HEX'S POV
"Dude! Ano ba yan! Bilis! Ang bagal!" bulyaw ko kay Blade
"Dude! Ano ba! Hindi ko kasalanan kung masyadong mabagal yung computer nila dito, Okay?" sigaw niya pabalik
"Teka nga lang dude! Ba't ba natin to ginagawa?, nakakapagod eh" tanong ni Gavin bago binagsak lahat ng libro tungkol sa school sa lamesa
"Eh sino ba kasing nagsabi na sumama ka, eh si Blade lang naman yung sinabihan ko" Sabi ko
"Pati rin kayo? Nakikigulo lang naman kayo dito eh" Sabi ko rin kena Cj at Makoy
"May mga saltik ba kayo?" tanong ko sa kanila na ikinatawa lang nila
"Well...Dude hindi na naman tatawaging saltik ang grupo natin kung wala tayong mga saltik hindi ba...Atsaka ikaw kaya leader namin" Sabi sa'kin ni Gavin na hindi ko ikinatuwa
"Lumayo ka sa'kin...Baka hindi ako makapagpigil at masapak kita" Sabi ko at lumayo naman siya
"Heto na" Sabi ni Blade at agad naman kaming nagsitinginan
"Eto yung mga nangyari seven years ago" Sabi ni Blade
"Bakit? Bakit mo inaalam yan?" tanong ni Gavin
"Kasi may nakita akong lalaki na nakamaskara na puti and he looks quite familiar...Parang nakasalubong o nakalaban ko na siya before...pero hindi ko maalala kung kailan" sagot ko
"Seven years ago...Hindi ba nandito ka na nun" Sabi ni Cj at tumango naman ako
"Kaya nga inaalam ko yung History ng school especially nung mga year nakakarating ko lang" Sabi ko
"Dude! Naka maskara ba kamo? Eh ever since mangyari yung pagkahu kena Hell at Pure, gabi-gabi kami nakakakita ng mga lalaki o tao na nakamaskara" pagimporma ni Cj
"Talaga?" tanong ko "Baka naman kaka-cellphone mo lang yan ah?"
"Hindi gago! Actually balita ko din sa mga dorm din ng mga Victims meron din daw silang nakikita na umaali-aligid sa kanila na lalaking nakamaskara" Sabi ni Cj
"Tsismoso ka talaga nuh dude" Sabi ni Makoy kay Gavin
"Tama na yan! Eto na-" Hindi naman naituloy ni Blade yung sasabihin niya ng biglang tumunog ang speaker ng school
"Shit!" singhal namin at nagtakip ng tenga dahil sa ingay na ginagawa nung speaker
"Dearest students, please proceed to the gymnasium" Sabi ng speaker at namatay na
"later na lang mga saltik" Sabi ni Blade at tumayo "si-nend ko na yung file sa laptop ko sa dorm, dun na lang natin i-discuss to" dagdag niya at tumango naman kaming lahat bago tuluyang umalis sa liblary at dumiretso sa gymnasium
"Anong meron?" tanong ko kay Hell ng makarating kami nina Blade sa gymnasium
"Hindi ko rin alam" sagot ni Hell wearing a cold expression
"Here" Sabi ng kakarating lang na si Luna at inabot ang isang bottle of water kay Hell at agad naman niyang ininum yun
"Why? What's wrong?" tanong ko sa kaniya at tinignan siya mata sa mata
"I don't know, basta kanina pa ako uhaw na uhaw...Like super" Sabi niya bago tinapon ang bottle of water na wala ng laman
"Hindi kaya may kinalaman yung tinurok nila sayo?" tanong ko habang tinitignan pa rin siya
"Ewan? Pampatulog lang ang alam kong tinurok sa'kin, pero kung may nakakaalam man kung ano pang tinurok sa'kin yun ay si Pure" Sabi niya at napatingin naman ako sa tapat namin at tinignan si Pure
"Want me to make her talk?" tanong ko kay Hell at matiim naman niya akong tinignan bago umiling
"Wag na, baka mapano ka pa" Sabi niya at hinawakan yung braso ko na may sugat na siya mismo ang nakagawa ng mag-away sila kagabi ni Blade bahay "Ang cute..." ani niya habang nakangiti
"Ba't parang lumiit yung hiwa?" tanong ni Luna at nagkibitbalikat naman ako "aba! Ewan ko"
"Okay, so magkakaroon muna tayo ng practical fight" announce ng principal
"Raphael from the Victims and Hex from the Killers" dagdag nito naikinatuwa namin at ikinagulat ng mga Victims
"Please, proceed to the platform" Sabi ng principal at dumiretso na kami parehas sa Platform
"Okay, so for this fight...Your weapons are both katana" ani niya at inabot sa'min ang katana. Tinignan ko naman si Hell at nahuli siyang nakatingin sa'kin habang nakangisi
Binaling ko ulit ang tingin ko kay Raphael sabay ngisi "in this fight, I will let you talk to each other"
"I'm ready..." Sabi ko at parehas naman kami ni Raphael na pumunta sa magkabilang dulo ng platform bago sinugod ang isa't-isa
Unang sumugod si Raphael at agad ko namang sinalag yun at sumunod naman akong sumugod, tinira ko naman siya sa may kaliwang tagiliran niya at agad niya yung sinalag, napangisi naman ako at agad na sinipa siya sa may kanang taligiran at agad naman siyang bumagsak, tinanggap ko naman yun bilang opurtunidad para masipa siya sa may gilid ng ulo niya na pero nasalag niya yun sa pamamagitan ng kamay niya
"Shit!" singhal ko at tumayo naman siya at nakipaglaban ulit sa'kin gamit ang katana at nagulat naman ako ng masipa niya ako sa tagiliran habang ginagamit pa rin ang katana niya
"Fuck you!" bulyaw ko at sinipa ulit siya sa may gilid ng paa niya na naging dahilan ng pagbagsak niya at nang bumagsak ang katawan niya ay sinipa ko siya sa may gilid ng ulo kaya siya napahiyaw
Lumuhod naman ako at pinantay ang bibig ko sa tenga niya at tinutok ang dulo ng katana sa may dibdib niya
"Ano bang pumasok sa isip mo at sinubukan mo pa akong kalabanin?" tanong ko sa kaniya at mahinang natawa
Umupo naman ako ng maayos at nginisian siya "wag mong gawing advantage ang pagiging malayo natin sa isa't-isa, kasi kahit na magkalayo tayo I know how you move and when you move. Tandaan mo may binabantayan ako na kasama mo, R Hyung." sabi niya sa'kin
Nginisian ko lang siya sa sinabi niya bago tinapon ang katana ko palayo...Malayo sa kaniya at malayo din sa'kin
"Always remember this...You might be older than me but I'm much stronger than you in any ways" rinig kong sabi niya bago tuluyan ng tumayo
"And the winner is...Hex Lee" Sabi ng Principal at may ngiti sa labi akong pumunta sa tabi ni Hell
"Kamusta? Ayos ba yung ginawa ko?" tanong ko kay Hell at tumango na lang siya at inabutan na naman siya ni Luna ng water bottle
Agad naman niya yun binuksan at ininom hanggang sa pinakahuling patak "Sigurado ka bang okay ka lang?" tanong ko
"Oo, siguro dahil mainit din ang panahon" sagot niya
"Game...Training ulit tayo" Sabi niya at ngumiti naman ako bago tumango
"Game" Sabi ko bago hawakan ang pulsuhan niya at hilahin siya paalis sa gym
BINABASA MO ANG
SHINHWA ELITE SCHOOL: BLOODY BEGINNINGS
Tajemnica / Thriller[complete but under editing] A school where killing is a way to survive and to know information, where mercy is a mere false hope. if you're brave enough and know how to keep a secret, then you're welcome to Shinhwa Elite School, where The best way...