CHAPTER 50: SHINHWA GALA

9 2 0
                                    

HEX'S POV

Nang makapili na ng gown si Blood ay agad kaming bumalik sa dorm ng hindi ko man nakikita ang gown na pinili niya

Nang marating namin ang dorm ay bumungad sa'min sina Gavin, Luna, Blade at Earth na nasa sofa at abala sa paghahanap ng gown at suit na susuotin nila para sa gala

"ang ganda din nito" sabi ni luna at umupo naman si blood sa sofa at ako naman ay dinala na muna ang gown niya sa kuwarto niya bago bumaba at umupo sa tabi ni blood

"ang sakit ng paa ko" sabi ni blood kaya naman agad kong kinuha ang paa niya bago iyon idantay sa hita ko at masahiin

"nakapili ka na?" tanong ni luna kay blood at tumango naman si blood bilang sagot

"anong kulay?" tanong ni Earth

"Pula" simpleng sagot ni blood

"pula...mag-iitim na lang ako" sabi ni luna at naghanap na ng kulay itim na gown sa mga designs na pinadala ni mommy

"puti na nga lang ako" sabi naman ni earth

"grabe naman to, ang gaganda nang gawa ng mommy" sabi ni blade at mukhang nahihirapan na ding maghanap ng suit na susuotin

napangiti na lang ako hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil sa bulto ni blood na mahimbing nang natutulog

Maingat ko namang binaba ang paa niya sunod naman ay tumayo na ako bago siya maingat na pinangko at dahan-dahang umakyat at pumasok sa loob kuwarto niya

nilapag ko naman siya sa kanang bahagi ng kama niya at humiga naman ako sa kaliwang bahagi ng kama niya

"tinulugan mo na naman ako" mahinang sabi ko sa kaniya habang hinahagod ang mahaba niyang buhok

"what did I do to deserve you?" tanong ko habang nakatingin sa kaniya

"ang amo mong tignan pag tulog" sabi ko at bahagyang natawa dahil pagtulog siya ang amo niyang tignan pero pag gising ay parang liyon

Baby lion...My baby lion

Para sa ibang tao ay nakakatakot si blood tuwing galit pero para sa'kin para siyang baby lion...Hahahahaha di mo kasi alam kung nagagalit ba siya o nagpapa cute eh

"I'm excited to have a normal life with you outside this school" mahinang sabi ko bago siya hinalikan sa labi

"love you..." mahinang ani niya bago ako talikuran at hindi ko naman maiwasan ang mapangiti dahil sa sinabi niya

"love you too..." sagot ko at niyakap ang nakataliko na bulto ni blood

Makalipas ang ilang araw ay naging busy ang school para sa shinhwa gala

Kasalukuyan akong inaayusan ngayon

"Ayusin mo ah" utos ko sa nag-aayos

"Dapat pag nakita ako ni blood malaglag panga niya sa sobrang guwapo ko" dagdag ko at tumango naman siya

"ang ganda ni blood gago" bungad ni gavin ng makapasok sa kuwarto namin

"nakita mo?" tanong ko at tumango naman ito bago umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko at sinimulan naman na siyang ayusan

"binisita ko si luna eh, kaya nakita ko din si blood" sagot niya

"ayusin mo ah" pa-ulit ko na utos sa nag-aayos sakin

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na din akong ayusan at ngayon naman ay nakatayo ako sa labas ng pintuan sa kuwarto ko sa dorm pinapanood si mommy na abalang-abala sa pag-aayos ng susuotin ko

SHINHWA ELITE SCHOOL: BLOODY BEGINNINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon