang kalagayan ni Blood
"Good morning" bati ko sa nurse at dumiretso na kay Blood
"Morning" bati niya sa'kin habang nakangiti
Agad ko siyang niyakap dahil sa tuwa "I'm so happy na gising ka na" Sabi ko
"Akala ko ba, okay lang sayo na mawala ako, pero bakit ka nag donate ng dugo" sabi niya
"Huh? Wala akong alam sa sinasabi mo" patay malisya na sabi ko
Nakaramdam naman ako na parang may tumutusok sa tagiliran ko kaya kinuha ko kung ano man yun sa bulsa ng jacket ko and to my surprise ito yung syringe na naiwan sa braso ni Blood kagabi
"Hex, umalis ka na may pasok ka pa" Sabi ng nurse at tumango naman ako at nagpaalam na kay Blood
HELL'S POV
Nagising naman ako bigla ng makaramdam ang katawan ko na hinihiwalay kay Hex at nang maidilat ko na ang mga mata ko ay may nakita akong anim na lalaki na nakamaskara at ang dalawa sa kanila ay hinahawakan ang isang tulog na Raphael at Hex
"Bitawan mo ko!" bulyaw namin ni Pure na ikinagising ni Hex
Kinaladkad lang kami ng mga lalaki hanggang sa makarating kami sa 4th floor ng school, sinusubukan ko naman magpumiglas habang iniistrap nila ako sa table
"Bitawan niyo ko!" bulyaw ko sa mga lalaking nakamaskara
Hinaplos-haplos naman nang lalaki yung buhok ko at tsaka nag labas ng syringe na may laman na kulay puti na kung ano na liquid
"Pakawalan niyo ko" pagmamakaawa ko at hindi ko na napigilang umiyak
"Shhhh, Wag kang umiyak Hahahaha nasaan na ang tapang mo Ms. Avery? Hahahaha Don't worry this won't hurt...Maybe just a little bit" Sabi niya at tinusok sa'kin yung syringe
Maya-maya pa ay bigla nang bumigat ang mga mata ko
"Kunan niyo na nang dugo" utos niya dun sa kasamahan niya
Agad namang sumara yung mga mata ko at tuluyan ng ngang nakatulog dahil dun sa liquid
Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko at hinintay ko na muna hanggang makapag-adjust ako dun sa ilaw sa loob ng kwarto bago umupo
"Hell" Sabi nang nurse dito... Nurse?
"Ahhh, wala ka sigurong naaalala, sinugod ka dito ni Hex" Sabi niya at tumango naman ako "siya rin ang nag donate ng dugo, dahil medyo nawalan ka ng dugo kagabi" Sabi niya
"Sige maiwan na muna kita, kukunin ko lang yung pagkain mo" Sabi niya at iniwan na nga ako
"Good morning" may narinig naman akong bumati sa nurse kaya agad kong sinilip kung sino yun at nakita siya
"Morning" bati ko sa kanya habang nakangiti at agad naman niya akong niyakap
"I'm so happy na gising ka na" Sabi niya
"Akala ko ba okay lang sayo na mawala ako, pero bakit ka nag donate ng dugo" sabi ko while smirking cause I know I'm right sa sinabi ko sa kaniya kahapon
"Huh? Wala akong alam sa sinasabi mo" patay malisya na sabi niya
Hindi mo ako maloloko Lee
Bigla namang may kinuha siya na kung ano man yun sa bulsa ng jacket niya at nakita ko naman na syringe ito...Teka yan yung ginamit para patulugin ako ah
"Hex, umalis ka na may pasok ka pa" Sabi ng nurse at tumango naman si Hex at nagpaalam na sa'kin
Bakit kailangan nilang kumuha ng dugo ko?
Sino ba yung mga lalaki na yun?
At saan naman nila gagamitin yung dugo ko?
BINABASA MO ANG
SHINHWA ELITE SCHOOL: BLOODY BEGINNINGS
Misterio / Suspenso[complete but under editing] A school where killing is a way to survive and to know information, where mercy is a mere false hope. if you're brave enough and know how to keep a secret, then you're welcome to Shinhwa Elite School, where The best way...