CHAPTER 31: MOON AND STAR

25 7 0
                                    

HELL'S POV

Nang magsimula kaming magluto ay bigla na lang siyang nagkuwento tungkol kay Raphael at sa di maipaliwanag na dahilan ay nagkuwento na rin ako tungkol kay Hex. Sinabi ko na rin sa kaniya na kambal ang dalawa na ikinagulat niya. Naikuwento ko din ang pagpapanggap ni Hex bilang Raphael at siya ang naparusahan sa nagawang kasalanan nito.

Napangiti na lang ako ng mapansing hindi man lang ako nag-alinlangan na ipakita sa kaniya ang pagtawa at pagngiti ko...It's like hindi na bago sa'kin, para siyang ate ko

"Blood!"

"Pure!" sabay na sigaw nung kambal at natawa naman si Pure habang ako nawala ang ngiti sa labi ko ng makita si Hex. Napansin ko naman ang pagtigil ni Pure sa pagtawa ng mapatingin siya sa'kin

"Anong ginagawa niyo?" tanong ni Raphael habang nakangiti sa'min

Tinungo ko naman ang oven at napansin na 20 minutes na lang ay luto na ito "Nagluto kami. Tapos ngayon naman napag-isipan naming mag bake ng cupcake para sa dessert" masayang sagot ni Pure

Napatingin naman ako sa kaniya dahil duon. The way she talk, the way she laugh, the way she care, and the way she act in front of me...para talaga siyang si Ate

"Hintayin mo na lang matapos. 20 minutes na lang naman yan" walang emosyong sabi ko kay Pure bago lumabas ng kusina

"Hell! Saan ka pupunta?" tanong niya at narinig ko naman ang pag-usog ng upuan kaya nilingon siya

"Sa teresa lang ako, magpapahangin" Sabi ko bago tumalikod muli at tuluyan ng umalis

Nang nasa kalagitnaan na ako ng bahay ay kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng shorts ko at binuksan ang mensahe ni Blade at ng iba ko pang kaibigan

From: Blade

Full moon, maganda din ang simoy ng hangin, welcome

From: Luna

Hey...Hellie baby, it's a full moon tonight, thought you may like and enjoy it, love yah

From: Cj

Full moon tonight. Enjoy your night, Hell

From: Gavin

The moon is full tonight, enjoy your night milady

From: Makoy

Hoy! Bayolenteng babae! Full moon ngayon, enjoy

From: unknown

Hey baby sis, it's full moon tonight. I'm also staring at it, sorry about earlier. Enjoy your night

Napangiti naman ako sa mga nabasa kong mensahe at agad na tumakbo papasok ng kuwarto ko at binuksan ang pintuan sa Teresa ko at lalong lumapad ang ngiti ko ng maramdaman ang malamig na hangin na tumatama sa mukha ko at ang bilugang buwan na nasa kalangitan at napapalibutan ng kumikinang-kinang na mga bituin

"We meet again, ate" Sabi ko at pinaglandas ang mga palad ko sa malamig na railings "It's nice to see you again, sorry kung noong huling beses tayo nagkita...ay nakita mo akong pumatay" Sabi ko habang titig na titig sa buwan

"Mas lalo ka atang gumaganda ngayon" Sabi ko at natawa sa inakto ko

"Para na naman akong baliw" Sabi ko sa sarili ko at pumasok sa loob ng kuwarto ko bago kinuha ang sigarilyo na nakatago sa kabinet ko at ang lighter na nandun

"Ngayon lang to" Sabi ko habang nakatingin sa buwan at nilagay na sa pagitan ng labi ko ang sigarilyo at sinindihan ito gamit ang lighter

"FYI, minsan lang ako manigarilyo" pag-imporma ko at binuga ang usok palabas sa bibig ko at nilagay ang sigarilyo sa pagitan ng hintuturo ko at hinlalaki

"Halos dati araw-araw, tinuruan ko ang sarili ko na tigilan o kaya iwas-iwasan...kasi baka pagnalaman mo iwan mo ako" Sabi ko at binuksan ang cellphone ko at muling binasa ang mensahe ni kuya

From: unknown

Hey baby sis, it's full moon tonight. I'm also staring at it, sorry about earlier. Enjoy your night

"You remember..." Sabi ko bago sinave ang number niya sa cellphone ko at muling tinignan ang buwan at muling ibinaling ang tingin sa cellphone ko

From: kuya death

Hey baby sis, it's full moon tonight. I'm also staring at it, sorry about earlier. Enjoy your night

"I miss you...miss mo na rin kaya ako?" tanong ko nang muling maibaling ang tingin sa buwan

"Yeah, of course I do" napalingon naman ako dahil sa boses na iyon at agad ding tinapon at inapakan ang sigarilyo

"Pure? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko pero imbis na sagutin ay tumakbo siya papalapit sa'kin at niyakap ako

"I miss you so much" Sabi niya at humikbi

Agad ko namang ibinalik ang yakap niya "O-okay ka lang ba? May ginawa ba sayo yung kambal?" tanong ko at humiwalay naman siya bago pinakita sa'kin ang kuwintas na suot nito at binuksan niya iyon

"Pure..." sambit ko ng makita ang larawan ko nung bata pa ako sa loob nun at pati na rin ang larawan niya

"I'm your step sister" Sabi niya at nanatili akong nakatitig sa mukha niya "Moon...it is me star. It's Ate" dagdag niya at hinawakan ang kamay ko na agad ko namang binawi pabalik

"Moon" Sabi niya at tumulo naman ang mga luha niya

"Blood" rinig kong boses ni Hex

"Pure" Sabi ni Raphael

Napatingin naman ako dun sa kambal at nang tumango si Hex ay duon na ako naiyak

"Moon..." ani nito at nang tignan ko siya ay agad kong nilabas ang combat knife ko at tinutok iyon sa leeg niya

"Blood!" sigaw ni Hex at lumapit naman sila sa'ming magkapatid

"You left me!" bulyaw ko sa kaniya "I...wouldn't experience this kind of hell, if you stayed by my side!" dagdag ko at nang sinubukan naman niyang hawakan muli ang kamay ko ay agad akong umatras sa kaniya...sa kanila

"If you didn't leave me, Sana alam ko kung paano magpatawad—SANA! Hindi kita hinintay para patayin..." sabi ko bago itago ang combat knife ko

"...kasi ngayon na nakatayo ka sa harapan ko, hindi ko kaya...hindi ko na kaya" Sabi ko bago tumalikod at tumalon mula sa teresa pababa

"Moon!" rinig kong sigaw niya pero nagbingi-bingihan lang ako at nagpatuloy sa pagtakbo

Nang nangangalahati na ako ay napahinto ako ng may huminto na sasakyan sa harapan ko at muntikan pa akong masagasaan

"Are you trying to fucking kill me!?" singhal ko sa driver at kasama nito sabay hikbi

"Baby sis..." Sabi ni kuya ng makalabas siya ng sasakyan

"Kuya..." Sabi ko at inisang hakbang lang ang pagitan namin at niyakap siya ng mahigpit

"It's okay, I'm here" Sabi niya at hinaplos ang likod at buhok ko "Kuya is here, Kuya will make everything okay" Sabi niya bago nagdilim ang paligid ko at tuluyan na nga akong nawalan ng malay

SHINHWA ELITE SCHOOL: BLOODY BEGINNINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon