CHAPTER 17: FIRST KISS

25 7 0
                                    

HELL'S POV

"Shit..." mahinang singhal ko bago humikab sa sobrang antok

Napatingin naman ako sa relong pambisig ko at nanlaki naman ang mga mata ko ng makita kung anong oras na

"12 o'clock na!" pabulong na sigaw ko dahil sa gulat

"Hey..." rinig kong boses galing sa likod ko

Nilingon ko naman iyon at nakita ang bulto ni Hex na nakasandal sa bukas na pinto ng kuwarto ko

"Late na..." Sabi niya at huminto muna para humikab at kinamot ang buhok niyang magulo na "Ba't gising ka pa?" tanong niya at nag-inat bago pumasok ng tuluyan sa kuwarto ko at umupo sa gilid ng kama ko sa side kung saan mas malapit sa study table ko

"Tinutuloy ko lang yung nasimulan ko na kanina" Sabi ko na ikinatawa nang isang half-awake na Hex

Napangiti naman ako sa inakto nito "Matulog ka na" Sabi ko sa kaniya bago sinapo at ginulo ang buhok niya

"Isn't it the other way around" Sabi niya "ikaw dapat ang matulog na" dagdag niya bago hinawakan ang pulsuhan ko at tinitigan ako mata sa mata

"Matulog na tayo" Sabi niya bago tumayo at pinangko ako bago inihiga sa kama ko kasama siya at idinagan naman nito ang paa niya sa beywang ko para hindi ako makatayo

"Hex..." pagtawag ko ng pansin niya

"Hex" Sabi ko at inalis ang pagkakadagan ng paa niya sa beywang ko at humarap sa kaniya "Good night" Sabi ko at hinaplos ang pisngi niya at sa hindi malamang rason ay napatingin ako sa mukha nitong hinayupak na to

Matangos ang ilong nito, his jawline is sharp and perfectly formed at ang Adam's apple na napaka-manly tignan sa kanya at higit sa lahat ay ang mga labi niya na mapula-pula at—

"Kung hahalikan mo ako—go ahead kanina pa ako naghihintay" natigilan naman ako dahil bigla na lang siyang nagsalita at buksan ang mga mata niya

At ang kulay berdeng niyang mga mata

"Gago! Hindi kita hahalikan—Ew! kadiri ka" Sabi ko at bumaba naman ang mga mata ko sa katawan niya dahil walang suot na damit si Hex

"Take a picture they last forever" Sabi niya at sinapak ko naman siya sa may balikat at natawa naman siya "Tulog na nga kasi tayo" Sabi niya at nahigit ko naman ang paghinga ko ng bigla na lang niya akong yakapin sa beywang na naging dahilan ng pagdikit ng mga katawan namin

"Sleep" Sabi niya bago muling ipinikit ang mga mata niya at sa huling pagkakataon ay napatitig na naman ako sa mukha niya at pababa sa labi niya—maganda ang pagkaka-porma ng labi ni Hex at mukhang lambot din ito

Ano kayang...pakiramdam ng labi niya?

At dahil sa kuryosidad ay unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa mukha niya para idampi ang labi ko sa labi niya pero agad ding natigil midway ng marealize ko na hindi ko naman dapat ginagawa to at mas lalong hindi dapat ako ma-curious tungkol sa kaniya

Stop this nonsense, Blood. Hindi maganda sa sistema mo ang mga ganito

Napabuntong hininga naman ako ng makontrol ko na ang sarili sa gagawin na kanumalya kay Hex at akmang tatalikod na sana ako pero napatigil nang maramdaman ang kamay ni Hex sa balikat ko

Muli akong umayos ng puwesto at nakita siya na mulat ang mga mata "Why did you stop?" tanong niya na pinagtaka ko

"Huh?" tanong ko

"I said, why did you stop?" tanong niya ulit

"Huh? Wala naman akong dapat ipagpatuloy ah" sagot ko at nanlaki naman ang mga mata ko sa sunod na ginawa ni Hex matapos kong magsalita

SHINHWA ELITE SCHOOL: BLOODY BEGINNINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon