CHAPTER 36: ZEPAR AVERY

48 7 0
                                    

HEX'S POV

"Blood!" sigaw ko tsaka bumalikwas ng bangon

"Relax" rinig kong boses at napatingin naman ako sa kaliwa ko at nakita ang kuya ni Blood

"I'm death by the way, pero since doctor duty ako, galaxy na lang" Sabi nito at natawa

"Where's Blood?" tanong ko

"Nasa kabilang kuwarto" sagot nito at napatingin naman ako sa bakanteng kama sa tabi ko

"Shit! Where's my brother?" tanong ko at natawa naman siya bago ako sagutin

"Nandun sa kabilang kuwarto binisita si Pure" sagot nito

"Gising na ba si Blood?" tanong ko ulit extremely worried

"Aish! Siraulo ka ba?!" tanong nito sa'kin "You got stabbed at mas inaalala mo pa ngayon yung kapatid ko kaysa sa sarili mo"

"Well...Yes, I'm not just worried...I'm fucking worried, ako ang nakasaksak sa kaniya. What do you want me to feel? Happy" Sabi ko at nakita ko naman ang pagngiti niya

"You really are a fool for my sister aren't you?" tanong niya at tumango naman ako

"You can say that" Sabi ko at napatingin naman ako sa may pintuan ng bumukas ito at agad namang sumama ang tingin ko, mabilis ko na hinablot ang alcohol sa may tabi ng kama ko at binato yun sa kapatid ko

"Seriously!?" tanong ko sa kaniya

"What?" nagtatakang tanong niya at pinuntahan na ako

"Hindi mo man lang ako hinintay magising?! Like, nung nagising ako ang bumungad sa'kin tong kapatid ni Blood, wow ha! I feel loved" Sabi ko sa kaniya at nakatanggap naman ako ng sapak dahil dun

"Ouch! It hurts! Hindi tayo bati" Sabi ko at natawa naman kami

"Mukhang may bagong baliw na naman akong nakilala" Sabi ng kuya ni Blood at natawa nalang kaming magkapatid

"Good evening everyone" napatingin naman kaming tatlo sa may pinto at nakita ang daddy nina Blood at Pure

"Gising na po ba si Blood?" tanong ko kaagad at umiling naman ito

"But my daughter is fine and now stable" sagot nito referring kay Pure

"Yung lalaki kanina who is that?" tanong ko at nakita ko naman ang gulat sa mukha nito

"Raphael, maupo ka" utos nito sa kapatid ko at umupo naman na ito sa kama niya at parehas naman naming tinitigan ang daddy ni Blood

"Mayroon akong ikukuwento sa inyo" Sabi nito bago huminga ng malalim

FORNEUS'S POV

"Mayroon akong ikukuwento sa inyo" Sabi ko at huminga na muna ng malalim at lumabas naman si Death bago ako nagsimula

"Mayroon isang babaeng biniyayaan ng kambal na lalaki" Sabi ko "Maraming nakakapansin kung gaano sila magkaiba...The older one, wants power. Gusto niya maging makapangyarihan, habang yung isa naman ay ang makasama lang ang mahal niya sa buhay at maprotektahan ito ay sapat na sa kaniya"

"Growing up mas lalong lumaki ang pagnanasa nung nakakatanda na magkaroon ng kapangyarihan, kaya habang nag-aaral sa highschool ay may sinalihan itong isang grupo, at itong grupo na ito ay kilala bilang pinakamakapangyarihan at pinakamalakas sa buong mundo" dagdag ko

"At nang malaman ito ng ina nila ay talagang nagalit ito at itinakwil ang nakakatanda niyang anak, habang yung bunso ay nag-aral na lang ng mabuti para mas maging proud pa yung ina nito at para mawala ang lungkot nito sa nakakatandang kapatid nito"

"Lumaki bilang matalino at masipag na lalaki ang bunso na anak, at isang araw namatay ang ina nito at dun niya muling nakita ang kapatid niya, at that time isa nang kilalang founder ng school at sikat na entrepreneur ang bunso at ang nakakatanda naman ay miyembro pa rin ng grupo na iyon at nasa posisyon na para mapasunod kahit na sinong tao"

"Nang magkita sila ay pinilit ng nakakatanda na kapatid na pasalihin ang bunso nitong kapatid, pero sad to say nasa isang grupo na rin ito kung saan ang gusto ay kapayapaan at hindi kapangyarihan...Nang marinig ito ng nakakatanda na kapatid ay talagang nagalit ito at pinagbantaan pa na papatayin nito ang mga anak nito at asawa"

"Kaya ang ginawa ng bunso ay umuwi siya sa mga anak niya at hindi ito iniwan dahil natatakot ito na baka totohanin ng nakakatanda na kapatid ang plano nito, pero isang araw nakatanggap ito ng mensahe mula sa matatalik niyang kaibigan na nakawala ang pinaka-leader nang grupo kung saan sumali ang nakakatanda nitong kapatid at sinakop na ang buong eskuwelahan kung saan siya ang nagmamay-ari"

"Kaya walang sabi-sabi na umalis ito at pinuntahan ang paaralan at dun niya nakita ang bangkay ng mga bata na kasalukuyang dun nag-aaral, kaya ang ginawa niya ay nagtago na muna siya sa loob ng paaralan sa tulong ng grupo na sinalihan niya at nang malaman niya na nagpapapasok muli ang paaralan ng mga bagong mag-aaral ay agad niyang idinagdag ang pangalan ng anak nitong lalaki sa mga makakatanggap na espesyal na imbitasyon para makapasok sa paaralan"

"Nang makapasok ang anak nito at makapagtapos bilang isang tunay na doktor ay pinagkunwari niya ito na patay at sinama niya ito kung saan siya nakatira ngayon at inensayo ito kung paano lumaban, pero ng aatake na sana sila ay nalaman niya na nasa loob na ng paaralan ang dalawa niyang babaeng anak"

"Kaya hinintay na muna niya na matuto ang dalawa kung paano lumaban at hinintay din niya ito na lumaki at maging malakas. At nang dumating ang panahon na iyon ay agad na lumabas silang dalawa at nagpakita sa dalawa niyang anak" pagtapos ko

"And your point is?" tanong ni Hex at napangisi naman ako sa dalawang to

"I am Forneus Avery the young twin...." Sabi ko at bakas naman sa mukha nila ang gulat "At yung lalaki kanina that's Zepar Avery, my twin brother" dagdag ko

"Yung grupo na sinalihan ni Zepar ay ang spider gang na kilala bilang pinakamakapangyarihan, pinakamalakas, at pinakadelikado na gang sa buong mundo"

"At ang grupo ko naman ay ang Red shadow kung saan miyembro din ang mga magulang niyo" ani ko

"For what reason...Bakit nila sinakop tong School na to? Anong pakay nila? Bakit kailangan madamay si Blood dito?" sunod-sunod na tanong ni Hex

"Sinakop nila itong school nito para gawing experiment lab, sa mga patayan na nangyayari ay kumukuha sila ng dugo para malaman nila kung sino pa ang compatible ang dugo para sa experiment na ginagawa nila"

"Pa? So, may nauna na?" tanong ni Raphael

"Yeah, hindi ko lang alam kung sino ang nauna na iyon. Pero ang naging pangalawang experiment rat nila ay si Blood" hindi ko naman mapigilan ang pag-igting ng panga ko dahil sa galit

"Si Blood ang pangalawang tao na naging compatible sa experiment nila. Yung experiment nila is to turn human nito extraordinary. Extraordinary strength, extraordinary intelligence...but one big side effect" Sabi ko

"What side effect?" tanong ni Hex "Mamamatay ba siya? Mababawasan ba yung taon na mabubuhay siya?" sunod-sunod na tanong nito

"No...Blood lust" sagot ko "Makakaranas ito na para bang kailangan niyang i-satisfy ang Blood lust nito at yun ay ang pagpatay ng tao" sagot ko

"Bakit parang ang dami mong alam tungkol dito?" tanong ni Raphael

"Because I am the one who created the serum" sagot ko

SHINHWA ELITE SCHOOL: BLOODY BEGINNINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon