HELL'S POV
Nandito ako sa labas ng pinto ng dorm hinihintay si Luna, takte sabi niya mabilis lang siya eh ba't ko siya hinihintay ngayon. Isa pa tong si Hex sabi pupunta lang daw siya sa gym dahil nakalimutan daw niya yung t-shirt niya
"Buwesit na t-shirt na yan!" Sabi ko habang nakatayo sa labas ng dorm
"Hi" Sabi ni luna at kinawayan ako habang may hawak hawak na cutter sa kamay
Gusto ko sanang magalit kaso lang mas gusto kong malaman kung anong nangyari sa kanya
"Anyare sayo?" tanong ko kasi malinis naman yung damit niya kanina nung pinatay namin si Althea
"Tinapos ko na yung problema ko" Sagot niya at pumasok sa loob ng dorm
"Ehem!" Sabi ko while looking at Hex na may dugo din ang hoodie na suot niya
"Hi" Sabi niya at nginitian ako "Hi mo, mukha mo!" singhal ko sa kaniya at pumasok na sa loob ng dorm
"Tara na kain na tayo" pag-aya ni Luna "Tara na" Sabi ni Hex pero dahil sa inis ko
"Kumain kayo! Wala na akong gana!" bulyaw ko sa kanila at umakyat na sa kuwarto ko at pabalang na isinara ang pinto
Agad naman akong humiga sa kama ko at niyakap si tororo
"Blood" rinig kong pagtawag ni Hex sa labas ng kwarto ko "Bala ka sa buhay mo!" bulyaw ko pabalik
Buwesit kayo nagluto ako para makapag dinner tayo ng sabay-sabay tapos ang tagal-tagal niyo ni Luna...Wait what!?
Napatayo ako ng walang sa oras at binuksan yung pinto sabay hila kay Hex papasok sa kwarto at inihiga siya sa kama bago ako pumaibabaw sa kaniya
"Anong ginawa niyo ni Luna? at ba't parehas may dugo yung mga suot niyo pangitaas? may hindi ka ba sinasabi sa'kin?, hoy Mr. Lee-"
"Ms. Avery, pumunta ako ng gym okay? Wala kaming ginawa ni Luna na kababalaghan, tinulungan ko lang si luna na patayin si Sir Alonzo kasi nabubuwesit na rin ako sa teacher na yun, kaya nung nakita ko siyang pinapatay si Sir alonzo ayun tinulungan ko na" pagpapaliwanag niya
"And, No wala po akong tinatago na sikreto sayo, lahat sinasabi ko at lahat alam mo na" dagdag niya at natameme naman ako at bumalik lang ako sa sariling katinuan nung siya naman ang pumaibabaw sa'kin
"Alam mo gutom na ako, Kung ayaw mong bumaba at samahan kaming kumain...Ikaw na Lang kakainin ko" Sabi niya at inilapit yung mukha sa'kin
"Ay!" napaayos naman kami ni Hex at napaupo sa boses ni Blade at Luna
"Alam niyo yayayain sana namin kayo na kumain na, pero mukhang iba na yung gusto niyong kainin eh" Sabi ni Luna
"Ha-ha-ha very funny" Sabi ko at tumayo na
"Hindi pa rin tayo bati" Sabi ko kay Hex at bumaba na
Kinabukasan naman ay mas maaga akong nagising kesa kena Luna at since maganda ang naging gising ko ay pinagluto ko sila ng breakfast
"Morning" masayang pagbati ko sa bagong gising na si Hex
"Akala ko ba-"
"Shut up!" singhal ko at padabog na nag walkout kaso lang naabot niya ang kamay ko at inilapit niya ako sa katawan niya bago ako niyakap
"Sorry na, masarap ka naman talaga—I mean yung luto mo kagabi" Sabi niya at patuloy pa din sa pagyakap sa'kin "sorry na" ani niya bago halikan ang bridge ng ilong ko
"Umagang-umaga ang lalandi niyo" bungad sa'min ni Blade
"Good morning ah" sarkastikong sabi ko at agad ko naman tinulak palayo sa'kin si Hex
"Maliligo na ako" Sabi ko "sabay na ako" sagot ni Hex
"Gago!" singhal ko kay Hex bago umakyat sa kwarto ko at tsaka naligo
"Hell...Hell...Hell...Hell" paulit-ulit na sambit ni Luna habang kinakalabit ako
"Blood...Blood...Blood...Blood" ginaya naman siya ni Hex
"Kelan ba kayo titigil?" inis na tanong ko at tumigil naman sila
"Ahmmmm, kausapin mo muna ako" Sabi ni Luna bago ako hinila papasok sa loob ng janitor closet
"What?" tanong ko
"Sorry, alam kong nag effort ka na mag luto-"
"Nag effort din akong maghintay"
"Okay, kaya nga sorry eh" Sabi niya "may magagawa pa ba ako" Sabi ko at niyakap siya
"Bati na kami" bungad ni Luna kay Hex ng makalabas na kami sa closet
"Luh! Paano ako?" tanong niya at inilabas naman ni Luna ang dila bilang pangangasar kay Hex
Maya-maya pa ay pinababa na kami para sa flag ceremony "Congratulation Ms. Avery and Ms. Baldoza" Sabi ng principal namin
"Whooo!" sigaw ni Hex. Paniguradong nagpapapansin
"Galing! Galing!" dagdag pa niya "grabe effort ah" bulong sa'kin ni Luna
"Bahala siya diyan" Sabi ko at itinuon na lang ang atensyon sa punong guro namin
"And also...Killers be ready for your bloody training today" Sabi niya at napangiti naman ako at tumingin ako sa gawi nina Pure at nginitian siya na nangangasar
"You may now go" Sabi ng principal at naglakad naman na kami paalis at dumiretso na sa classroom
"Hell" napalingon naman ako dahil sa boses na iyon
"Sinong nandiyan?" tanong ko at tuluyan naman akong nahuli sa pila namin
Napatingin naman ako sa may bintana ng Clinic at nakakita ng katawan ng isang tao na nakatalikod at kausap yung nurse bukod dun ay pamilyar yung tao kahit likod lang ang nakikita ko
"Hoy!" napalingon naman ako sa boses ni Hex
"Ano—yung...ano...ano—dun oh-" Hindi naman ako makagawa ng pangungusap kahit na anong pilit ko dahil sa kaba na nararamdaman ko
"Hoy! Relax" Sabi ni Hex at hinawakan ang magkabilang braso ko "relax, I'm here" Sabi niya at niyakap ako
"hindi ko na ulit hahayaan na makuha ka nila" Sabi niya at bumitaw na sa yakap namin at sabay na naglakad papuntang classroom
Lumingon naman ulit ako sa may Clinic at nakita yung kausap nung nurse na kumakaway sa'kin habang may hawak-hawak na kutsilyo pero hindi ko makita yung mukha niya dahil sa Maskarang suot niya...Katulad nung mga kumuha sa'min
"Hex!" sigaw ko at humarap kay Hex at tinuro sa kaniya yung lalaki sa may Clinic pero wala nang tao dun
Inihilig ko naman ang ulo ko at nakita na pati ang nurse ay wala na din dun "Bakit? Okay ka lang ba?" tanong niya at tinignan ko naman siya sa mga mata niya at niyakap siya ng mahigpit
"Stay with me for a day, mukhang na paparanoid ka" Sabi niya at humiwalay naman na ako sa pagkakayakap ko sa kaniya at hinawakan naman niya yung kamay ko at naglakad na kami papunta sa classroom
BINABASA MO ANG
SHINHWA ELITE SCHOOL: BLOODY BEGINNINGS
Mystery / Thriller[complete but under editing] A school where killing is a way to survive and to know information, where mercy is a mere false hope. if you're brave enough and know how to keep a secret, then you're welcome to Shinhwa Elite School, where The best way...