CHAPTER 44: SCRAPBOOK

17 6 0
                                    

Hex's POV

"good night" sabi ko kay mommy bago siya kinumutan

11:15 na ng gabi. nang matapos kong tabihan si mommy para makatulog ay agad akong lumabas sa bahay at pumunta sa bahay nina tito forneus para bisitahin si blood

Nang marating ko ang bahay nila ay napangiti naman ako ng makita ang sticky note sa may pintuan nila na ang nakasulat ay

bukas yan. Alam naming pupunta ka

-death

agad naman akong pumasok sa loob at dumiretso sa loob ng kuwarto ni blood. Nang marating ko iyon ay agad na bumungad sa'kin ang natutulog na bulto ni blood at ang sunod-sunod na pagtibok ng puso niya na makikita sa heart rate monitor

"Good evening..." bati ko sa kaniya bago dumiretso sa upuan sa gilid ng kama niya

"may dala akong ice cream..." sabi ko at nilabas ang ice cream dun sa paper bag na dala ko

"at ito" sabi ko bago nilabas ang dalawang scarpbook na ginawa ko

"corny ba?" tanong ko sa kaniya habang hawak-hawak yung scrapbook

Gumawa ako ng scrapbook para ipakita kay mommy paglabas ko sa school na to at hindi ko naman akalain na mapupuno ito sa punto na kakailanganin ko pa ng isa at higit sa lahat hindi ko alam na sa tatlong taon ko sa school na to ay may mga masaya akong ala-alang mabubuo kahit papaano

"Nandito lahat ng picture natin alam mo ba yun" pag-imporma ko sa kaniya

"simula nung una kitang nakita, di pa tayo magkakilala nun" sabi ko at binuksan na yung unang scrapbook

"shit! ito oh" sabi ko at pinakita sa kaniya yung kinuha kong picture niya sa loob ng classroom during recess

"naalala mo to?" tanong ko at tinignan siya bago muling tinignan yung picture

"Tinatarayan mo pa nito si luna eh" sabi ko "ang cute din nung headband mo, hellokitty" sabi ko at napangiti

tinignan ko naman ang sunod na picture at isa na naman itong stolen shot ni blood

"itong pangalawang pic, nabugnot ka nito kasi inaasar ka nina blade at gavin sa headband mo" sabi ko natawa na lang sa itsura ni blood sa picture

"third pic..." ani ko bago nilipat sa sunod na page

"Hahaha" tawa ko ng mabasa yung nakasulat sa gilid ng scrapbook

"sabi dito, ang mahal mag pa develop para sa batang to, pero maganda naman siya kaya ok lang" basa ko dun sa nakasulat

"p.s marunong na akong mag develop ng picture dahil sa bugnutin na batang to" dagdag ko

"Kita mo na nagawa ng ganda mo sakin" sabi ko kay blood

"fourt..." ani ko at tinignan ang pic

"kilala ko na rin siya, pangalan niya hell, ang pangit di bagay yung name niya sa ganda niya" pagbasa ko

"kaya tawag ko na lang sa kaniya blood" sunod na sabi ko

"nakuha ko na rin number niya dahil nasa dorm namin siya ni blade"

"Ako nag-ayos ng kuwarto niya hehehe" dagdag ko

"Hahahahaha gagi naalala ko to, sinapak mo si blade kasi all pink yung kuwarto mo, tas sabi mo na siya yung sinapak mo kasi sa pagitan naming dalawa mukhang mas malinis siya sa bahay"

"Ito yung dahilan kung bakit ginawa ang kasabihang 'dont judge a book by it's cover'. masyado ka kasing judgemental" sabi ko kay blood

"Next..." ani ko napangiti ng makita ang unang picture namin ni blood together

"first pic natin" sabi ko at pinakita sa kaniya yung pic kung saan naka-upo kami sa sofa sa dorm

"kaso lang naka busangot ka...bugnutin" sabi ko sa kaniya

"uy!" ani ko ng makita ang picture namin na kinuha ni blade

"ang saya ko nung araw na to, kasi finally tumatawa ka na din" sabi ko habang nakatingin sa picture kung saan sucessful kong napatawa at napangiti si blood

"first sleep over" sabi ko at pinakita ang picture namin nina blade na nasa sala

"welcoming party ni luna" sabi ko at natawa sa itsura namin dahil sa ginawang pagpahid ni blood samin ng cake

"nung na guidance kayo ni luna" sabi ko at naalala kong tawang-tawa kami ni gavin habang kinukuhaan sila ng picture

"Hahahaha speaking of guidance, yung sinapak namin ni blade at gavin yung guidance counselor dahil sa sinampal ka" kuwento ko

"next naman, first christmas nating apat" sabi ko

"Hahahaha yung sunog na fried chicken ni blade" dagdag ko at di mapigilang matawa ng maalala yung itsura ni blood ng tikman niya yun

"next..." ani ko at di na napigilan ang maiyak sa next picture

"yung muntikan ka ng mawala sakin" sabi ko habang nakatingin sa picture kung saan nasa clinic kami binabantayan si blood dahil sa pag-aalala ng matamaan siya ng bala ng baril

Maya-maya pa ng marating na namin ang pangalawang scrapbook ay sobrang pamilyar na sakin lahat ng nandun

"araw nung pinatay ko si yesuh..." sabi ko at pinunasan ang luha ko dahil sa picture na nililbing si yesuh habang ako patago na pinagmamasdan yun

"walang ibang tao ang nakakaalam kung gaano ako nasaktan puwera lang sayo...yung pakiramdam na gusto kong umiyak at humingi ng tawad sa kaniya sa lamay niya pero hindi ko magawa dahil sa rules...ginawan mo nang paraan para lang makapunta ako kahit papaano" lintaya ko

"araw nung namatay si jm" sabi ko at hinawakan ang kamay ni blood

"uulitin ko....hindi mo kasalan yun, never mong naging kasalanan yun" sabi ko sa kaniya

"nung gabing binisita kita sa clinic nung nakidnap kayo ni pure" sabi ko at napangiti sa picture na kumakain kami ni ice cream ni blood sa clinic

"nung pinatay niyo ni luna si althea" dagdag ko

"speaking of ice cream..." ani ko at natawa ng hawakan ko yung ice cream at buksan ito

"tunaw na, Hahahaha" tawa ko at pinunasan ang luha ko

"next, yung picture na nagpuyat ka malaman lang yung history ng school" sabi ko

Makalipas ang ilang minuto ay naabot na namin yung pic kung saan hinihintay ko siyang magising

"grabe yung pag-aalala ko dito" sabi ko

"halos wala akong tulog" dagdag ko

"Yun na yun....yun na yung last" sabi ko at kinuha yung instant camera ko

"smile" sabi ko pinilit na ngumiti

"new memories..." ani ko

"gising ka na please" sabi ko sa tulog na bulto niya

"mas lalo mo kong pinag-aalala" dagdag ko

"god knows how much I want you to wake up" sabi ko at muling humagolgol sa pag-iyak

SHINHWA ELITE SCHOOL: BLOODY BEGINNINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon