Hex's POV
Nakalipas na ang araw mula ng muling makatulog ulit si blood at kasalukuyan nag-aayos ang mga tao sa loob ng bahay at estudyante ng shinhwa para sa pasko
"Blood!" sigaw ko sa loob ng kuwarto niya
"christmas eve na bukas! gumising ka na!" sigaw ko habang hawak-hawak ang kamay niya
"hoy!" napalingon naman ako at nakita si kuya death
"sakit sa tenga" sabi nito bago nilapitan si blood at ginawa ang check-up nito
"di ka man lang ba nagtataka kung bakit muli siyang nakatulog?" tanong ko
"Oo na hindi" sagot niya
"huh?" tanong ko
"Oo nagtataka ako kasi magaling naman na ang sugat niya at wala namang mali sa mga vitals niya. In short stable ang katawan niya ngayon" sagot nito
"Hindi ako nagtataka kasi baka gawa yun nang serum. nung una siyang nakatulog napapansin ko na ang unti-unting paghina ng pagtibok ng puso niya kahit na lahat ng vitals niya ay maayos naman" dagdag nito
"ikaw?" tanong nito at tinignan naman niya ako
"kailan ka ba titigil sa pag-iingay?" tanong nito
"hehehe" tawa ko dahil sa tanong niya
araw-araw kasi akong bumibisita sa kanila at walang isang bisita ang hindi ako sumisigaw na gumising na si blood
aba! malay mo, magising siya sa pagsigaw-sigaw ko
"may saltik ka nga talaga" sabi ni kuya death bago lumabas ng kuwarto ni blood
"blood..." mahinang ani ko at hinawakan ang kamay niya
"gising ka na please" sabi ko. napatingin naman ako sa bintana ni blood ng makitang pumasok dun si tito forneus
"may pinto naman tito, ba't di ka dun pumasok?" tanong ko ng makapasok na si tito ng tuluyan
"huh? that would be boring" sagot niya at napatango-tango na lang ako sa sinabi ni tito
"tulog pa rin siya?" tanong nito ng makalapit kay blood
"hmmm~ sadly" sagot ko at hinagod naman ni tito ang buhok ni blood
"she looks exactly like her mother" sabi ni tito habang nakangiting nakatingin kay blood
"beautiful..." ani nito
"Nakakatakot" sunod na sabi ni tito
"ano namang nakakatakot sa ganda ni blood?" tanong ko
"her beauty can capture any man's attention just like her mom" panimula nito
"at dahil dun, natatakot ako na baka dahil din dun mawala din siya, the same way I lost my wife" pagtapos nito
"kaya ikaw..." sabi niya bago ako harapin
"don't act as if you're not irreplaceable, sa ganda ni blood kaya ka niyang palitan" maawtoridad na sabi nito at tumango naman ako
"yes po" sagot ko
"Te guiaré en cada paso del camino cariño, papi siempre estará aquí para ti" sabi nito kay blood
"Papi siempre te estará mirando a ti y a este hijo de puta bastardo, te amo hija mía" dagdag nito bago hinalikan ang noo ni blood
"did you just call me a bastard and a son of a bitch?" tanong ko
"so?" tanong nito
"wala naman po" sagot ko at tumango naman siya bago dumiretso sa bintana
"may pintuan-" napatigil naman ako ng tignan niya ako
"I told you that would be boring" sagot nito at tumango na lang ako bago siya hinayaang lumabas gamit ang bintana
Makalipas ang gabi ay muli akong bumisita kay blood kinabukasan
"Di ka pa din gising!" sigaw ko ng makitang tulog pa din siya
"pasensya ka na ah, di kita nabisita kagabi nag-ayos kasi kami" sabi ko kay blood
"may regalo pala ako sayo, pero mamayang gabi ko na ibibigay" dagdag ko
Makalipas ang ilang oras ay tuluyan na ngang binalot ng dilim ang kalangitan at nagsalo-salo naman kami sa bahay nina tito forneus para sa noche buena
"kumain ka na" sabi ni mommy kaya naman tumango ako at muling pinagpatuloy ang pagkain ko
"kanina ka pa tingin ng tingin diyan sa orasan mo" sabi ni mommy at bakas sa boses nito ang pag-aalala
"hinihintay ko lang po mag 12" sagot ko
"hmm~ kumain ka pa" sabi nito
kasalukuyang 11:45 na ng gabi at Oo ngayon pa lang kami kumain dahil sa masyado naming na enjoy ang pagkukuwentuhan at hindi na namalayan ang oras
Makalipas ang ilang minuto ay ganap na ngang 12 ng hatinggabi at agad naman akong umakyat sa bahay nina tito forneus at pumasok sa loob ng kuwarto ni blood
"Merry christmas!" sigaw ko sa loob ng kuwarto ni blood at hindi naiwasan ang malungkot dahil sa tulog pa rin siya
Agad naman akong lumapit sa kaniya at tinapatan ang mukha niya bago pinakita sa kaniya ang mistletoe
"merry christmas..." muli kong sinabi bago pinaglapat ang mga labi namin
Nang paghiwalayin ko ang mga labi namin ay agad kong nilabas ang regalo ko para kay blood
"ito siya" sabi ko pinakita sa kaniya yung regalo na kuwintas na ang pendant ay buwan
"here" ani ko at sinuot sa kaniya yung kuwintas
"gising ka na please..." ani ko at hinalikan ang noo niya
~~~~~
Hex's gift:
BINABASA MO ANG
SHINHWA ELITE SCHOOL: BLOODY BEGINNINGS
Misterio / Suspenso[complete but under editing] A school where killing is a way to survive and to know information, where mercy is a mere false hope. if you're brave enough and know how to keep a secret, then you're welcome to Shinhwa Elite School, where The best way...