CHAPTER 34: I LOVE YOU

27 7 0
                                    

HEX'S POV

"Be ready nandito na tayo" pagputol niya sa sasabihin ko bago buksan ang pinto ng kotse at bumaba na at sumunod naman ako ng makuha ko ang water bottle niya

"Blood-"

"What?" sagot niya at dahan-dahan akong nilingon

"May gusto kang sabihin?" tanong niya gamit ang malamig na tono niyang boses

Fuck! It hurts...

"Why are you being cold to me?" tanong ko kasi sobrang sakit ano ba kasing pumasok sa utak nito at inisip niya na kaya ko siyang patayin

"I'm just trying not to get too attached from you. Kasi masakit...sobra" Sagot niya at tumingin sa ibang direksyon

Bakit ako...hindi ba ako nasasaktan?

"Promise me..." banggit niya at nagkatinginan ang kulay lila niyang mata at ang kulay berde kong mata

"Promise me...na ilalabas mo lahat ng estudyante sa impyernong to" Sabi niya at mahina naman akong natawa

"Why does it sound like your bidding goodbyes?" tanong ko at muling nagtagpo ang mga kulay berde kong mata at ang mga kulay Lila niyang mata

"Because I am" simpleng sagot niya ng ikinadurog ng puso

Those three simple words...broke me

Habang iniinda ko ang sakit ay inisang hakbang niya ang pagitan namin at hinawakan ang pisngi ko

"Blood..." banggit ko at hinawakan ang kamay niya na nasa pisngi ko

"Tuparin mo please, yung promise...Fulfill it" Sabi niya at tuluyan na ngang tumulo ang luha niya

"Hex. I L-" hindi na niya natapos ang sasabihin niya at agad na bumitaw sa pisngi ko ng marinig ang boses ng Daddy niya

"Mi reinita!" bulyaw nito sa likuran namin palihim naman niyang pinunasan ang luha niya at huminga ng malalim bago nito harapin ang ama

"Baby sis..." Sabi ng kuya nito

"Where's Raphael and Pure?" diretsong tanong ni Blood

"Alam mo na?" tanong ng Daddy niya

"Yes" simpleng sagot nito "Now, where the fuck are they?" tanong ni Blood at agad naman silang naglakad at sumunod naman kami

At habang naglalakad ay napatigil ako ng makita si Blood na hingal na hingal;

"Mi reinita!" Sabi ng Daddy nito at sinalo ang katawan ni Blood bago pa ito bumagsak sa sahig

"Ayos ka lang ba?" tanong ng kuya niya at agad ko namang kinuha ang water bottle nito

Inangatan naman niya ako ng tingin, her eyes...it went from light to dark and back from being light again

"Here..." Sabi ko at agad naman niyang tinanggap iyon at agarang ininom

"I know, I don't have the rights to ask this? But I know...you knew something about what's going on? Simula pa noon at hanggang ngayon—I mean you're the founder after all" Seryosong sabi ko sa daddy nito

"Yeah, I do know what's going on. And I'm helping Stephen anyway. So, don't get mad at me" Sabi nito na ikinalaki ng mata ko

Stephen!? Akala ko ba nakalabas na sila dito?

"Let's go, stand up" Sabi nito at inalalayan namin ng Kuya nito na tumayo si Blood

Habang naglalakad kami papalapit sa battlefield ay mas rinig na ang tunog ng paglatigo;

"Please don't tell me that they are getting lashed?" tanong ni Blood

"Then I won't tell you" Sagot ng daddy nito at agad na tumakbo papunta dun

"Fucking hell! Stop!" rinig kong bulyaw niya

"Hindi ba kayo nag-aalala?" tanong ko sa dalawang to

"Nope. Hell, is much stronger than us" sagot ng kuya nito

"I said stop! Hindi ka ba marunong makinig!" rinig ko na namang bulyaw nito kaya tumakbo na ako papunta dun

"Zepar! Stay away from my daughter!" maawtoridad na sabi ng Daddy ni Blood bago ito naglakad papalapit duon

"What do you want, Zepar?" maawtoridad na wika ng Daddy ni Blood

"How bold of you to claim her as yours..." sabi nito habang nakangiti "Alam naman nating dalawa kung kanino siya, hindi ba?" tanong nito

"You know what I want. So, don't play dumb with me Forneus" sagot nito

"Raphael!" sigaw ko ng makitang nakagapos si Raphael at lalapit na sana pero napatigil ng tutokan ito ng baril

"Stop" mahinahong sabi nung lalaki sa'kin

"Go closer and I won't hesitate to pull the trigger" Sabi nito

"Stop!" bulyaw ni Blood at tumingin dun sa lalaking lumalatigo kay Pure at kuya

"What in the effing hell do you think you're doing?! Fucker!" bulyaw niya at bakas sa boses nito ang galit kaya agad niya itong sinugod at hinawakan ito sa kuwelyo

"M-master Zepar" nauutal nitong sabi at binitawan naman siya ni Blood bago sinenyasan lahat ng nakamaskra doon na sugurin siya

Sabay-sabay silang sumugod sa kaniya at kita ko naman ang ngisi sa labi nito habang pinapatumba ang mga kalaban

"I have a very feisty and strong daughter" Sabi sa'kin ng daddy niya habang kinakalaban namin ang mga sumugod sa'min

"Fuck..." mahinang singhal ko ng makita ang huling lalaki na pinatumba ni Blood

Nilingon naman niya ang lalaki kanina at dahan-dahang naglakad papalapit sa kaniya

Napatingin naman ako sa lalaki at parang nahipnotismo ako sa mga pulang mata nito at patago na kinuha ang nakatagong sandata sa likod ng pantalon ng ama ni Blood at mabilis pero tahimik na sinugod si Blood

Hindi ito ako

"Now, for you—ah!" Hindi na ni Blood natapos ang sasabihin niya ng maisaksak ko na sa likod niya ang sandatang iyon at dun ko na rin nagawang kontrolin ang katawan ko

"Mi reinita!" rinig kong sigaw ng Daddy niya at napabitiw naman ako sa sandatang iyon bago niya ako nilingon at parang biniyak ang puso ko sa dalawa ng makita ang pagtulo ng luha nito at kaagad ko naman sinalo ang katawan niya

"It wasn't me..." Sabi ko at tumulo na din ang mga luha ko

"Hex..." Sabi niya at hinawakan ang pisngi ko "...you were never a friend" Sabi niya sa'kin na mas ikinabiyak ng puso ko

"Because you're more than that" dagdag niya at napatingin naman sa kulay lila niyang mga mata

"I-i l-love you" Sabi niya at ngumiti sa huling pagkakataon bago sumara ang mga mata nito

"B-blood..." inalalayan ko naman ang katawan niyang naliligo sa sarili niyang dugo ng dahil sa'kin

"No!" rinig kong bulyaw ng ama ni Blood

Napasinghap naman ako ng makaramdam ng kirot sa likod ko na naging dahilan ng pagbagsak ng katawan ko sa sahig kaharap si Blood

"I l-love you t-too" Sabi ko at hinawakan ang pisngi nito bago tuluyang nawalan ng malay

SHINHWA ELITE SCHOOL: BLOODY BEGINNINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon