HEX'S POV
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama na sa mata ko. nilingon ko naman ang katabi ko at nakita ang tulog na bulto ni blood
umayos naman ako ng higa paharap sa kaniya at hinawakan ang pisngi niya bago pinagmasdan ang mga mukha niya
"Good morning..." mahinang bati ko sa kaniya
"Sakālē āmāra bhālabāsā..." bati ko bago hinalikan ang noo niya
(Sakālē āmāra bhālabāsā means Morning my love in bengali)
"Hmm" ani niya bago lumapit sa'kin at niyakap ako habang ang ulo ay nakasiksik sa dibdib ko
"It's cold..." sabi niya at napatingin naman ako sa aircon at nakita na nakapatay na ito
"you're cold" sabi ko nang dumampi ang kamay niya sa pisngi ko hinawakan ko naman ang leeg at noo niya at napakunot ng maramdaman na malamig siya
Agad naman akong tumayo at nagsuot ng damit bago siya binuhat at dinala sa kuya niya na nasa clinic ng school
"ang lamig" sabi ni blood habang nakayakap sa'kin
"anong nangyayari sa kaniya?" tanong ko sa kuya niya
"nangyari na yan sa kaniya before hindi ba?" tanong nito at napaisip naman ako at naalala ko naman ang nangyari sa clinic dati after exams
"yeah..." sagot ko
"Nag-experiment kami ni tanda kagabi gamit yung serum" sabi ni at naglabas ng pusa
"hawakan mo" sabi niya at hinaplos ko naman ang balat ng pusang yun
"it's cold" sagot ko at muli ko namang pinakiramdaman si blood
Magkasing-lamig sila
"Gawa yan ng serum, kung mapapansin mo magkasing-lamig sila. parehas na nasa tamang edad si blood at tong pusang to kaya mas mabilis na kumakalat ang serum sa mga katawan nila" paliwanag niya
"Hindi naman siya delikado, diba?" tanong ko
"Hindi ko pa masasagot yan" sagot niya at napatingin naman ako kay blood nang maramdaman na nasa tamang temperature na ang katawan niya
"Hi..." ani ko at nginitian naman niya ako bago tumingin sa kuya niya
"Ang cute!" sigaw niya bago umayos ng upo at kinuha yung kulay puti na pusa
"Hi" masayang bati niya sa pusa na nasa kamay niya
"p-puwede akin na lang siya?" tanong niya sa kuya niya
"sure" sagot nito bago ginulo ang buhok ng kapatid
"uwi na kami, thank you" sabi ko at tumango naman ito at ako naman ay binuhat na si blood pauwi sa dorm namin
"Ang cute niya hex" sabi nito at napangiti naman ako sa inaasal niya
Nang makauwi kami ay nagluto na ako ng almusal para sa'min na nasa loob ng dorm
"Omg! hi" napalabas naman ako ng kusina dahil dun at pumunta sa sala at nakita si kuya at pure
"Hi..." ani ni pure habang nilalaro-laro ang pusa ni blood
"anong name niya?" tanong niya sa kapatid
"Loki..." sagot ni blood
"bakit loki?" tanong sa'kin ni kuya
Pinakita ko naman sa kaniya ang gulo na ginawa ni loki sa likod ng dorm namin
"Oh" yun na lang ang sinabi niya ng makita ang basag-basag na paso sa likod ng dorm namin
"isa siyang van cat" rinig naming sabi ni pure
"paano naman nakabili ng ganiyan sina kuya?, eh mahal ang van cat" sabi ni pure
"bakit naghihirap na ba tayo?" tanong ni blood at natawa naman kami pag-uusap ng dalawang to
"ang ibig ko kasing sabihin is, bumili lang sila ng ganiyang kamahal na pusa para lang pag-eksperementuhan" sabi ni pure at nagkibitbalikat naman si blood
"Wala akong pakialam, basta ang cute ni loki" sabi ni blood at hinalikan ang tuktok ng ulo ni loki
"ang cute nila mag-usap" sabi ni kuya at tumango na lang ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya
"Gusto mo ba ng pusa?" tanong ni kuya kay pure ng makalapit ito sa kanila
"bibilhan mo siya?" tanong ni blood kay kuya at tumango naman ito
"pero may allergy ka sa pusa" sagot ni pure "kaya okay lang kahit wag na" dagdag nito
"ay! weh?" tanong ni blood bago tumayo at nilapit si loki kay kuya
"oy!" sigaw ni kuya at lumayo kay blood
"weee!" sigaw ni blood bago hinagis si loki kay kuya
"oy! gago ka!" sigaw ni kuya kay blood ng masalo si loki na agad naman niyang binababa
"bawal ka mag-alaga ng hayop, masaydo kang bayolente!" sigaw ni kuya kay blood
"who the fuck are you to judge me?!" galit na sabi ni blood kay kuya bago binuhat si loki
"gusto mo yun diba?" tanong nito "ilabas mo yung dila mo kung Oo" utos ni blood kay loki at nagulat naman ako ng ilabas nga ni loki ang dila niya
"see, gusto niya" sabi ni blood kay kuya at akmang ihahagis si loki sa kaniya kaya naman si kuya ay nagtago sa likod
"tanginang yan" sabay na mura ni pure at blood at sa inasal ng kapatid ko at napailing na lang ako
"handa na yung almusal, hali na kayo" sabi ko at agad naman kaming pumunta sa kusina para mag-almusal
Habang kumakain ay panay naman ang tingin ko kay loki na pinapakain ni blood ng saging
fuck! wag mong sabihin pati sa pusa magseselos ako?!
BINABASA MO ANG
SHINHWA ELITE SCHOOL: BLOODY BEGINNINGS
Mystery / Thriller[complete but under editing] A school where killing is a way to survive and to know information, where mercy is a mere false hope. if you're brave enough and know how to keep a secret, then you're welcome to Shinhwa Elite School, where The best way...