HEX'S POV
"Hey..." napalingon naman ako sa boses ni Raphael bago kinuha yung in-can Beer na hawak niya at binuksan iyon tsaka ininom
"Thanks" Sabi ko at naramdaman ko naman ang presensya niya sa tabi ko kaya humarap ako sa kaniya at tinitigan ang mga berdeng mata niya
"On...On behalf of Blood—I'm sorry, ganun lang talaga siya pagnawawala sa tamang huwesiyo" panimula ko
"Nawawala sa tamang huwesiyo?" tanong niya at marahang natawa "hindi pa ba?" Sabi niya at natawa naman ako
"Mukha lang walang pakealam si Blood sa'ming mga miyembro niya, pero believe me—sobrang protective niya" Sabi ko at uminom ng alak bago pinagpatuloy ang sasabihin ko
"Kaya tuwing may bloody training sinisigurado niya na lahat nakakapag-training ng maayos" dagdag ko "May isang beses pa nga, Bloody Anniversary ng school. Tinago niya ang iba sa mga miyembro namin na target patayin"
"Kaya imbis na yung mga miyembro na yun ang mapatay, si Blood na lang kumalaban sa nagtatangkang pumatay sa'ming mga miyembro niya" Sabi ko
"Ganun na ba talaga siya?" tanong niya na pinagtaka ko
"Don't act as if wala kang alam..." sagot ko "I know na mas marami kang alam kaysa sa'kin tungkol sa kaniya" mahinang sabi ko para hindi marinig ng iba
Napabuntong hininga naman ako sa biglaang pagtahimik naming dalawa at gulat naman akong napatingin kay Raphael dahil sa biglaang pagtawa niya "Anong nakakatawa?" tanong ko
"Nagiging misteryoso ka na din katulad niya..." sabi niya in between laughs
"Parehas na parehas na kayo. Keep her" Sabi ni Raphael na ikinangiti ko "keep her too" Sabi ko sabay duro sa bulto ni Pure
"I will" Sabi niya at tinignan ko naman ang relong pambisig ko at nakita na medyo late na rin
"Dude, alis na ako" Sabi ko sa nakatalikod na bulto ni Raphael
At nilingon naman niya ako "Salamat ulit" Sabi niya at parehas naman kaming napatakip ng tenga ng biglang makagawa ng ingay ang speaker dito sa may sementeryo ng school
"Dearest Victim and Killer Leaders, hindi na kayo pwedeng mag usap. The challenge is over" Sabi nung babae sa speaker at yun na rin ang senyales ko para umalis talaga
Habang naglalakad papuntang dorm ay napansin ko na bukas pa ang mga ilaw sa library na pinagtaka ko, kasi sarado na usually ang library paglubog na ang araw pero bukas pa rin ang mga ilaw nito at mula sa loob ay may bulto ng lalaki at babae akong nakita
Hmmm? Yung babae kasing katawan niya si Blood
Isinawalang bahala ko na lang ang nakita ko at nagpatuloy na lang sa paglalakad hanggang sa makarating at makapasok na ako sa dorm. Pero nagtaka naman ako ng sina Blade at Gavin ang unang bumungad sa'kin na naka-upo sa sofa at nang pumunta naman ako sa kusina ay naabutan ko dun si Makoy at Sun
Lumabas naman ako ng kusina at hinarap yung dalawang nasa sala "Where's Blood?" bungad kong tanong sa dalawa
"Wala siya dito. Nasa library kasama si Cj" Sagot ni Gavin at napatango naman ako
"Amoy alak ka. Saan ka uminom? At bakit hindi ka pumunta sa burol ni Margaux?" sunod-sunod na tanong ni Makoy
"Girlfriend ba kita? Ba't ang dami mong tanong" tanong ko at natawa naman kami at sa kalagitnaan ng tawanan namin ay bigla na lang pumasok si Cj sa loob
"Nasaan si Blood?" tanong ko sa kararating lang na si Cj
"Huh? Ba't sa'kin mo hinahanap? Pumunta ako sa convenient store ng school" sagot niya na ikinalaki ng mata ko
"Kung nasa convenient store ka. Sino yung lalaki na nasa library kanina?" tanong ko at agad na kumaripas ng takbo palabas ng dorm at papuntang library
"Blood!" bulyaw ko ng makapasok ako pero ni isang tao wala akong nakita
"Blood!" bulyaw ko at ginalugad na ang buong library
At nang makarating ako sa lumang parte ng library ay dun ako nakakita ng bulto ng babae na agad kong pinuntahan at iniharap sa'kin
"Blood..." bulong kong sambit at agarang niyakap ang katawan niya
"Anong ginagawa mo?" rinig kong tanong niya habang nakayakap pa rin ako sa kanya
Tinignan naman ako nito over her shoulder at bumilis naman ang tibok ng puso ko dahil sa pagtama ng mga ilong namin at habang ina-admire ko ang ganda na meron siya ay tinanggal niya ang earbuds na nasa kaliwang tenga niya at as usual walang emosyon ang mukha niya nung humarap siya sa'kin
"Pinag-alala mo ako" Sabi ko at pinaghiwalay na ang mga katawan namin
"Ano bang ginagawa mo dito? At ba't wala kang kasama?" tanong ko bago nameywang at natawa naman siya sa inakto ko
Earlier she was emotionless and now she's smiling and laughing
"Learning the fucking whole history of this goddamn school" sagot niya at binigyan ako ng sarkastikong matamis na ngiti
"Bukas mo na lang alamin lahat ng yan, ayoko naman mag-stay dito. Kaya hindi mapapanatag ang loob ko na iwan ka dito mag-isa" Sabi ko at hinila na siya patayo
"Hiramin ko na lang to" Sabi niya at kinuha yung kamay niya sa'kin at tumakbo papunta dun sa librarian na parang bata
Napakamot na lang ako sa batok ko at naglakad na papalapit kay Blood "ayos na?" tanong ko at tumango naman siya
Pinagbuksan ko naman siya ng pinto at nang makalabas na siya ay sumunod na ako "move closer" Sabi ko bago siya hinila papalapit sa'kin at hinawakan siya sa beywang
"Wag kang lalayo ng ganun sa'kin. Alam mo naman na may umaaligid-aligid dito" Sabi ko at mas hinigpitan pa ang hawak ko sa kaniya
"Hindi naman ako sobrang layo sayo" Sabi niya bago ako tignan at gamit ang daliri niya ay gumawa siya 'little sign' "mga ilang centimeters lang yun" Sabi niya sabay ngiti sa'kin
Don't know if that smile is genuine or that's her being sarcastic
Habang naglalakad kami ay may biglang pumasok sa isip ko; Kung hindi si Cj yung lalaki na nakita ko kanina, sino yun?
"Hoy!" bulyaw niya at since malapit lang ang katawan namin sa isa't-isa ay mas naging malakas ang pag rinig ko dahil malapit din ang mga mukha namin sa isa't-isa
"Huh? Ano yun?" tanong ko pero umiling na lang siya at nagpatuloy na lang sa paglalakad bukod dun ay nakalimutan ko na rin ang iniisip ko
Nang makarating kami sa loob ng dorm ay itinulak niya ako palayo sa katawan niya kaya napaupo ako sa sofa
"The fuck!" bulyaw niya bago pinalibot ang mga mata niya sa buong dorm
"Anong nangyari dito!?" bulyaw niya pero wala ni isa kena Gavin ang gustong magsalita
"Answer my fucking question! Fuckers!" bulyaw niya at magsasalita na sana si Cj ng biglang tumingin sa kaniya si Blood at ang mga lilang mata nito ay hindi lang basta-basta kulay lila dahil mas lalong naging dark ang pagkalila nito
"Ano!?" singhal niya
"Kami ng bahala dito" sagot ni Sun "Anong kami?" tanong ko out of disbelief
"KAYO!" pagtama ko sa sinabi niya
"Okay. Madali akong kausap" Sabi ni Blood at binigyan kami ng matamis na ngiti at bumalik sa pagka light ang kulay ng mga mata niya
That's weird.
Sino...o ano ka nga ba talaga Blood—what secrets do you hold?
BINABASA MO ANG
SHINHWA ELITE SCHOOL: BLOODY BEGINNINGS
Детектив / Триллер[complete but under editing] A school where killing is a way to survive and to know information, where mercy is a mere false hope. if you're brave enough and know how to keep a secret, then you're welcome to Shinhwa Elite School, where The best way...