CHAPTER 19: GREEN EYED BEAST

17 7 0
                                    

RAPHAEL'S POV

"Pure, kumain ka na please" pagmamakaawa ko kay Pure na kasalukuyang nakahiga sa kama niya at walang tigil ang pagtulo ng mga luha sa mga mata niya

"Raphael..." ani niya at nilapitan ko naman siya at tumabi sa kanya sa kama at niyakap ang nanghihina niyang bulto

"Tahan na" Sabi ko at pinunasan ang luha niya gamit ang kamay ko pero hindi rin nakagawa ng tulong dahil patuloy pa din ito sa pagtulo

Napatingin naman ako side table niya at nakita ang pagbukas ng cellphone nito. Tinignan ko naman si Pure at nakita na nakapikit ang mga mata nito. Kaya dahan-dahan kong kinuha ang cellphone niya at binuksan ang mensahe nang principal sa kanya

Dear, Ms. Trinidad

Secret of Kid: Kid was once a member of the Killers. Isa rin siya sa mga miyembro ng sekretong pagpatay na nangyayari, pero after 3 days ay tumiwalag na siya na naging rason ng pagpatay sa kanya

"Kingina!..." pabulong na singhal ko at nakita ko naman sa baba na nakita at nabasa na ni Pure ang mensaheng ito

Kaya ba siya nagkakaganto?

"Pure..." ani ko at dahan-dahan siyang tinapik para magising "Pure..."

"Hmmm" sagot nito pero nanatiling nakapikit ang mga mata nito

"Kain tayo, hindi magugustuhan ni Kriztel na malipasan ka ng gutom" panimula ko at tinitigan ko naman siya at nakita ang unti-unting pagmulat ng mata niya

"Halika na" Sabi ko at tumango naman siya bago ko siya tinulungan bumangon

"Magbabanyo lang ako" Sabi niya at inalalayan ko naman siya papasok sa loob ng banyo at bumaba na muna para maghain ng makakain namin

"Ahhhhh!" rinig kong sigaw na nanggagaling sa kuwarto ni Pure kaya agad akong napatakbo at nakita siyang pinagbababato ang mga gamit na mahawakan niya habang sumisigaw

Agad naman akong pumasok sa loob at niyakap siya para matigilan

"Bitawan mo ako!" Sigaw niya habang nagpupumiglas sa pagkakayakap ko

"Stop this! Patay na siya! Wala ka ng magagawa, Pure!" sigaw ko pabalik at tumigil naman siya sa pagkikikilos at dun ko lang na realize na nawalan na pala ito ng malay

Napabuntong hininga na lang ako bago siya maingat na ini-higa sa kama niya at kinumutan ang mahimbing na natutulog na bulto ni Pure bago pinulot sa sahig ang cellphone niya at nakita ko na may bagong mensahe na naman na galing sa principal

Dear, Ms. Trinidad

Secret of Kriztel: Kriztel once planned to kill you using Hell Avery's Swiss knife, at plinano niya iyon isang araw bago siya mapatay. Gusto ka niyang patayin dahil napatay ang kapatid niya na isang Killer dahil sa pagtakas na ginawa mo

Napatingin naman ako kay Pure matapos mabasa yung message bago unti-unting lumapit at tinignan ang maamo niyang mukha

"Soon..." Sabi ko at hinalikan siya sa noo at sinimulan na ang pag-ayos at paglinis ng kuwarto niya

HEX'S POV

"Dahan-dahan naman!" singasing ko kay Makoy na ginagamot ang sugat ko

"Dude! Wala naman kasing nagsabi na mag ala knight and shining armor ka kanina" sabi ni Gavin at inabutan si Makoy ng mga bagong bulak

"Hindi ko naman kailangan maging knight and shining armor para kay Blood, cause I'm already am" Sabi ko at pinandilatan si Makoy dahil diniin niya ang bulak na may alcohol sa may sugat ko

"Problema mo?!" singasing ko sa kaniya

"Gising na si Blood" pag-imporma sa'min ni Cj

"Kamusta siya?" nag-aalalang tanong ko at nakatanggap naman ako ng hampas mula kay Makoy sa ulo "Inaalala mo si Blood! Alalahanin mo muna sarili mo Dude! Ikaw tong may sugat eh" singhal ni Makoy sa'kin

"Parehas lang naman kaming may sugat ni Blood" sagot ko

"Sa'kin pisikal na sugat. Yung kay Blood naman emosyonal na sugat" Sabi ko bago tumayo at umakyat sa hagdan papunta sa kuwarto ni Blood at nakita siyang nakasandal sa headboard ng kama niya at nakatingin sa isang picture frame

Dahan-dahan naman akong pumasok sa loob ng kuwarto niya at umupo sa may gilid ng kama niya

"Nakakahiya..." ani niya at bumuntong hininga bago bitawan ang picture frame kung saan nakalagay ang larawan nila ni Margaux

"Anong nakakahiya?" tanong ko bago humiga sa tabi niya at yakapin siya "I let that cunning bitch, get my trust" sagot niya

"Nagtiwala ako, yun pala may iba pa pala siyang plano bukod sa kaibiganin ako" dagdag niya at napahawak sa sentido niya at napapikit

"Blood..." ani ko at hinawakan ang kamay niya "Gusto mo na ba siyang gisingin?" tanong ko

"The green eyed beast?" tanong nito habang nakangisi

Tumango naman ako bilang sagot dahilan para mapatingin siya sa'kin "Akala ko ba...ayaw mo na siyang gisingin?" tanong niya na ikinatawa ko

"Hindi naman siya natulog o nawala" Sabi ko at dinuro ang sarili ko "nandito pa rin siya. Waiting for the right moment to come"

"Pero, pag...pag ginising mo ulit siya. Makakasakit ka na naman" Sabi niya at napayuko naman ako

Naalala ko tuloy nung huling beses na ginising ko ang halimaw na may berdeng mata...Napatay ko si Yesuh

Tinignan ko naman siyang muli "If hurting someone that I truly care about just to protect you, I don't mind hurting nor killing them"

"Kung gigisingin mo lang din siya ng dahil sa'kin. Siguro wag na muna" pagtanggi niya na ikinalaki ng mga mata ko

"h-huh? Bakit?" nagtatakang tanong ko "Kasi...Kasi ayokong makita kang masaktan dahil nakasakit ka ng taong mahalaga sayo" sagot niya at huminga muna ng malalim

"Nasasabi mo lang na you don't mind hurting or killing them. Pero deep inside I know kung gaano ka masasaktan..." dagdag nito

"Siguro sa susunod na lang. Katulad nga ng sabi mo, waiting for the right moment to come" sabi niya bago ako ngitian

"So, let's just wait for the right moment" pagtapos niya bago pinagsaklop ang mga kamay namin at lumapit sa'kin bago naupo sa kandungan ko

"Ginagawa ko to kasi I trust you" Sabi niya "Gisingin na lang natin siya paghanda ka na ulit" Sabi niya bago pinagdikit ang mga noo namin at ang mga dulo ng ilong namin

"So, don't you dare break it—break my trust, I break your bones. Simple as shit" Sabi niya at nilayo ang mukha sa'kin at natawa naman ako sa inakto niya

"I'm fucking serious. I have a fucking combat knife and I know how to use it...brutally" pagbabanta niya sa'kin

Fuck! That's hot...

Napatingin naman ako sa kaniya ng maingat niyang padaanin ang mga daliri sa sugat ko sa leeg "Sorry nga pala tungkol dito" dagdag niya at naging malumanay na ang boses niya

"It's okay, sorry nga pala tungol dito" Sabi ko at nakita ko naman ang pagkunot ng noo niya

"Tungkol saan?" tanong niya at natawa naman ako bago hawakan siya sa batok at paglapatin ang mga labi namin

Tinanggal ko sa pagkakasaklop ang mga kamay namin para mahawakan siya sa beywang. Dinilat ko naman ang mga mata ko at nakita ang panlalaki ng mga mata niya pero kalaunan ay ipinikit na rin niya ito bago hinawakan ang pisngi ko para mas maglapat ang mga labi namin at habang magkalapat pa rin ang mga iyon ay napangiti naman ako at ninamnam ang halik na pinagsasaluhan namin

Parehas naman kaming natawa ng maghiwalay ang mga labi namin "Bastos, nanghahawak ng dede" sabi niya na mas ikinatawa ko "Oy! Bastos ka talaga" nakangiting sabi nito sa'kin ng hampasin ko ang pang-upo niya

SHINHWA ELITE SCHOOL: BLOODY BEGINNINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon